Chapter 57

2.4K 140 20
                                    

"Mahal na Emperador, Gusto na nila makuha ang kanilang mga premyo?"rinig kong bulong nito sa Emperador.

"Maaari munang Ibigay sakanila."utos nito habang sinusuri kaming apat.

Hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin at humarap na lamang sa harapan ng madaming xetherian.

Ramdam kong may nakatitig sa akin na akala mo'y pinapatay na ako sa kanyang isip.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang isang babae at lalaki na tila magkapatid dahil magkamukha ito.
Nasa gilid ang dalawa habang nakatingin sa akin ng masama.

Taka naman akong tumingin sa kanila at napataas ng kilay dahil hindi ko matandaan na may ginawa akong masama sa dalawa.

Anong problema ng mga 'yun?

Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng kalabitin ako ni Visha.

Nagtatanong ang mata kong napatingin sakanya.

"Yung mga tela at bolang kristal nasaan?"tanong nito sa akin.

"Ah oo nga pala."agad kong kinuha sa aking dimensional space ang mga tinago ko at binigay ito sa lalaking nakalunok ng megaphone at binigay nya naman ito sa apat na babaeng nakasunod sa kanya.

Pagkatapos nya iyon maibigay.
May iniabot ito sa amin na kahon na parang lagayan ng mga treasure.

Inabutan ako nito ng susi kaya binuksan ko na ito at ng makita na namin ang nasa loob ng kahon.

Dismayado akong tumingin sa lalaki dahil akala ko mga gintong pera at mga alahas talaga ang laman nito.

Ang laman lang naman ng kahon ay mga iba't ibang patalim na maliliit na parang laruan lamang.

"Hindi ordinaryong mga patalim ang mga 'yan.
Maaari lamang kayong pumili ng dalawa o isa na gusto nyong gamitin."kinuha nito ang maliit na espada sa loob ng kahon at nagulat kami ng bigla itong lumaki na parang ordinaryong espada.

May inabot pa ito sa amin na tig-iisang sako na maliit na naglalaman ng mga ginto!

Yesss! Sa wakas May salapi rin!

Sunod na binigay nito ay ang pinaka-inaantay ko.
Ang libro ng mga spell.

Kinuha ko ito at tumingin sa tatlo.

"Gusto nyo 'rin ba ng libro na 'to?"tanong ko sa kanila.

"Hindi ko kailangan nyan."agad na sagot ni zehra sa akin habang namimili parin ng mga patalim.

Samantalang si Talia ay hindi ako pinansin dahil busy ito kakatingin sa kanyang salapi.

Si Visha naman ay nginitian lang ako sabay nagsalita.

"Hindi ko 'rin kakailangan ang bagay na 'yan.
Itong Mga patalim lang talaga ang sadya ko kaya ako sumali sa ganto."sagot nito sa akin.

Lumawak naman ang ngiti ko sa labi dahil walang may gusto sa libro na 'to.

FAST FORWARD

Nandidito na muli ang lahat sa palasyo matapos maibigay sa amin ang mga napanalunan namin.

Nakapag palit narin kami ng aming damit at nakapag ayos bago muli bumalik sa bulwagan.

Nagsasayawan ang iba- samantalang ang iba naman ay nag uusap tungkol sa kani-kanilang teretoryo.

Habang kami namang tatlo ay nakaupo at inaantay matapos itong kasiyahan....

"Gusto ko nang umuwi!"reklamo ni zehra habang nakatulala sa kawalan.

"Ako din nilalamig na ako sa suot ko."sabat din ni talia.

"Hahaha makakauwi rin tayo kaunting tiis nalang."

"Viana nakita mo ba si Visha?"biglang tanong ni Zehra sa akin.

Oo nga 'nu? Pagbalik namin dito sa palasyo hindi na namin nakita si Visha.

"Bulag kaba!"napalingon ang lahat sa sigaw ng isang babae.

Sya yung babaeng tumingin sa aking ng masama ah?

Tumingin naman ako sa sinigawan nito.

"Viana si Visha yun diba?"turo nya sa bandang gilid.
Tinanguan ko ito bilang sagot.

"Si Visha nga, Pero bakit sya sinisigawan ng babaeng 'yan?"sabi ni talia habang hindi mawala ang tingin sa kanila.

"Bulag kaba o nagbubulag-bulagan lang para hindi mo ako yukuan!
Sabagay ganyan naman talaga ang mga ma ba-babang uri....
Manang-mana ka talaga sa Ama mong mababang uri. Hindi marunong rumespeto sa nakakataas."kitang kita mula dito ang pagkuyom ng mga palad ni Visha at tila nagpipigil ng galit.

"Wala kang karapan sabihan ang aking ama ng mababang uri dahil isa pa ding syang hari!"galit ngunit malumanay na sagot ni Visha sa babae.

"Aba't sumasabagot kapa talaga!"akmang sasampalin nya ito ngunit naramdaman ko ang galaw ni Zehra papunta sa gawing iyon.

Nasalo ng palad ni Zehra ang kamay ng babae at hinawakan ito ng mariin.

"Sa-sagot talaga sya dahil meron syang bibig. Huwag kangang-tanga ri'yan!"malditang sabi nito sa babae at pabagsak na bitawan ang kamay at tinulak pa-palayo.

"At sino ka naman para saktan ako!"malakas na sigaw nito.
Ang dami na tuloy nakatingin sa kanila.

"Sino ako? Hindi mo pwedeng malaman dahil Nagpapakilala lang ako sa mga katulad kong maganda, Kaya pasensya na."Hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi nito samantalang si talia naman ay napasapo ang noo.

"Parang sinasabi mong panget ako kaya hindi ka magpapakilala sa akin!"galit na galit na ito at parang unti nalang ay sasabog na sa galit.

"Ganun na nga." maikling sagot nito.

Bigla nalang lumapit ang kapatid ni Reyna Adella kay Zehra.
"Ikaw ang isa sa ampon ng aking kapatid hindi ba?"mahinhin ngunit mahahalata mo ang pangi-insulto sa pananalita nito.

Ipagsigawan nya nalang kaya na mga ampon kami ni Reyna adella.

Yumuko si Zehra at Visha sa harapan ng kapatid ni Inang reyna upang mag bigay galang.

Pagka-angat ng mukha ni Zehra hindi namin inaasahang sa-sampalin ng kapatid ng reyna si Zehra ng pagkalakas-lakas na ikatahimik ng mga taong nanonood.

"Wala kang karapan na saktan ang anak ko."ah anak nya pala ang bruha na yan.
kaya pala parehas sila ng ugali.

Nakita ko si reyna adella na lumapit sa kanyang kapatid at binigyan rin ito ng mag-asawang sampal.

"At wala ka 'rin karapatan na saktan ang anak ko."malamig na sabi nya sa kanyang kapatid na si Reyna Rosenda.

"Hahahahah Nababaliw kana aking kapatid.
Baka nakakalimutan mo?
Wala kang anak at asawa.
Ampon mulang ang mga yan!"ngising sabi nito kay inang reyna habang hawak ang nasaktang pisnge.

Sasagot pa sana si reyna adella ngunit Pagalit na sumigaw ang Emperador.

"Anong kaguluhan ito?!"humawi ang mga tao upang makadaan ang Emperador papalapit sa kanila.

Yumuko kaming lahat upang mag bigay galang.
Sa likod ng Emperador ay ang kanyang asawa at ang tatlong anak na lalaki, kasama ang mga kawal.

"Paumanhin Mahal na Emperador ngunit itong ampon na anak ng aking kapatid ay hindi marunong gumalang at sinaktan pa ang aking nag-iisang prinsesa."napataas ang kilay ko dahil hindi nito sinabi ang buong nangyari.

"Totoo po 'yun mahal na emperador.
Sinaktan ako ng sampid nayan at kasama nya pa ang prinsesa ng mababang uri ng kaharian."sabat naman ng anak ni Reyna Rosenda.

Hindi na ako nakapagtimpi kaya lumapit na ako sa kanila.
Sumunod naman si Talia sa akin.

"Mawalang galang na' po mahal na emperado--"hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sinampal ako ng emperador.

Kasunod nitong sinampal ay si Talia at si Reyna Adella.
Napatulala si Reyna adella sa kawalan.

Naikuyom ko ang aking kamao at nagpipigil magalit.

Ngunit baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili kapag nagsalita pa ito ng hindi magugustuhan ng aking pandinig.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon