Chapter 63

2.2K 111 11
                                    

ISANG LINGGO ang makalipas
Natapos narin ang pinagkaka- abalahan ko na tree house.

Salamat sa creation magic at napadali ang trabaho ko.
Itong tree house na gawa ko ay Napakalaki na halos meron kaming tig-iisang kwarto.

Kaya pala malawak ang nagawa ko ay dahil malaki ang puno na pinagtayuan ko ng aming tahanan.

Merong din palang Second floor itong bahay at may malawak na terrace sa taas na pwede naming pagtambayan apat o manood ng mga butuin sa langit, pampalipas oras.

Ang bawat kwarto naman namin ay may malalaking bintana na gawa sa matibay na salamin.

Napaka aliwalas talagang tingnan ang kwarto at Nakakarelax din dahil habang nakahiga ka ay kitang kita mo ang mga ang nagtataasang mga puno sa labas.

Sinadya ko talagang gawin iyon para pagka-gising namin sa umaga ay maganda ang bubungad sa amin.

Nandidito nga pala ako ngayon sa baba ng tree house.

Plano naming palawakin ang aming pagtataniman.

Yung garden naman na 'nasa dimensional space ko ay inilabas ko na at inilagay sa katabi nitong pinagbubungkalan namin ng lupa.

"Viana pagkatapos natin dito, Anong susunod natin na gagawin?"tanong ni Visha sa akin habang nag pupunas ng pawis sa mukha.

Ngumiti muna ako ng malaki bago sumagot dito.
Na I-imagine ko palang ay na e-excite na akong gawin!

Plano ko lang naman gumawa ng Hot spring!
O diba bongga!
Kasunod ng hot spring ay gagawa ulit ako ng bahay na pag i-istock-an ko ng mga pagkain namin kagaya ng mga karne at gulay.

Ayoko na mag stock sa dimensional space ko.
Tutal may lugar naman na kami na pwedeng paglagyan ng mga pagkain ng hindi nasisira agad.

Plano ko 'rin  pala 'palabasin sila Ginger at Azura.
Nasa gitna naman kami ng gubatan kaya malaya silang makakalipad- dahil napaka-laki naman nitong teritoryo namin.

Tsaka baka naiinip narin ang dalawa sa loob ng dimensional space ko.

Napahinto ako sa pag bungkal ng biglang umihip ng malakas ang hangin.
Inenjoy ko ang malamig at sariwang hangin na tumatama sa aking katawan.

Napatingin ako sa tatlo na ngayon ay nag bubungkal parin ng lupa.

"Pst! Kayo muna dito at magluluto lang ako ng kakainin natin."Sabi ko sa kanila.

Agad akong umakyat sa tree house at pumunta sa kusina para magluto ng tanghalian naming Apat.

Habang paakyat may naramdaman akong pamilyar na presensya.

Noong nakaraang linggo ko pa ito nararamdaman ngunit hindi ko lang pinagtuunan ng pansin.

Nang makapasok na ako sa kusina.
Mas lalong lumalakas ang presensya ng mga nilalang na 'yun.

"Lumabas na kayo.
Huwag na kayong mag tago pa dahil ramdam na ramdam ko ang mga presensya nyo."sabi ko at umupo sa upuan.
Makalipas ang ilang minuto na pag aantay ay hindi parin sila nagpapakita.

"Ayaw nyo pala ha.
Sige."tumayo ako at kumuha ng pudding na gawa ko kahapon na nilagay ko sa gawa-gawa kong ref na gawa sa kahoy at nilagyan ko lang ng mahika para lumamig.
May ilaw din ito sa loob para hindi madilim kapag kukuha ng pagkain.

Nang makakuha na ako.
Kumuha na rin ako ng maliit na kutsara at lalantakan na sana ito ngunit may biglang nagsalita sa aking gilid na maliit na boses.

Paglingon ko, Ito pala ang Reyna ng mga Fairyn.
Madami sila ngayon na nandidito sa kusina.

"Mahal na Reyna?"nahihiya itong tumingin sa akin at pansin kong namumula rin ang kanyang magkabilang pisngi.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon