Chapter 75

1.9K 95 3
                                    

Third Person POV

NAKAHARAP ang apat na dalaga sa lumang gusali habang pinakiramdaman ang paligid.

Napakunot noo si Viana ng hindi nito maramdaman ang mga presensya sa loob ng gusali.

Sinuri nya ito ng maigi at sinubukan gumamit ng kapangyarihan.
Nagpalabas sya ng maliit na apoy sa kanyang daliri at ibinato ito sa harap.

"Kaya pala diko maramdaman ang mga presensya sa loob dahil sa harang."mahinang bulong nito ng tumalbog lang ang maliit na apoy papunta sa lupa.

Naglakad sya palapit sa barrier at tinapakan ang maliit na apoy sa lupa.

Gamit ang hintuturo hinawakan nya ang barrier at sinuri.
Gumamit muli ito ng kapangyarihan para makita ang barrier na nakaharang sa paligid.

Napangisi nalang si viana ng mapagtanto nito na hindi ordinaryong harang lang ang nakapalibot sa buong Gusali.

Mukhang hindi 'rin ordinaryong tao ang gumawa ng harang na 'to.

"Anong ginagawa mo?"napalingon si viana kay talia ng sumulpot ito bigla sa kanyang tabi.
Sumunod naman ang dalawa na si Zehra at Visha.

"May nakapalibot na harang sa buong gusali."sagot nito sa kaibigan.

"Paano mo na laman na may harang na nakapalibot sa gusali?"takang tanong ni Talia kay Viana.

"May kakaiba sa paligid at hindi ko maramdamam ang mga presensya sa loob, kaya sinubukan kong magpalabas ng apoy at inihagis ito sa harap.
Doon ko nalaman na may harang, ng tumalbog ang apoy na inihagis ko."paliwanag nito sa kaibigan.

"Kaya pala hindi ko maramdaman ang mga presensya sa loob."sabi nito habang nakalagay ang kamay sa baba at nakatingin sa gusali.

"Paano tayo makakapasok kung may harang pala na nakapalibot."sambit naman ni Zehra.

"Wag kayong mag alala, maka-kapasok tayo."sabi ni Viana at Inilapat ang palad sa barrier.

"Anong gagawin mo?"tanong naman ni visha  habang nagtatakang nakatingin sa kaibigan.

"Sisirain ko ang harang para makapasok tayo,
'At gagawan ko nalang ng panibago."sagot nito at nag umpisa ng sirain ang harang.

Unti-unting lumilitaw sa kanilang paningin ang mataas na barrier na nakaharang sa paligid.

"A-ang laki!"sabay-sabay na sabi ng tatlong dalaga habang nakatingala sa harang na ngayon ay tuluyan ng nasira.

Ha-hakbang palang sana sila papasok ng may mga patalim ang nagliparan sa kanilang gawi.

Kanya-kanyang iwas naman ang mga dalaga para hindi matamaan ng mga patalim.

"Anong pakay nyo at bakit ninyo sinira ang harang na nakapalibot sa buong gusali!"galit na sigaw ng lalaking may apoy sa dalawang palad na parang handa ng ihagis ito sa mga dalaga.
Nahinto narin ang paghagis ng mga patalim sa dalaga ng magsalita ang lalaki.

"Uyyy hindi kami ang nag sira ng harang! sya ang nag sira kaya!"turo ni zehra kay viana.

"Tama-tama si Viana yun!"pagsangayon naman ni Talia, habang si visha naman at patango-tango lang.

Mga kaibigan ko ba talaga 'to?

Napabuga nalang ng hangin si Viana at humarap sa lalaking matalim ang tingin sa kanya.

Inangat ni viana ang kanyang palad na ipinagtaka ng lalaki.
May liwanag na lumabas sa palad nito papunta sa kalangitan.

Napa-awang ang bibig ng mga nakakita ng makagawa si viana ng barrier ng ganun kadali.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon