Viana's POV
Umusad na ang pila kaya hinakbang ko narin ang aking mga paa.
Sumunod naman sa akin ang dalawa at ang aming dragon.Habang papalapit kami sa napakalaking tarangkahan.
Pansin kong may pinapakita ang mga xetherian bago makapasok sa loob na maliit na bagay at mukhang bato na malapad at manipis.Ginamit ko ang aking kakayahang makakita sa malayo upang makita ng malinaw ang nakaukit sa maliit na bato na'yon.
Ehhh!? Tatak lang ng dragon ang nakaukit sa maliit na bato na'yun?
Kala ko naman kung ano.Makalipas ang ilang minuto kami na ang kasunod ng lalaki na nasa harapan namin.
Pinakita nito ang bato sa kawal at pinapasok na ito sa loob."Nasaan ang rema nyo?"
Rema? Ano yun?
"Ahh? Ano ho 'yun?"kamot ulong tanong ko rito.
"Baguhan ba kayo?"
"Ah opo."nahihiyang sagot ko rito.
"Ang rema ay kard ng pagkakakilanlan na taga rito kayo.
Kung wala kayo nun ay hindi kayo makakapasok.""Wala na bang ibang paraan para makapasok kami?"pagbabasakali kong tanong.
"Meron. Kailangan nyong magbayad, Tatlong ginto isang tao.
Kasama narin doon ang kard na ibibigay namin sainyo."paliwanag nito saamin."Ang mahal naman ata masyado!?"reklamo ni Zehra sa kawal.
"Kung wala kayong pang bayad.
Pwes makakaalis na kayo dahil isisirado na namin itong tarangkahan."tatalikuran na sana kami nito ngunit pinigilan ko sya."Teka lang naman ginoo! Wala naman kaming sinabi na hindi kami mag babayad.
Nagulat lang talaga itong kaibigan ko kaya pagpasensyahan muna."pilit na ngiting sambit ko dito.Kumuha ako ng salapi sa bulsa ng aking kapa at binigay ko sa kanya.
Hindi ko na ito binilang pero alam kong sobra iyon.
Nanlaki ang mata nito habang binibilang ang mga ginto.
"Siguro naman ay ayos nayan?"
Tinawag nito ang kanyang kasamahan na may dalang maliit na lagayan na parang sako na kulay brown.Habang papalapit ito pansin kong nakamasid ang iba pa nitong kasamahan sa gawi namin.
Napailing nalang ako dahil alam ko na ang patutunguhan ng salaping ibibigay ko."Bigyan mo sila ng tig-iisang rema."utos nya sa kanyang kasamahan.
Binigyan kami nito bago pinapasok sa loob."Maaari naba kaming umalis?"tanong ko dito lalaki.
"Hahaha aba oo naman! Sige at isisirado pa namin itong tarangkahan."masayang sambit nito at tinalikuran na kami habang nagbibilang ng pera.
Napatitig ako sa papalayo nitong pigura at muling napailing.
Nag iwas narin ako ng tingin sa lalaki at hinanda ang aking tainga dahil alam kong sesermunan ako ni Zehra."Viana!!! Bakit ang dami mo na namang binigay!?"Salubong na kilay na sambit nito sa akin.
"Hayaan muna, Hindi naman magtatagal sa kanya ang mga ginto nayun."
"Ha? Anong ibig mong sabihin???" Kahit si Talia na tahimik ay napatingin rin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Magsusumbong yung mga kasamahan nya sa mga nakakataas kung hindi sila babahagian ng ginto."
"Bakit madami bang nakakitang kasamahan nya?"Tanong ni talia sa akin.
"Oo."simpleng sambit ko at nag umpisa nang maglakad.
Sumunod naman sila sa akin.