Chapter 24

2.7K 130 4
                                    

Talia POV

Matapos maligo ni Viana sumunod naman si Zehra sakanya.

"Bakit pala ang daming mga kabayo sa baba?"tanong ni viana sa akin habang sinusuklay ang kanyang maalon at blonde na buhok.

" 'Ayun nga 'rin ang ipinagtataka ko?"

"Antayin nalang natin si Zehra para sabay sabay tayong bumaba."sambit nito.

"Oo nga pala ang susi nasaan?"

"Nasa akin tinago ko."sagot ko sakanya at hiniram ang suklay na ginagamit nya.

"Sige ikaw nalang mag balik kay amil pagkababa natin."tumango naman ako sakanya at nagsuklay din ng buhok.

Nag antay lang kami ng ilang minuto at natapos narin maligo si zehra.
Sinusuklay na rin nito ang kanyang itim na buhok habang palapit sa amin.

"Ito na mga kapa nyo, Bago yan dahil yung ginamit natin kahapon amoy usok na."sambit ni Viana matapos ibigay sa amin ang bagong mga kapa.
Kulay puti ang akin, Parehas kami ni Zehra ng kapa, Samantalang ang kay Viana naman ay kulay itim na may mga desenyo na maliliit.

Sinuot na namin ito pero hindi namin tinakpan ang 'aming ulo ng hood.
Ang mga buhok naman namin ay tinirintas namin na pa-korona para hindi sagabal sa aming mukha at hindi mainit.

Lumabas na kami ng silid at sinirado ang pinto.
Pagkababa bumungad sa amin ang napakadaming kawal.

Hindi kami napansin ng mga ito dahil nakatalikod sila sa amin- habang nag-uusap.
Nakita namin si amil na may kausap na ginoo.

Napatingin naman ako sa ginoong kausap nya.
Gwapo ito ngunit madami itong mga peklat sa katawan na- halatang halata dahil sa maputi nitong balat pero hindi parin nababawasan ang kagwapuhan nito kahit madami itong peklat.

"Amil ibabalik na pala namin ang susi."singit ko nang makalapit kaming tatlo sa kanilang dalawa  kaya napalingon sila sa aming gawi.

Napatingin naman ako sa ginoo, Matapos kong ibigay ang susi kay amil.
Nahuli kong nakatingin din pala ito saakin kaya nagkatitigan kami ng ilang segundo.
Ako ang unang nag-iwas ng tingin at muling tumingin kay amil na may malawak na ngiti sa labi ng makita nya kami.

"Mas bagay pala sa inyo pag naka ayos ang mga buhok." napahawak naman ako sa aking buhok.

Nahihiya kaming nagpasalamat dito.

"Ngayon naba ang alis nyo?."Tinanguan namin ito.

Malungkot itong tumingin sa amin.

"Hahah wag ka mag alala babalik din kami dito."sambit ni Zehra na ikatango naming dalawa ni viana para sumang-ayon sa sinabi nya.

"Talaga! Kung ganun ay aantayin ko kayo!"masayang sambit ni amil.

"Oo nga pala may nag hahanap sainyo."tinuro nito ang ginoo na nakatulala parin hanggang ngayon.

Kinalabit ito ni amil at natauhan naman itong napatingin saamin.
Natawa kami sa reaksyon nito dahil para itong nagulat sa pag kalabit ni amil sa kanya.

"Paumanhin mga binibini, Ako nga pala si Greyson pinuno ng mga kawal sa palasyo."pakilala nito at yumuko sa aming harapan.

"Akala ko'y mga lalaki sila?"rinig kong bulong nito kay amil.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon