Chapter 56

2.5K 122 3
                                    

Habang naglalakad ako papalapit sa tatlo, napansin ko ang mga mababangis na hayop na tinumpok nila sa gilid  ng puno.

Kakaibang hayop iyon at sa tingin ko ay hindi nakakain kaya iniwas ko na ang tingin doon.

"O Viana nandyan kana pala!"bati ni Zehra sa akin kaya napalingon ako sakanila.

Kinawayan ko ang mga 'to at umupo sa tabi ni Talia.

"Anong balita?"tanong nito sa akin pagka-upo.

Kinuha ko sa aking dimensional space ang mga nakuha kong tela at bolang kristal at pinakita ito sa kanila.

"Nakadalawa ka agad?!!!"gulat at sabay na sambit ng tatlo.

"Ahh yung isa nadaanan ko lang hehe."sagot ko sa kanila.

Yung mga mukha nila parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

Totoo naman na nadaan ko lang ang isang grupo papunta dito.
Sayang naman yung pagkakataon kung hindi ko papansinin diba?

"Oo nga pala hindi na natin kailangan ng base."taka naman silang napatingin sa akin.

"Bakit hindi na natin ka-kailangan ng base?"takang tanong ni Zehra.

"Paano tayo mananalo kung hindi tayo kikilos apat?
Apat lang naman tayo kaya hindi na natin ka-kailangan 'nun.
Tsaka kailangan din natin magmadali dahil hindi naman nag bigay ng oras yung lalaking nakalunok ng megaphone kanina...."paliwanag ko sa kanila

"Oo nga nuh!"zehra.

"Anong plano mo ngayon?"Tanong ni Visha.

"Kailangan lang naman natin hanapin ang mga base ng ibang grupo at patumbahin ang mga 'to para makuha ang telang nasa pinuno nila at ang Bolang kristal."sumangayon naman sila sa akin at nagsitayuan.

"Sumunod kayo sakin."utos ko sa kanila at tumakbo sa dereksyon kung saan may naramdaman ang  mga presensya ng ibang grupo...

               
Third Person POV

Habang nagsasagawa ng Plano ang pinuno ng isang grupo na may kulay blue na tela.

Hindi nila inaasahan na matutunton nila Viana ang Base nila.

"Pinuno anong gagawin natin!"sigaw ng kanyang tauhan
Habang sya naman ay hindi alam ang gagawin.

Tatlong babae lang ang sumugod sa kanila habang sila naman ay mahigit nasa singkwenta ngunit matatalo pa ata sila ng tatlong babae.

"Huwag mong kalimutan na isama ako Apat kaming lahat."Napalundag sa gulat ang prinsipe at lumingon sa nagsalitang si Viana at biglang hinimatay.

Taranta namang sinalo ni Viana ang lalaki at napakamot nalang ng ulo.
Nabasa kasi ni Viana ang iniisip ng lalaki kaya sinagot nya ito.

Hindi naman nya inaasahan na hihimatayin ito sa gulat.

"Ahm.. mahal na prinsipe kukunin ko na ah? Tutal tulog ka naman hehe."paalam nito sa hinimatay na prinsipe bago kunin ang Telang nakasabit sa kanyang pulso at ang bolang kristal na nakalapag sa gilid ng inuupuan ng prinsipe.

Nang makuha na ni Viana ang tela at bolang kristal agad nya din itong itinago sa kanyang Dimensional space at Inaya nang Umalis sa Base ang mga kasama para hanapin naman ang natitira pang grupo.

Ganun lang ang ginawa nila sa nagdaang mga oras.
Pitong grupo na ang napabagsak nila at patuloy parin sila sa paghahanap ng dalawa pang natitirang grupo.

Zehra's Point Of View

Nagtatago kaming apat dito sa taas ng puno matapos namin matunton ang isa pang grupo.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon