Chapter 43

2K 111 3
                                    

Talia POV

"Anong lulutuin mo?"tanong ko kay Viana at tumabi sa kanyang gilid.

"Ahh tinolang Volarian."

"Tinola?"ulit ko sa sinabi nya.

"Ayun 'yung tawag sa pagkaing lulutuin ko ngayon."Paliwanag nito sa akin at nag umpisa na syang maghiwa ng mga ipanghahalo nya sa kanyang lulutuin.

Pinanood ko lang ito sa kanyang ginagawa, Samantalang si zehra naman ay tagalinis ng mga pinagbalatan ni Viana ng mga gulay.

"Ahh wala kabang ipag-uutos sakin?"
tanong kong muli sa kanya.
Nakakahiya naman sa kanila kung ako lang walang ginagawa 'diba?
Nag-angat ito ng tingin sa akin at napaisip saglit.

"Ah! Oo meron... Pasaing ako ng bigas, Paki-damihan narin para makakain ang lahat.
Nasa likuran natin yung bigas, Nakalagay sa 'sako.
Nandodoon narin yung lagayan ng pagsasaingan mo."aniya at tinuro ang mga gamit sa likuran namin.
May mga nakasakong bigas nga na nakalapag 'roon.

Sinunod ko naman ang inutos nito. Kumuha ako sa likuran namin ng Malaking kaldero at nilagyan ko ito ng bigas.
Matapos 'nun, nilinisan ko ito gamit ang tubig at nilagay ko na ito sa apoy para maluto.

Zehra POV

Nakaupo ako habang pinapanood magluto si Viana.
Malaking kaldero ang pinaglutuan nito para magkasya ang mga Voladorian na hiniwa ko kanina kasama ang mga gulay na ihahalo.

Ito yung mga Volarian na hinuli namin nung nasa isang 'isla kaming dalawa.
Sobrang daming Volarian ang inilagay namin sa kanyang dimensional space.
At ngayon lang din napakinabangan.

Madami-dami din ang Voladorian na inilagay ni Viana sa niluluto nya
At alam kung babalik-balikan ito ng mga kasamahan namin dito.

"Ang bangooo!" umupo si talia sa aking tabi habang nakangiting sinisinghot ang nakakagutom na amoy na luto ni viana.

Mukhang kakatapos lang din nito magsaing dahil basa pa ang laylayan ng kanyang suot na damit.

"Bakit?"takang tanong nito sakin ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya.

"Basa laylayan ng damit mo."sambit ko sabay turo ng laylayan ng kanyang suot.

Napatingin rin sya sa kanyang suot at agad na pinigaan ito gamit ang kanyang kamay.

"Hahaha salamat, ngayon ko lang napansin, 'buti at sinabi mo."aniya habang patuloy parin sa pagpipiga.

"Wala 'yun"ngiting sagot ko dito at muling binaling ang tingin kay Viana at pinanood itong magluto hanggang sa matapos.

Viana POV

Matapos kong magluto
Pinatingnan ko 'kay talia ang niluluto nitong sinaing na kanin kung luto naba para makakain na ang lahat.

Sinilip nya naman ang sinaing nya at tinikman kaunti para malaman kung luto na ito.

"Luto na, pwede na tayo kumain."ngiting sagot nito sa akin.

"Sa wakas naluto nadin! Grabe nagugutom na talaga ako."Hiyaw ni Zehra at agad na tumayo para tawagin sila lolo ador at Ginang Lenda.

Makalipas ang ilang saglit dumating na sila at agad din namahagi ng pagkain sa mga kasamahan namin.

Kumuha narin kami ng amin at sabay-sabay na kumain.

Habang kumakain napapatingin ako sa mga kasamahan naming nakapalibot sa amin.

Magana ang mga itong kumain at ang iba naman ay nagpabalik-balik para makahingi muli ng sabaw ng tinola, ang iba naman ay nagpapadagdag ng kanin.

"Talia, mabuti nalang at madami kang na i-saing na kanin."sabi ko kay talia na nasa aking harapan naka-upo.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon