"KAPITAN, naayos na ang matutulugan ninyo at ng prinsipe."sabi ng kawal na kakarating lamang.
Tinanguan lang ito ni asval at sinenyasan na umalis na agad.
"Mauuna na kami mga binibini, ikinagagalak namin kayong makilala."ngiting paalam ni kalias sa amin.
"Kung may kailangan kayo tawagan nyo lamang kami."dugtong naman ni Kenzo at tinalikuran na kaming apat.
Sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nya.Nang makalayo sila agad na akong tinadtad ng tanong ng tatlo.
"Hep! Hep! Hep! Mamaya nyo na ako tadtarin ng tanong, palubog na ang araw oh! At kailangan ko nang mag umpisang magluto at kayo---maghanap na kayo ng pwesto na pagtatayuan ng ating tent."pigil ko sa kanila.
Bagsak balikat na naglakad ang mga 'to palayo sa akin.Muli akong nangalkal sa bag ngunit hindi ko talaga mahagilap yung tent kaya sumuko na ako kakahanap.
Pinahihirapan ko pa sarili ko 'kung kaya ko naman gumawa nito ng isang pitik lang ng aking daliri.
Zehra POV
"Hays! tatadtarin ko talaga sya ng tanong mamaya!"sambit ko habang nag hahanap kami ng pagtatayuan ng aming tent.
"Dito nalang magtayo."napahinto kami ni visha ng sabihin iyon ni talia.
Nailibot naman namin ang aming paningin sa paligid.Malawak rito at napapalibutan ng mga naglalakihang puno kahit medyo nakakatakot ay ayos lang basta medyo malayo kami sa mga kalalakihan.
"Babalikan ko lang si Viana para makapag-ayos na tayo."sambit ni Visha kaya tinanguan namin ito at nagpasalamat sakanya.
"Zehra?" napalingon ako ng kalabitin ako ni talia.
Inantay ko ang sasabihin nito ng bigla nalang itong nagtitili sa tuwa.
"A-anong nangyari sayo?! Bakit ka tumitili riyan?!"tinuro nito ang mga damo sa lupa."Anong meron sa mga damo na 'yan?"takang tanong ko sakanya.
Hinampas nito ang braso ko ngunit mahina lamang.
"Hindi mga damo 'yan!" sabi nya sabay hila sa akin palapit sa mga ugat ng naglalakihang puno dahil doon maraming damo na nakatayo."Hindi mo ba alam na halamang gamot ang mga 'yan?!"tuwang-tuwa na sambit nito nakatingin sa mga halaman.
"Wahhhh! Halos lahat na ata ng halamang gamot na nabasa ko sa libro ay nandidito na!"nanlalaking mata na sabi pa nito at nag-umpisa nang manguha.
Si talia pala ay mahilig sa libro lalong-lalo na yung mga binigay sakanya ni Viana tungkol sa mga halamang gamot.
Hindi nya tinantanan ang mga 'yun kakabasa hangga't hindi nya natatapos."Merong 'pang mga Herbal na puwedeng ipanghalo sa pagkain!
Matutuwa 'yun si Viana kapag nalaman nyang may mga herbal rito!"masayang sambit nya habang nagbubunot ng mga halaman.Tinulungan ko na rin ito sa kanyang ginagawa hanggang sa makarami kami.
Hindi namin ito pinaghahalo para mabilis malaman kung anong klaseng halaman ang mga nakuha namin.Sakto naman ay nandidito na 'rin sila Viana.
"Anong ginagawa nyo?"takang tanong nito sa amin pagkalapit."Tinulungan ko lang si Talia na manguha ng mga halamang gamot."sagot ko sakanya at tinuro si talia na busy parin sa pangunguha ng mga halaman.
Sinulyapan nito ang hawak ko at kinuha sa aking kamay at sinuri ng mabuti ang hawak.
Nanlaki ang mata nito at biglang lumawak ang ngiting napatingin sa akin.
"Zehra?! Alam mo 'ba na pwede nating patuyuin ang mga halaman na 'to at ihalo sa mga pagkaing lulutuin natin para mas bumango at sumarap!"nagkatitigan kami at biglang napangisi sa isa't-isa.
