Mukhang kailangan ko nga talagang mag-ingat sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko.
Mabuti nalang at sinabi iyon ng tindero.Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na napalayo na pala ako sa pamilihan.
Napatingin ako sa paligid.
Walang na akong kahit na anong bahay o stall na nakikita rito."Teka nasan naba ako?"
"Mukhang naliligaw na nga ako."nalibot ko ang aking paningin sa paligid.
"Pwede siguro itayo yung bahay ko dito?"kaso naisip ko rin na baka may mga dumadaan rin dito.
"Hmm kailangan ko pang lumayo ng kaunti para walang makapansin na may bahay nalang na biglang sumulpot sa lugar na ito."
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa wala na akong makita na mga ilaw.Maliwanag naman dito dahil sa sinag ng buwan.
Kaya nakikita parin ang nilalakaran ko.Habang nag hahanap ng magandang pwesto may napansin akong lumang bahay na sira-sira.
Nagulat ako ng biglang may lumabas na babae sa bahay na 'yon.
Natatakpan ang mukha nito ng kanyang mahaba at itim nanbuhok.
Para din itong white lady sa kanyang suot na puting bestida.Pagewang-gewang itong naglakad hanggang sa bumagsak ito sa lupa.
Nataranta naman ako at patakbo lumapit doon para tulungan ang babae.
"Binibini?"yugyug ko dito pero di parin ito nagigising.
"Binibini? H-hindi ka pa naman siguro patay nuh?!"Hinawakan ko pulso nya para icheck kung may heartbeat pa.
Nakahinga ako ng maluwag dahil May pulso pa sya.
Tumayo ako at pinalutang ko sa hangin ang katawan ng babae."Dito nalang muna ako mag i-stay."
Pinuwesto ko ang bahay ko 'sa katabi ng sira-sirang bahay.May magic circle na lumabas sa lupa kasabay nito ang pag labas ng bahay ko sa loob ng magic circle.
Kusa nalang mawawala ang magic circle matapos nito mailabas ang bahay.
Pumasok ako sa loob at kinumpas ang aking kamay para
Buksan ang mga ilaw gamit ang aking kapangyarihan.Inilapag ko ang babae sa sofa at ginising ito.
"Binibini gising!"yugyug ko dito.
Ngunit hindi parin ito nagigising kaya may naisip akong ibang paraan.Mukha kasing ilang araw nang hindi nakakakain itong babae. kaya naisipan ko 'na baka pagkain ang pampagising sa kanya.
Kinumpas ko ang aking kamay at nagsisulputan ang mga pagkain na inimagine ko.
Nakapatong ang mga ito sa hindi kahabaan na lamesa pero sakto lang ang laki nito kaysa 'sa lamesa ng hapag-kainan.Umupo ako sa kaharap na sofa at nagpalabas ng hangin papunta sa gawi nya para maamoy nito ang mabangong amoy ng pagkain.
Napadilat ito ng mata at nag ning-ning ng makakita ng pagkain.
Dadampot sana ito pero bigla akong tumikhim.Napatigil tuloy ang kamay nya sa ere at takang tumingin sa akin.
"Ahemmm!Sandali lang."
Lumapit ako sa mesa at umupo sa lapag.
Yung mesa pala na gamit ko ay pang japanese style.Napatingin ito saakin at ginaya ang aking ginawa.
Kumuha ako ng plato,kutsara at nilagyan ko sya ng mga pagkain.
Tinanggap nya naman ito at nag simula nang kumain at mukhang gutom na gutom nga.Nag simula narin akong kumuha ng akin at kumain.
Nang matapos naming kumain tumingin ito saakin at nagsalita."Maraming salamat sa tulong mo binibini,ngunit maaari ko bang malaman kung nasaan ako?"
Tanong nito saakin.