Chapter 59

2.7K 143 9
                                    

BAGO pa kami tuluyang Sumakay ng karwahe.
Nahagip ng aking mata ang kapatid ni Reyna Adella, kasama ang pamilya nito na nagmamadaling maglakad habang palinga-linga sa paligid papunta sa kanilang karwahe.

Napalingon naman ako kay Zehra ng bigla nalang nangisi sa aking tabi.

Mukhang nakita nya 'rin sila.

"Sandali lang ako."sambit nito at parang hangin itong dumaan sa aming harapan ni Visha.

Zehra's Point Of View

Paakyat na sana ako ng karwahe ng maramdaman ko ang presensya ng Mag-ina.
Nahinto 'rin si Viana at nakatingin sa kung saan kaya tiningnan ko 'rin ang tinitingnan nito.

Napangisi nalang ako habang nakatingin sa mga taong 'yun.
Nilingon naman ako ni Viana.

"Sandali lang ako."sambit ko rito at ginamit ang hangin para mabilis na makalapit sa mag-ina.

Hindi kayo makakaalis rito hanggat hindi namamaga ang mukha n'yong dalawa.

Nanlaki ang mata ng mga 'to at hindi makapaniwalang nasa harapan nila ako ngayon.

" P-paanong--!"hindi ko 'na pinatapos sa pagsasalita ang reyna dahil sinampal ko ito ng pagkalakas-lakas.

Ibabalik ko sakanila ang ginawa nila sa akin.

"Masakit ba?" nakangising tamong ko sa reyna.

Nakahawak ito ngayon sa kanyang namumulang pisnge habang masamang tingin ang pinukol nito sa akin.

"Lapastangan!"galit na sigaw ng asawa nitong hari at susuntukin sana ako ngunit sinipa ko ang malaki nitong tiyan.

Nagpagulong-gulong itong tumalsik papalayo sa akin.
Sumunod namang umatake ang anak nitong lalaki.
Tumalon ako at sinipa ng pagkalakas-lakas ang mukha nito.

Buhay pa kaya 'to?
Sinipa ko ang katawan nito patihaya para tingnan kung humihinga paba ito.

Humihinga pa kaya iniwan ko ng tulog iyon sa lupa at hinarap ang Babaeng anak ng reyna.

"Hayup ka! Anong ginawa mo sa pamilya ko!!"galit na sigaw nito at inatake ako ng kapangyarihan.
Naglagay lang ako ng barrier sa katawan at patuloy na naglakad papalapit sa kanya.

Huminto ako sa harap nya ngunit sya naman ay patuloy na umaatake sa akin.
"Bakit hindi ka lumaban!
Natatakot kana ba kasi mas malakas ako sayo? HAHAHA dapat lang na matakot ka, dahil ako---
'Tunay na dugong maharlika habang kayo naman ay mga hampaslupa na ampon lamang ng isang reyna!"mayabang na sambit nito habang nakangisi.

Walang ganang tiningnan ko lang ito.
"Tapos kana ba?"tiningnan ako nito ng masama.
Akmang susugurin na naman ako nito ngunit bigla nalang itong natigilan at naghahabol ng hininga na napaupo sa lupa.

Kinontrol ko ang hangin sa katawan nito kaya nahihirapan itong huminga.

Yumuko ako at hinawakan ang baba nito.
"Ang lakas ng loob mong sabihan kami ng hampaslupa 'e mas mukha kapang hampaslupa sa amin."sambit ko at binitawan ang baba nito.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon