NAPABALIKWAS AKO ng bangon at naghahabol ng hininga habang nakahawak sa aking dibdib.
Sobrang lakas ng kabog nito na para bang nakipag habulan ako sa aso.Huminga ako ng malalim at pumikit para ikalma ang aking sarili.
Napahilamos ako ng mukha gamit ang aking kamay at dahan-dahang idinilat muli ang aking mata.Tila ba may malaking question mark na namuo sa ibabaw ng aking ulo.
Nagsalubong ang kilay ko ng- mapansing hindi pamilyar sa akin ang silid."N-nasasaan ako?!"gulat na tanong ko sa aking sarili.
Hindi sinasadyang napahawak ako sa magaspang na bagay kaya napatayo ako at tiningnan ito.
"Ka-kaninong higaan 'to?!"turo ko sa kinauupuan ko kanina.
Napatingin ako sa aking kamay at
Nanlaki ang mata ng makitang naging makinis at maputi ang aking balat at nagkaroon ito ng kaunting laman."B-bakit ganito ang balat ko!? H-hindi ako ganito ka-kinis!"
Naghanap ako ng salamin para makita ang aking sarili.
Napanganga ako ng makitang nasa ibang katauhan ako.
Unti-unti akong napa-atras habang nakatingin parin sa malaking salamin." Na-nanaginip lang siguro ako! Hahhaha oo! Panaginip lang 'to!"pangungumbinsi ko sa aking sarili at parang baliw na tumawa mag-isa.
"Teka??? Hindi ba patay na ako!?"
"Nananaginip ba ang patay?"
"Nababaliw na ata ako."
Napa iling-iling nalang ako at sa hindi inaasahan may natamaan ang likod ng aking paahan kaya natumba ako.Napadaing ako ng tumama ang pang-upo ko sa kahoy na sahig.
Bigla kong narealize na nasasaktan ako ibig sabihin! Hindi ako na nanaginip!Kinurot ko ang aking pisnge para masigurado na hindi ako na nananaginip.
"Ibig sabihin! Hindi ito panaginip at buhay ako"hindi makapaniwalang sambit ko.
"Kaynino 'namang katawan 'to!"
Tumayo ako at muling tumingin sa salamin.Napatingin ako sa aking mukha....
Mala-dyosa ang ganda ng nakikita kong babae sa harap ng salamin.
Perpektong hugis ng mukha-
Matangos na ilong, makapal at maganda ang Kurba ng kilay.
Magandang katawan at kulay Olandes ang buhok.
Mahaba ito at medyo kulot ang dulo.*Olandes ay blonde.*
Nasilaw ako sa liwanag na tumatagos sa loob ng kwarto.
Nilingon ko kung saan ito nangagaling.Ngayon ko lang napansin na may bintana pala dito.
Naglakad ako papalapit doon at binuksan ang bintana.Napapikit ako ng salubungin ako ng malakas na simoy ng hangin kaya pati ang buhok ko ay sumasabay sa hampas ng hangin papunta sa aking mukha kaya hinawakan ko ito para makita ng mabuti ang labas.
Namilog ang aking mata ng makita kung gaano ka-ganda ang tanawing nasa aking harapan.
Parang hindi makatotohanan na may ganitong kagandang tanawin akong nakikita, 'Tila ba nasa isa akong napakagandang panaginip na ayaw ko ng magising.
Kinusot ko ang aking mata baka namamalikmata lang ako.
"Teka Bundok?"takang sambit ko habang nakatingin parin sa labas.Muli akong pumasok sa loob at naghanap ng sagot sa aking mga katanungan baka sakaling may makita akong sagot.
Napadako ang tingin ko sa mesa na katabi ng kama.
Pansin 'kong may nakapatong 'doon.Nilapitan ko ito at kinuha ang kwadernong nakapatong.
Maalikabok na ito at may kalumaan narin.
Pinagpagan ko muna ito bago buklatin.