NAPAGPASYAHAN KONG bumalik nalang muna sa bundok kasama si Zehra.
Naisip ko rin ang kapakanan naming dalawa kung sakaling may makasalamuha kami na kalaban na mas malakas sa amin- sa lugar na dadayuhin naming dalawa.
'At isa pa hindi rin ako sigurado sa lakas na meron ako ngayon.
Masyado pang delekado sa aming dalawa ang pagpunta sa ibang lugar.Masyadong misteryoso at mapanganib ang mundong ito kaya hindi na muna ako magpadalos-dalos ng desisyon lalo na't madaming kalaban sa paligid.
Maninirahan muna kami sa bundok habang hinahasa ang aming mga kakayahan.
'At alam kong marami 'din kaming dapat matutunan pa sa mundong ito.Napag-usapan narin naming dalawa ang desisyon ko.
Sumangayon naman ito agad sa akin basta't may makakain 'raw kami.NARIRITO pa 'rin pala kaming dalawa sa harap ng kanyang tahanan.
"Wala kabang dadalhin na mga gamit?"tanong ko rito.
Nakangiwi itong napalingon sa akin.
"Seryoso kaba?
Mukha bang mapapakinabangan pa ang mga gamit na 'yan?""Mabuti na ngalang at nakabaon itong mapa sa lupa, dahil kung hindi kasama 'rin itong natangay ng mga hayup na bandido na 'yun!"inis na sambit nito at inabot ang mapa sa akin.
Nilagay ko naman ito sa aking dimensional space ng palihim.
"Sabagay- Sige hayaan muna tara na't umalis na tayo.
Baka maabutan pa tayo rito ng mga humahabol satin."Gamit ang hangin nagawa kong palutangin ang aking sarili at kinontrol ito.
Sunod ay pinalutang ko naman ang katawan ni Zehra.Lumipad kami papunta sa bundok.
Mabilis lang ang paglipad namin at nakarating agad kami sa bundok ng matiwasay."A-ang ganda!"nagmistulang parang bata itong tingnan habang nakatingin sa mala-paraisong tanawin.
Napangiti rin ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin habang nakatingin sa napakagandang tanawin.
Napaupo ako sa damuhan habang
patuloy na nakatanaw sa mga naglalakihang kabundukan.
Umupo rin si Zehra sa aking tabi at pumikit ng umihip ang malakas na hangin.Sabay kaming natawa ng humampas sa aming mukha ang hibla ng aming buhok.
"Hindi ko akalain na ganito kaganda ang bubungad sayo tuwing pag gising mo sa umaga."nakangiting sambit ni zehra sa akin.
"Nakakawala ng pagod at problema ang lugar na 'to."dugtong pa nito.
"Tama ka-"ngiting sagot lang rito at humiga na sa damuhan.
"Nakalimutan kong itanong?"napalingon ako kay zehra ng muli itong magsalita.
"Ano 'yun?"tanong ko rito.
"Ilang taon kana pala?"
"Labing-siyam-"sagot ko rito.
"Ikaw ba?"balik tanong ko sakanya."Bente. Kakatapos lang ng kaarawan ko nung nakaraang buwan."
"Matanda kapa 'pala sakin. Pero ang liit mo 'ha."Matalim ako nitong tiningnan.
"Biro lang hehe."
ILANG MINUTO 'rin kaming tahimik at nakahiga na rin si Zehra sa damuhan.
Napalingon ako sa aking katabi ng biglang may ideyang pumasok sa aking isip.
Napabangon ako at nakangiting nakatingin kay zehra na nagulat at nagtatakang nakatingin sa akin."Anong problema mo? Bat ganyan ka makatingin?"takang tanong nito.
"May naisip ako at gusto kong subukan sayo!"excited na sabi ko rito.
"Bumangon kana 'riyan dali!" tumayo ako at pilit na pinatayo si Zehra.
"T-teka lang sandali! Ano ba kasi 'yun?!"
"Basta!"
Wala itong nagawa kundi sumunod sa akin at tumayo sa aking harapan.
Kinuha ko ang dalawang kamay nito at inutusan syang pumikit.Nararamdaman ko ang daloy ng aking kapangyarihan papunta sa mga kamay ni Zehra.
Alam kung nagtataka ito dahil nararamdaman nyang parang may kuryenteng dumadaloy sa buo n'yang katawan ngunit hindi ito nagreklamo at hinayaan ang aking ginagawa.
"Ano yun?"takang tanong nito matapos ko syang bahagian ng aking kapangyarihan.
"Sinubukan ko lang kung kaya ko bang magbahagi ng kapangyarihan sa iba.
Hindi nga ako nabigo!"malaking ngiti na sambit ko rito.Napaawang ang bibig nito sa aking sinabi at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Dali! Subukan mong magpalabas ng hangin.""B-bakit?"di makapaniwalang tanong nito.
"Anong bakit?"
"Bakit moko binahagian ng kapangyarihan mo eh.
Kakakilala lang naman natin?""Bakit naman hindi? Hindi ba magkaibigan na tayo."ngiting sambit ko rito.
Matagal ito nakapag salita at nanatiling nakatingin sa akin.
Unti-unting napawi ang ngiti ko sa labi.
Baka ako lang nag-iisip na kaibigan 'rin ang turing nya sa akin.Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nitong hawakan ang aking pulsuhan kaya't napahinto ako.
"Pasensya na- Nagulat lang ako.
Ngayon lang kasi may tumuring sakin na isang kaibigan HAHAH!
Kaya hindi ako nakapag salita agad."paliwanag nito sakin.Napatingin ako sa kanya.
Parehas lang pala kami ng sitwasyon.
Muli akong ngumiti at naglahad ng kamay sa harapan nya.Taka naman ito sa aking ginawa kaya't kinuha ko ang palad nito at pinagshake hands.
Third Person's POV
'AT sa araw na 'yun doon nagsimula ang matalik na pagkakaibigan nilang Dalawa.
Lumipas ang mga araw, buwan at taon.
Patuloy na nage-ensayo ang dalawang binibini sa kani-kanilang sarili.Tinulungan 'rin ni Viana si Zehra na Kontrolin ang Kapangyarihan nitong apoy at Hangin.
Lahat ng kaalaman ni Viana ay itinuturo nya sa kanyang kaibigan.
Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa.Nadiskubre rin ni Zehra na madaming kakayahan ang kaibigan na talaga nga namang ikinagulat nya.
Ngunit sinasanay nya nalang ang kanyang sarili sa kakayahan ng kaibigan.
"BAKIT ka nakatulala sakin?"takang tanong ni Viana kay zehra ng maramdaman nito na matagal na nakatitig ang kaibigan sa kanya.
"Parang nakatingin lang, Arte naman nito!" irap ni Zehra sa kaibigan at tumayo upang pumasok sa loob ng tahanan.
Paniguradong magbabasa lang iyon ng mga libro sa loob.
Ganun lang ang gawain nilang dalawa kapag tapos na silang mag ensayo.
Magbabasa sila ng sandamakmak na libro dahil alam nilang makakatulong iyon sa kanila sa paghasa ng kanilang kapangyarihan at dagdagan kaalaman rin.SA KABILANG banda nakaawang ang bibig ni Viana at hindi makapaniwala na inirapan sya ng kaibigan.
Tumayo rin ito at hinabol ang kaibigan at biglang sinapok ng mahina sa ulo.
Sa sobrang lapit ng dalawa ay walang araw na hindi sila nagkakasagutan at nag rarambulan.
Sanay na sanay na sila sa isa't isa na kahit umutot pa ang isa sa kanila ay wala na itong pakealam kahit gaano pa ito kabaho.