Chapter 68

1.7K 99 8
                                    

Talia POV

Binilisan namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami.

Napalingon-lingon kami sa buong paligid.
Tuyong-tuyo ang mga halaman.
Sira ang mga gusali at ang iba naman ay mukhang sinunog dahil umuusok pa.

May nakita kaming mga tao sa di kalayuan.
Nakahandusay ang mga ito.
Samantalang ang iba naman ay tulala sa kawalan at walang buhay ang mga mata habang nakaupo at nakatingin sa kalangitan

May nakita akong batang babae na umiiyak sa sulok habang hawak nito ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay nakababatang kapatid nya.

Duguan ang damit nila at puro sugat ang katawan.

"Sandali lang."napalingon kaming tatlo kay Viana.
Naglakad ito palapit sa dalawang magkapatid na namataan ko.

Viana's Point Of View

Napalingon ako sa dalawang bata na ngayon ay umiiyak sa isang sulok kaya dali-dali akong lumapit sa mga 'to.

Nakakaawa ang kanilang itsura.
Duguan ang katawan at ang daming sugat.

Napatingin sa akin ang batang babae nginitian ko ito na para bang sinasabi na huwag silang mag-alala ligtas na sila.

"Binibini papatayin nyo rin ba kami?"inosenteng tanong nito sakin.
Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi nito.

Hinaplos ko ang mukha nya.
"Bakit ko naman gagawin yun?"malungkot sa tanong ko rito.

Inosente itong napatitig sakin habang may luha parin ang kanyang mga mata.
Sa tingin ko ay nasa walang-taon gulang palang ang batang babae, samantalang ang batang lalaki naman ay mga nasa tatlo o apat na taong gulang pa lamang.

Nakaka-awa, sa murang edad nila ay naranasan nila ang ganito.......

"Kasi may mga dayuhan na pumupunta dito sa aming lugar para mang gulo at patayin kami."

"Bakit naman nila ginagawa ang bagay nayun?"matagal itong nakasagot sa akin.
kaya hinayaan ko na.

Magsasalita sana ako kaso naunahan ako ng batang babae.

"Hindi ko rin alam."malungkot na sabi nito. Ang mga mata nito'y tila ba wala nang buhay at wala nang nakikitang pag-asa.

"Nasaan ang mga magulang nyo?"biglang tanong ni talia sa batang babae.
Nakasunod pala sila sakin.

"Nasa loob ng aming tahanan."sagot nito at itinuro ang kanilang munting bahay.

Agad na pinuntahan ng tatlo kong kaibigan ang tahanan ng magkapatid.

Nakita kong lumabas muli si Zehra at patakbong lumapit sa akin.
"Patay na ang magulang ng mga bata."huminto ito saglit at malungkot na tumingin sa dalawang bata.

"Sa tingin ko ay dalawang araw na ang nakalipas ng mamatay ang mag asawa."dugtong pa nito.

Dalawang araw?!

Napatingin ako sa buong kabuuan ng dalawang bata.
Maputla at payat ang mga ito.

"Hindi pa sila kumakain Dalawang araw na ang nakalipas!"bulong ko pabalik kay zehra kaya nanlaki ang mata nito.

Pinagaling ko muna ang sugat na natamo ng mga bata at binigyan ng maiinom.
Tinitigan ko lang ang dalawang magkapatid hanggang sa matapos sila Visha sa loob.

"Viana tapos na kami."sambit ni Visha.

"Nailibing na namin ng maayos ang kanilang magulang sa likod ng kanilang tahanan."dugtong pa nito.

"Nalinis narin namin yung tahanan nila kaya doon nalang natin sila pakainin."Sambit naman ni Talia.
Tumango ako at nilahad ang palad sa batang babae.
Tinangap nya naman ito agad kaya kinarga ko ang kapatid nitong lalaki habang sya naman ay hawak ko papasok sa loob ng kanilang tahanan.

Presko sa loob hindi kagaya sa labas na mainit.
May sumulpot na pagkain sa harapan ng dalawang batang ngunit lugaw lang ito.
Baka kasi mabigla ang tiyan nila 'kapag binigyan ko sila ng pagkaing mabigat sa tyan.

Nang makita nila ito agad nila itong nilantakan at wala nang tanong tanong kung anong klaseng pagkain ba yung binigay ko.

Nang matapos nilang kumain tinanong ko naman sila kung ano ang kanilang pangalan.

"Sora ang aking ngalan binibini at ito naman ang aking nakababatang kapatid na si Nevan."sagot nito sakin.

Nagpakilala rin naman kami sa mga bata at muli kaming lumabas ng kanilang tahanan upang tulungan ang iba.

Hawak ni talia ang batang babae habang si Visha naman ay karga ang kapatid nitong lalaki na ngayon ay natutulog sa habang nakayakap sa kanya.

Si zehra naman ay nasa aking tabi kasabay ko sa paglalakad.
Wala itong kibo habang nakatingin sa buong paligid.

Habang naglalakad may mga bangkay kaming nadadaanan at umaalingasaw  yung amoy at nilalangaw na ang mga to'

"Viana tingnan mo sa banda 'ron."tinuro ni Zehra ang tinutukoy nya.

Tila ba may maliit na plaza sa bandang iyon at mas lumala ang masangsang na amoy habang papalapit kami kaya napatakip na kami ng aming ilong.
Sobrang daming langaw rin ang nagsisiliparan.

Nang makarating kami napalingon kami ng biglang napaupo si Sora at lumuluha.
Nag-aalalang tinakpan ni Talia ang mata nito at niyakap.

Ang daming bangkay ang nakakalat sa plaza na 'to.

"Sino kayo! Umalis na kayo sa lugar na 'to! wala kayong mapapala pa dito!"napalingon kaming lahat sa Babaeng sumigaw ng bigla itong sumulpot sa aming likuran.
May dala-dala itong patalim at nakatutok ito sa amin.

Sira-sira ang suot nito na damit at tila ba sinadya itong sirain.
Nakasuot ito ng puting bestida na parang pang medieval.

Di 'rin maitatago ang 'aking kagandahan nito kahit may bahid ng dumi ang kanyang mukha.
Maputla ito at nangingitim ang ilalim ng mata.
May sugat sa gilid ng labi at may mga pasa sa leeg.

Napadako naman ang aking paningin sa kanyang puting damit dahil
May pulang likido ang gitnang bahagi nito.

Bigla kong narealize ang nangyari sa binibining nasa harapan namin.
Ginahasa ito.

"Umalis na kayo! wala kayong mapapala sa lugar na 'to!"nanghihinang ulit na sabi nito sa amin.

Napahawak ito sa kanyang sintido at bigla nalang itong bumagsak sa semento.

Semento na pala ang tinatapakan namin ngayon dahil nasa plaza kami.
Mabilis na dinaluhan ni Zehra ang babae at tiningnan ang kalagayan nito.

"Buhay pa naman sya, nanghihina lang dahil siguro sa di pa ito kumakain." sambit nito sa amin.

Pinalutang nya ang katawan ng binibini gamit ang hangin at nilapag nya ito sa lilim na lugar at ginamot.
Sumunod naman sila Talia at visha sa kanya bitbit ang mga bata.

Habang ako naman ay maghahanap ng iba pa at titipunin ko sila para matulungan.

Zehra POV

INANTAY lang namin makabalik si Viana.
Tapos ko 'na palang gamutin ang binibini.

Natutulog ito ngayon sa buhangin.
Ginawa kong sapin ay yung suot kong kapa para komportable ito sa kanyang hinihigaan.

Nakaupo kaming lahat sa buhangin habang naka silong sa sirang gusali.
Masakit sa balat ang sinag ng araw.

Maya maya lang ay nasilayan ko na si Viana di kalayuan sa aming pwesto.

May mga nakalutang sa hangin na mga taong sugatan na ngayon ay tila ba walang mga malay.

Mukhang pinatulog nya ang mga taong 'yun.

Nasa bente ka-tao ata ang dala nito ngayon na puro sugatan.
Nang makalapit sila sa amin.
Dahan-dahan nitong binaba sa buhangin ang mga walang malay na tao.

"Sila na lang yung natitirang buhay sa lugar na 'to.
Ayaw sumama ng mga 'yan sa kin kaya pinatulog ko na.
Nakakapagod mag paliwanag lalo na't nasa ilalim ka ng tirik na araw kaya ayun."paliwanag nito sa amin.

Napangiwi nalang ako sa paliwanag nito.
Nag umpisa na nitong gamutin ang mga tao kaya tumulong narin kami.
Yung dalawang bata naman ay tumabi doon sa natutulog na binibini kaya hinayaan na namin.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon