MAKALIPAS ANG ilang oras huminto narin itong sinasakyan namin kaya nagmadali akong itali muli ang lubid sa aking katawan at ibalik ang telang pantabon sa aking mata.
Pagkabukas ng pinto hinila ng kung sino ang paahan ko at binuhat akong muli papunta sa kanyang balikat.
Na naman!!! Pwede naman akong buhatin ng maayos! Di naman ako sako para buhatin ng ganito!
Napasimangot nalang ako habang karga ng di-kilalang lalaki.
Habang naglalakad itong bumuhat saakin.
Nakarinig kami ng malakas na pagbagsak ng kung sino."Aray!!!! Dahan-dahan lang naman! Ano tingin mo sakin, bagay na basta-basta nalang ibinabagsak!"rinig kong reklamo ni zehra sa bandang gilid ko.
Binaba narin ako ng bumuhat sa akin at tinanggal ang takip sa aking mata.
Pagkatanggal ng takip sa mata ko agad kong hinagilap sila zehra at talia.
Nakita ko ang dalawa na wala nadin takip sa kanilang mata ngunit nakatali parin ang katawan nila kagaya ko.
"Ito na ba sila?"tanong ng isang boses matandang babae kaya napalingon ako sa aking likuran.
Bumungad sa akin ang isang May edad na babae.
Maganda parin ito kahit may edad na."Sila na nga 'iyon mahal na Reyna adella."sagot ni mack sakanya.
Teka ano daw?! Mahal na Reyna?
Agad akong tumayo at tinanggal ang tali sa aking katawan na ikanganga nilang lahat.
"Pa-papaanong?!"sinenyasahan ko ang mga ito na tumahimik at pinakita ko ang kamao ko sa kanila.
Humarap ako sa tinawag ni mack na Reyna.
Tinaasan ako nito ng kilay at nagsalita."Anong pangalan mo iha?"mataray na tanong nito sakin.
"Leviana."
"Bakit nakataas kilay nyan?!"mataray rin na sambit ni zehra.
Ngayon lang nila natanggal ang tali sa kanilang katawan.Nasa likuran naman ni zehra si talia na ngayon ay pinapagpagan ang nadumihan na damit.
"At sino naman kayo?"mataray rin na tanong ni adella kila zehra at talia.
"Kami lang naman ang pinakamagandang kaibigan ni Viana sa balat ng lupa!
Zehra ang pangalan ko at ito naman si Talia."sagot ni zehra sakanya habang nakataas rin ang kilay.Tiningnan naman nito si Zehra at talia ng up and down bago muli tumingin sa akin.
Wala sya malalait kila Zehra at talia dahil hindi naman kalait-lait ang mga itsura nila.
"Hmpp!"tanging na isambit nito at muling tumingin sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.
Gusto na namin umalis dito sa teritoryo nyo."napangisi lang ito sa aking sinabi."Nasabi naman siguro sainyo ni ardeng na walang nakakalabas sa lugar na ito maliban nalang kung matatalo 'nyo ako."sagot nito sa akin at elegante itong umupo sa Malaking upuan habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa isang patalim.
Bigla kong iniwas ang tingin sa kanya ko at inilibot ng tingin ang kabuuon ng buong paligid.
Ngayon ko lang napansin na 'nasa palasyo pala kami at yung inuupuan ng reyna ay ang kanyang trono.
Matagal ako bago nakasagot ngunit hindi naman ito nagreklamo
"Paano kung ayaw naming lumaban sayo?"napaisip ito at muling sumagot."Kailangan nyo lang naman akong bayaran."sagot nito habang ang tingin ay nasa hawak nitong patalim.
