Zehra POV
Pasubo palang sana si Viana ng pagkain nang may mga xetherian na lumapit sakanya.
"Binibini, Binibenta nyo ba ang mga pagkain nayan?"tanong nito sakanya.
"Sila ang tanungin mo."walang buhay na sagot nito sa lalaki.
Nataranta namang lumapit sa akin ang lalaki."Pasensya na kumakain rin ako."sagot ko din dito kaya wala syang nagawa at lumipat na naman ng pwesto sa gilid ni talia.
"Ah? binibi-"naputol ang sasabihin nya nang nagsalita na si talia.
"Oo binebenta namin ang iba sa mga ito."napatingin naman kami sa kanya dahil akala namin ay tatanggihan nya ito.
Tumayo ito at iniba ang pagkain namin at ang ibebenta nya.
"Ang isang tuhog ng barbeque, Kapalit ng tatlong pilak."Narinig ko ang bulungan ng mga tao.
Nagrereklamo ang mga 'to kung bakit mahal ang benta nya sa piraso ng mga karne."Kung gusto nyo matikman.
Bumili kayo- wag kayong mag alala. Hindi kayo magsisisi sa lasa nito."ngising dagdag pa nito.Si Talia ba talaga 'to!?
Muli akong lumingon kay Viana. Wala 'man lang itong pake sa paligid at nakatutok lamang sya sa kanyang kinakain.
"Ako pabili ako ng isa."sambit ng lalaki na nagtanong sa amin kanina.
Binigay nito kay talia ang bayad at binigyan naman sya ni talia ng isang tuhog ng barbaque.
Tinikman ito ng lalaki at ninam- nam ang lasa nang kanyang kinakain hanggang sa mag sunod sunod na ang subo nito."Ang sarappp!"sambit nito at muling bumili kay talia.
Nagkagulo na ang mga tao dahil gusto rin nilang makatikman ang binibenta ni Talia.
Nag a-agawan naman sa pila ang mga iba dahil gusto rin nila matikman ang pagkain.
"Pabili ako ng tatlo!"
"Ako muna ako ang na una!
Lima ang akin!""Mas nauna ako sa inyo kaya ako ang unang bibili!"
Ang ingay nila at nag babangayan, Mabuti nalang at tapos na kaming kumain maliban kay Viana na hanggang ngayon ay wala paring pake sa paligid na tila ba hindi nito alam na nagkakagulo na sa paligid nya, Pero sya ay wala paring pake at patuloy sa pag-nguya at pagsubo ng kanyang kinakain.
Napangangang napalingon ako kay talia ng biglang sumigaw ito ng malakas.
"UMAYOS KAYO NG PILA KUNG GUSTO NYO MATIKMAN ANG BARBEQUE NI VIANA!!"Sigaw ni talia sa kanila.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Napatawa nalang ako ng wala sa oras.Kung may pake lang si viana ngayon sa paligid at narinig nya ang sinabi ni talia.
Ay! baka Nasapok nya na ito.
Sa sobrang gutom nya ngayon ay wala na halos sya pakialam sa paligid.Nagsi-ayos naman sa pila ang lahat kaya lahat sila ay nakabili.
Sakto lang pala ang naluto ni viana na mga barbeque.Ang iba naman ay hindi nakuntento at gusto paring bumili ngunit ubos na ang tinda ni talia.
