Zehra POV
Nagsimula nang paandarin ni lolo ador ang aming sinasakyan.
Kami nalang ang naiwan dahil
Nauna 'nang umalis ang kanyang mga kasamahan.Maaabutan naman namin ito kung bibilisan tumakbo ng kabayo ni lolo ador.
Tatlong oras na ata kaming bumabyahe pero tirik na tirik parin ang araw kahit hapon na.
Para tuloy kaming nasa disyerto.
Napatingin ako sa dalawa kong kasama na ngayon ay nag hubad na ng kanilang mga suot na kapa dahil hindi na kinaya ang init.
Kinontrol ni zehra ang hangin para humangin man lang kahit kaunti dito sa gawi namin.
Pero pati ang simoy ng hangin ay mainit rin.Si talia naman ay gumawa ng parang payong sa bubungan nitong sinasakyan namin pero ganun parin.
Tumatagos parin ang init.Ako naman ay nag iisip din ng paraan kung paano mapapalamig itong karwahe na sinasakyan namin.
Habang pinapanood ang dalawa sa pinag-gagawa nila.
Bigla akong nakaisip ng paraan.Paano kaya kong magpalabas ako ng iba pang elemento....
Oo tama! Ganun nga!Napatayo ako bigla at nagtatatalon sa tuwa ng makaisip ako ng paraan.
Napalingon ako bigla sa dalawa ng nalaglag ito sa kinauupuan nila.
"Oh anong ginagawa nyo sa sahig?"takang tanong ko sa dalawa.
"A-anong ginagawa namin?! Malamang nagulat kami sa biglaan mong pagtalon talon dyan!"nakasimangot na sambit ni talia.
"Bakit kasi bigla ka nalang tumalon-talon dyan ha?
A-aray mali ata pagkabagsak ko!"sambit ni zehra habang hinihimas ang nasaktan nyang pang upo."Hala naku patawad!"sambit ko at dali-dali akong lumapit sa dalawa at tinulungan ko silang makabangon sa kanilang pagkakabagsak sa sahig.
"May naisip kasi akong paraan na gusto kong subukan.
Sana lang talaga gumana"sagot ko sa kanila.
At lumayo na nang kaunti matapos nilang makaayos ng upo."Ano naman yun?"sabay na tanong ng dalawa.
"Panoorin nyo nalang ako."sambit ko sa dalawa.
"Sige sige."sabay na sagot nila at curious din kung ano ang gagawin ko.
Sana lang talaga gumana!
Pumikit ako at huminga ng malalim at pinakiramdaman ko ang daloy ng aking kapangyarihan sa aking katawan.
Iniisip ko na kaya kong magpalabas ng niyebe sa aking palad.
Napangiti ako ng maramdaman kong unti unting dumadaloy ang aking mana sa aking palad na tila ba may nabubuong malamig na bagay doon.
Unti-unti kong dinilat ang aking mata at tiningnan ang malamig na bagay na nakalutang sa aking palad..
Tinitigan ko itong maagi at masasabi kong napakagandang niyebe ang lumulutang sa aking palad ngayon.
Napakaputi nito at may lumalabas na parang usok sa katawan nito na sobrang lamig."Akala ko hindi gagana ang naisip ko."sambit ko sa aking isip habang naka ngiti.
"Ka-kaya mong makagawa ng niyebe!"nanlalaking mata na sambit ng dalawa.
"Ngayon lang. Sinubukan ko lang kung gagana ba ang naisip ko.
Hindi ko naman akalain na makakagawa pala talaga ako ng niyebe hahaha."tatawa-tawang sagot ko sakanila."Normal kapa ba?"di makapaniwalang tanong ni talia habang nanliliit ang mata nito habang nakatingin sakin.
"Hay naku talia! Hindi kapa ba nasanay.
Normal parin naman iyang kaibigan natin.
Yung kakayahan nya lang ang abnormal hahhaha."biro pa ni zehra habang pabirong hinampas ng mahina ang balikat nito.