Chapter 25

2.8K 138 4
                                    

Viana POV

"hindi pa."tipid na sagot nito saakin at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng kabayo kaya napahawak ako ng mahigpit sa tali.

Isang oras na ata akong nakahawak sa tali dahil sa takot kong malaglag sa lupa.

"Malayo paba tayo?
Nangangalay na kamay ko oh!."reklamo ko sa ginoo na nasa aking likuran.

"Bumitaw ka."wala talagang kwentang kausap 'to.

"Tanga kaba! Edi malalaglag ako.
Ang bilis kaya ng takbo ng kabayo mo!"iritang sagot ko dito.

Napabitaw naman ako sa tali ng pwersahan nya itong hinila sa aking kamay kaya napahinto ang kabayo at umangat ang kalahati ng katawan nito sa lupa.

Muntik na kaming malaglag dalawa mabuti nalang at nakahawak sya ng mahigpit sa tali at napahawak sya sa bewang ko para hindi ako tuluyang malaglag sa lupa.

"Nababaliw kana ba!!!"hiyaw ko dito ng makalapag muli sa lupa ang unahang bahagi ng katawan ng kabayo.
Tatalon na sana ako pababa,
Pero nakahawak parin ito sa bewang ko.

"Bitawan moko!"naiinis na sambit ko dito at nag pupumilit bumaba pero ang higpit talaga ng hawak nya sa akin.

Nakakapansin na ako sa lalaki na'to nanananching na sya ah!

Kinalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago muli magsalita.

"Wala kaba talagang balak bitawan bewang ko?!"madiing sambit ko dito na may pagbabanta.

Hindi ko nakikita ang itsura nito dahil nakatalikod ako sa kanya.
Pero alam kong natauhan ito sa aking sinabi at dahan-dahang binitawan ang bewang ko.

"Pa-paumanhin binibini."mahinang sambit nito nang mapagtanto nya na kanina pa sya nakahawak sa bewang ko.
Tumalon ako pababa sa kabayo at galit na hinarap sya.

"Sira kaba?! Paano kung madisgrasya tayo sa ginagawa mo!"nakayuko naman ito habang hindi makatingin saakin.

"Tapos ngayon wala kang masabi kasi alam mong may pagkakamali ka."napa-irap nalang ako dito ng hindi na naman ako nito sagutin.

Napatingin ako sa dalawang kabayo na papalayo na saamin at muling tumingin kay dexter na nakatingin na rin pala saakin.
Tinaasan ko ito ng kilay kaya napaiwas sya ng tingin.

"Iwan muna ako dito, Ako na bahalang pumunta sa palasyo nyo."sambit ko dito.
Hindi ako nito sinagot kaya naglakad na ako palayo sakanya.

"Ayaw kong makipag usap sa hindi marunong magsalita! Bwiset sya kainis!"iritang sambit ko habang sinisipa ang mga batong nadadaanan ko.
Narinig ko itong tinawag ako pero hindi ko sya pinansin.
Manigas sya!!!!

Napatingin ako sa paligid, Wala nang mga kabahayan dito, Puno at damo nalamang ang tanging makikita sa buong paligid.

"Sandali lang binibini!"rinig kong sigaw nito muli.
Aba sinundan pala ako ng hayup na'to!

Hinarap ko sya at walang buhay na tiningnan.
"Ano nanaman ba?!"walang ka buhay-buhay na tanong ko rito.

"Sumakay kana."

"Ayoko."Tinalikuran ko itong muli at naglakad palayo sakanya pero nanatiling nakasunod ito saakin.

Tumingin ako sa bughaw na kalangitan at bigla kong naalala si ginger.

"Lubayan mo ako kung ayaw mong ipakain kita sa dragon ko."
hindi naman ito naniwala sa sinabi ko.

"Nakakainis naman! Sana pala hindi nalang ako pumayag na sumama sakanila!"pagsisising sambit ko habang nagpapadyak ng paa sa lupa.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon