Chapter 30

2.9K 121 2
                                    

Zehra POV

Nang makarating kami sa pintuan, Agad kaming tatlo nagsitakbuhan paakyat ng aming silid.

"Talia ikaw muna mauna maligo."sambit ko dito nang makita kong mas nanlalamig ito kaysa sa akin.

"Sa-salamat, Wag ka mag-alala saglit lang ako maligo."
nanginginig na sagot nya.

Pumasok na ito sa loob samantalang ako ay pina-init ang katawan gamit ang aking kapangyarihang apoy upang hindi ginawin.

Makalipas ang ilang minuto tapos narin itong maligo at nakatapis lang ito ng tuwalya lumabas ng banyo.

"Ahh? Ano-"hindi ko na ito pinatapos sa kanyang sasabihin dahil alam ko na ang kailangan nya.

"May mga damit ako doon sa lagayan nayun."turo ko sa drawer na nasa tabi ng aming kama.

"Pili ka nalang ng masusuot mo.
Sige maliligo na ako nilalamig narin ako eh."sabi ko dito at dali-daling pumasok sa banyo.

Narinig ko pa itong nagpasalamat ngunit hindi ko na ito sinagot at tuluyan ko nang sinirado ang pinto.

Viana POV

Matapos kong maligo at magbihis .
Lumabas ako ng aking silid para pumunta sa kabilang kwarto.

Kumatok muna ako bago pumasok.
Pagkabukas ko ng pintuan, Nakita ko ang dalawa na nakaupo habang nagsusuklay ng kanilang buhok.

"Psttt."Pukaw ko sa kanilang atensyon habang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Oh Viana nandyan ka 'pala tuloy ka." talia

"Haha hindi na, yayayain ko din naman kayo bumaba."

"Bakit?" tanong ni zehra saakin habang nakikipag gyera sa buhok nyang buhol buhol.
Napangiwi ako habang nakatingin sa kuwawang suklay.

"Anong bakit syempre kakain tayo."

"Kung ayaw nyo naman sa baba kumain.
Pwede naman tayo 'dito."dagdag ko pa.

"Dito nalang tayo kumain.
Ayaw ko'na bumaba eh." zehra.

Hindi parin ito tapos mag suklay ng buhok nya.
Naglakad ako palapit sa dito at hinablot ang suklay na hawak nya.
Ako naiirita kakatingin eh!

"Buhok pa ba 'to!?"
grabe buhol-buhol ang buhok nya.

"Grabe ka naman viana, buhok parin naman yan mukha lang pugad."aniya habang nakanguso.

Inayos ko ang pagsuklay ng buhok nya hanggang sa mawala na ang pagkakabuhol.
Matapos ko syang suklayan niyaya ko na ang dalawa kumain.

"Tara kain na tayo nagugutom na kaya ako."yaya ko sa kanilang dalawa at lumipat ako sa sofa at kaharap nito ay lamesa.

Kinuha ko sa aking dimensional space ang mga pagkain na kakainin namin.

Nagsitayuan naman silang dalawa at umupo sa lapag kaharap ang maliit na lamesa at nagsimula na kaming kumain.
Bali kaharap ko silang dalawa.

"Sana maganda at madaming pamilihan sa lorvil."napalingon kami kay talia ng bigla itong magsalita habang naghihiwa ng karne at sinubo.

"Hahahah mamimili ka 'nu"sambut ni zehra dito at tinusok ang tagiliran ni talia.

"Malamang anong gusto mong gawin ko sa salapi. Itago!?
Gagastusin ko talaga yun para saatin.
Gusto kong bumili ng bagay na magagamit natin 'gamit ang salapi na pinagkakitaan ko sa barbeque ni viana."mahabang paliwanag ni Talia.

Gusto ko ang sinabi nya pero mambubudol ang babaita na'to.
Pero kahit budol sya 'may chocolate parin sya sakin hahah.

Kinumpas ko ang aking daliri at may mga chocolate na nakalapag sa ibabaw ng lamesa.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon