Lumapit ako sa nagbebenta ng iba't-ibang spices at herbs
Isang ginang ang nagtitinda nito.Ngumiti ito at binati ako ng makalapit ako sa pwesto nya.
"Magandang hapon sa 'iyo magandang binibini"bati nito sa akin.
"Magandang hapon 'rin po sa inyo.
Nais ko 'ho sanang bilhin ang lahat ng paninda nyo."nanlaki ang mata nito at dali-daling nilagay sa isang malaking kahon ang mga spices."Naku binibini hulog ka ng langit! Sandali lang at ibabalot ko ng maayos ito!"tarantang sambit nito sa sa akin.
Inantay ko lang itong matapos, at ng maibalot nya na ng maayos agad kong inabot sa kanya ang sampung gintong salapi at binuhat ang isang kahon na puno ng mga spices at herbs at nilagay ito sa likod ng kabayo at itinali ito ng maayos doon.
"T-teka lang binibini!?
Sobra-sobra itong binigay mo sa akin?!"nginitian ko lang ito."Kung ganun ay malugod ko itong tatangapin.
Maraming salamat binibini." sambit nito at yumuko ng kaunti.Hinila kona ang kabayo at nag umpisa na akong maglakad para mamili ng mga bagay na makakuha ng atensyon ko.
Nakasalubong ko naman sila Zehra at Visha na ngayon ay madami narin napamili.
"Ano iyang pinamili mo?"tanong ni zehra sakin pagkalapit.
"Ah mga pangpalasa lang ng pagkain."
"Ba't ang dami naman ata?"tanong namin ni Visha.
"Para matagal maubos."
"Ahhh"
"Oo nga pala ano naman 'yang mga pinamili nyo?"takang tanong ko sa dalawa.
Ang dami naman kasi nilang dala.
At ang 'lalaki pa."Mga damit! Ang daming magagandang damit dito!"nag ningning ang mata ng dalawa habang nakatingin sa kanilang mga dala.
"O siya at itali nyo na ang mga dala nyo sa likod ng kabayo ng hindi kayo mahirapan sa pagdala ng mga yan."
Inayos muna nila ito bago itali sa likod ng kabayo saka kami nagpatuloy sa pag libot.
"Teka sandali!" may pamilyar na mukha akong nakita.
Susundan ko sana ito ngunit bigla nalang dumami ang mga tao kaya hindi ko na ito nasundan ng tingin."Bakit! Anyare sayo?!"natatarantang sambit ni zehra.
"May kalaban ba?"tanong naman ni Visha.
"Wala, may namumukhaan lang ako."Sagot ko sa kanila at iniwas na ang tingin kung saan ko nakita ang isang ginoo.
Third person's Point of View
Sa kabilang banda napangiti nalang si duke ng makita nya ang babaeng matagal nya nang hinahanap.
Nakatagilid ang dalaga sa kanya kaya hindi sya nito napansin.Lalapitan na sana nya ito ngunit tinawag na sya ng kanyang mga tauhan.
May misyon sila sa lugar na 'to.
Hinahanap nila ang mga kriminal na nagtatago dito.
Hindi nya akalain na sa lugar na ito nya pa matatagpuan ang binibini.Wala syang nagawa kundi habulin ang kriminal na nakita ng kanyang tauhan.
Di rin napansin ng duke na nakita din siya ng dalaga ngunit hindi lang ito sigurado dahil nakatagilid din ito sa kanya.
Zehra's Point Of View
Matapos naming maglibot at mamili nakahanap rin kami ng inn na pwede namin matuluyan.
