Visha's Point Of View
Nandidito na kami sa tuktok ng gusali.
Malawak ang espasyo dito at parang magagawa namin ang mga gusto naming gawin....Napatingin ako sa kalangitan.
Napaka-gandang pagmasdan ng malaking bilog na buwan.Nakikita 'rin dito ang mga kabahayan sa buong paligid.
Para itong mga butuin sa langit dahil sa mga maliit na ilaw na nanggagaling sa loob ng kanilang tahanan.Matapos naming hangaan ang buong paligid, muli kaming humarap kay hamir.
"Ito na pala ang magiging tahanan ninyong apat."sabi nito kaya napatingin kami sa bahay na tinutukoy nya.
May kalakihan nga ito kagaya ng sinabi nya at sakto sa aming apat.
Naglakad kami palapit kay hamir ng buksan na nito ang pinto gamit ang hawak nitong susi.Napaubo ako ng masinghot ko ang mga alikabok na nangagaling sa pinto.
"Grabe! Parang ilang dekada ng hindi nalilinisan 'tong silid na 'to ha?"sabi ni zehra habang winawasiwas ang kamay sa ere dahil sa mga alikabok.
Samantalang si Talia at Viana naman ay nakatakip ang ilong at bibig gamit ang tela ng kanilang suot."Paano ba 'yan mga binibini--- Hanggang dito nalang ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin....
Kung may kailangan kayo ay tawagin nyo lamang ako sa baba."sabi nito at inabot kay Viana ang susi ng kwarto.
Nagpasalamat kami sakanya bago ito tuluyang umalis."Pumasok na tayo at makapag umpisa ng maglinis."sabi ni viana at nauna ng pumasok sa loob, sumunod naman kami sa kanya.
Madilim dito at maalikabok.
Gamit ang kapangyarihan ni Viana nagkaroon kami ng ilaw.Napanganga kaming apat ng makita namin ang kung gaano kagulo at kadumi ang silid.
"Bodega ba 'to?"wala sa sariling sambit ko habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
Madaming mga gamit dito na sa palagay ko ay hindi na mapapakinabangan.Bulok na ang mga kahoy at sira-sirang mga dingding.
May butas narin ang bubungan at walang maayos na higaan.Bigla akong nanghina habang iniisip ko kung paano namin lilinisan ang buong silid.
"Hahahha bakit ganyan ang mga itsura nyo?"natatawang sabi ni viana habang nakatingin sa amin.
"Paano natin lilinisan ang silid na 'to?"problemadong sabi ni Zehra.
Habang si Talia naman ay parang nanlata sa kanyang kinatatayuan."Akala ko pa naman kakaunti lang ang lilinisan."sabi pa nito.
"Hahahha huwag kayong mag-alala ako bahala. Tara na't mag umpisa na tayo!"masiglang sabi nito.
May lumutang na mga damit sa aming harapan.
"Anong gagawin namin sa mga 'to?"takang tanong ko kay Viana."Syempre kailangan natin magpalit ng damit!
Sinong ba ang naglilinis na nakaganto ang ayos?
'Tingnan nyo nga lang ang mga kasuotan natin."napatingin naman kami sa aming mga suot.Nakaputi kaming lahat kaya mabilis itong madumihan.
Kinuha nalang namin ang mga pamalit at agad na nagbihis.
Tinago naman ni Viana ang aming mga kasuotan sa kanyang dimensional space at binigyan kami nito ng tigi-isang walis at pandakot.Viana's Point Of View
Nag-umpisa na kaming maglinis apat.
Silang tatlo ay nagtulungan sa pag walis ng mga alikabok at mga kalat habang ako naman ay taga tanggal ng mga hindi na napapakinabangan na mga gamit at nilalagay ang mga 'to sa aking dimensional space.
