"Nakakamangha talaga ang ganyang kapangyarihan.
Parang ang dami pwedeng gawin!"talia habang mangha na nakatingin kay viana.
Nahihiya namang napakamot nalang sa batok si Viana.Habang nag uusap silang dalawa napatingin ako sa labas ng karwahe.
Kahapon ko pa napapansin na ang bagal tumakbo ng kabayo ni manong.
Parang aabutin pa kami ng mga ilang araw bago makarating sa wallux kung ganito lang kabilis
ang takbo nang kabayo."Manong wala na bang ibibilis ang takbo nitong karwahe?"hindi ko mapigilang tanong sa kanya.
May salamin na bintana sa aming harapan. Sakto lang ang laki nito para makita si manong sa labas na nagmamaneho.
May maliliit na butas sa salamin ng bintana para kapag may gusto itanong ang pasahero nya ay hindi na kailangan pang ilabas ang ulo sa labas ng bintana."Ahh pasensya na binibini ngunit
Ganto lang kabilis ang 'kayang takbuhin ng kabayo ko."lingon nito saakin habang nagmamaneho."Viana may paraan kaba?"Napalingon naman silang dalawa ni talia sa akin.
"Hmm sa tingin ko meron naman."sambit nito na at kumwaring nag iisip ng malalim.
"Anong plano mo?"tanong ni talia sa kanya.
"Sumakay kay ginger para mapabilis ang punta natin sa wallux."malaking ngiti na sabi nito.
Si talia ay nagtataka 'man ngunit nanatili parin itong nakikinig sa aming pinag-uusapan."Namimiss ko na kaya si ginger."nakangusong sambit ni viana habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Si ginger lang paano si azura!
Ilabas mo din si azura."reklamo ko sakanya.
Napatingin naman sya saakin at tinawanan lang ako.
May sasabihin pa sana ako kaso naunahan nya akong mag salita."Manong ibaba mo nalang kami dito."sambit ni viana kay manong.
Nagtataka man ay huminto parin ito."Sigurado ho ba kayo?
Malayo pa tayo sa syudad binibini?"sagot ni manong"Ayos lang manong basta ibaba mo nalang kami dito."
May maliit na magic circle na lumabas sa kanyang harapan at iniluwa nito ang mga gintong barya.
Kinumpas ni viana ang kanyang kamay at may nalaglag na medyo kalakihang pitaka sa kanyang hita.
Dinampot nya ito at nilagyan ng diko mabilang na mga ginto.Grabe ang yaman naman ng babaita na 'to!
Hindi ba sya mauubusan ng salapi nyan?"sambit ko sa aking isip habang nakatingin sa mga salaping nilalagay nya sa pitaka.Matapos nyang lagyan ng salapi ang pitaka.
Bumaba si Viana kaya sumunod kaming dalawa ni talia sa kanya.
Bumaba rin si manong para kunin ang bayad ni viana sa kanya.Lumapit si viana sa kanya at inabot ang pitakang punong puno ng salapi.
Sinilip ni manong ang laman nito at nanlaki ang matang nakatingin kay viana."Binibini sobra-sobra ang bigay mo sakin!."nanlalaking matang sambit ni manong kay viana.
"Sakto lang yan manong tsaka palitan muna karwahe mo....
Mukhang masisira na e."wala talagang preno bibig ni viana minsan!
Nahampas ko tuloy sya sa braso dahil sa sinabi nito kay manong."Aray naman!
Totoo naman kasi e,
Tingnan mo kakaunti nalang masisira nayan.
Tsaka ang dami kaya natin."napatingin naman ako sa karwahe.
Oo nga parang kalagitnaan palang ng byahe namin ay masisira na ito.
Tsaka tatlo pa kami sa likuran."Bumuli ka bagong karwahe manong yung maluwag at komportable yung upuan.
Para sa sunod na pagkikita natin, ikaw ulit ang sasakyan namin."ngiting sambit ni viana sakanya.