Chapter 28

3.4K 147 7
                                    

Viana's Point of View

Wala akong ibang choice kundi ilabas ang bahay sa aking dimensional space para may maayos kaming matutuluyang tatlo.

Muntik na akong matumba ng biglang humangin ng malakas.
Napatingin ako sa mga puno ng niyog na nakapaligid sa isla.
Para itong mga sumasayaw sa sobrang lakas ng hangin.

Muli akong napalingon sa dalawa kong kaibigan na ngayon ay isinilong ni ginger sa kanyang malaking pakpak.

Nag iwas rin ako agad ng tingin sa kanila at lumuhod sa buhangin.
Kailangan ko munang makasigurado kung ligtas ba sa lugar na 'to bago ko ilabas ang bahay.

Pinadaloy ko ang aking kapangyarihan sa buhangin.
Wala naman akong naramdaman na kakaiba sa isla at mukhang wala ring naninirahan rito kaya napag desisyonan ko na ilabas na ang bahay.

Tumayo ako at naglakad sa bandang dulo.
Medyo malayo ito sa tubig para ligtas at hindi naman masyado mapuno rito kaya ayos din.

May malaking magic circle na lumitaw sa harapan at iniluwa nito ang aming tahanan.

Kusa narin umilaw ang looban ng bahay.
Naglagay rin ako ng poste ng ilaw sa magkabilang gilid ng tahanan dahil madalim rito.

Tinawag kona sila Zehra para makapag palit ng kanilang basang damit.
Namumutla na ang mga 'to dahil sa lamig at hindi na makapagsalita pa.

Samantalang ako ay nagpaiwan muna sa labas dahil kailangan ko munang patuyuin si Ginger.

Lumiit ang katawan nito at lumipad papunta sa akin.
Kinarga ko ito at pumasok sa loob at agad na sinirado ang pinto.

Nagpalabas ako ng hangin mula sa aking kamay at pinaikot ko ito sa katawan ni ginger.
Ginawa ko din itong mainit para hindi sya malamigan.
Matapos nyang matuyo pinasok ko na ito sa aking dimensional space.

Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo parin ang dalawa sa sulok ng bahay at mukhang inaantay ako.

"Bakit hindi parin kayo nakakapag bihis?!"gulat na tanong ko sa dalawa.

"Wala kaming damit."nanginginig na sambit ni zehra.
Nasapo ko nalang ang aking sariling noo.

Nakalimutan kong mag abot ng mga damit sa kanila.

"Sige magsi-ligo na kayo at para makapag palit ng damit."kinumpas ko ang aking daliri at binigyan sila ng kanilang masusuot.

"Sa kwarto ka nalang ni zehra maligo at matulog talia, Ayos lang ba?"nanginginig itong tumango sa akin.

Nauna na akong umakyat sa kanila at pumasok sa kwarto.
Naligo agad ako at nagbihis bago matulog.

KINABUKASAN nagising ako sa lakas ng hangin na tumatama sa bintana ng aking kwarto.
Bumangon ako at sumilip sa bintana.

Malakas parin ang buhos ng ulan sa labas.
Nakakatakot tingnan ang naglalakihang alon sa dagat samahan pa ng malakas na hangin.

Makulimlim parin ang kalangitan, Hindi ko mawari kung Umaga paba o hapon.

Nag iwas na ako ng tingin sa labas ng bintana.
Tumayo ako at nag inat ng katawan bago lumabas ng silid.

Gigisingin ko sila talia at zehra para makakain.
Pagkapasok ko ng kwarto ni Zehra
Napangisi ako ng makitang tinandayan nito ang kuwawang payat na katawan ni Talia.

Napailing iling nalang ako at
Nilapitan ito at tinanggal ang hita na nakapatong sa tyan ni talia.
Inalog ko ang katawan ni talia para magising.
Nagising naman ito agad at bumangon.

"Anong oras na?"tanong nito sa akin habang nag kukusot ng mata.

"Hindi ko alam makulimlim parin ang kalangitan kaya't hindi ko malaman kung Maaga paba o Hapon."

Bumangon ito at sumilip sa bintana.
"May bagyo parin pala."aniya at umupo sa sofa.

Naglakad ako papunta sa mesa at umupo sa lapag.
Hindi naman malamig ang sahig dahil may nakasapin dito na malambot na carpet.

"Kumain na muna tayo nagugutom na ako." inaya ko si Talia na kumain.
Naglakad naman ito papunta sa aking tabi.

Tinutok ko naman ang palad ko sa gawi ni zehra at pinalutang ang katawan nito palapit sa amin.

Pinaupo ko ito sa tapat ko.
Hindi parin ito nagigising kaya't hinayaan ko muna.
Nag-isip ako ng kakainin namin at kinumpas ko ang aking kamay.
Nag sisulputan ang mga pagkain na inisip ko sa lamesa.

May mga kape rin kami rito, Tamang tama sa malamig na panahon.

"Kakain na tayo!?"napalundag kaming dalawa ni talia ng biglang magising si Zehra.

Nagningning ang mata nito habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Basta pagkain gising ka agad nuh."ngiwing sambit ni talia sa kanya.

"Heheh hindi pwedeng hindi ako magigising basta pagkain."masayang nito at umayos ng upo.

Napailing nalang kaming dalawa ni talia sa kanya at nag umpisa na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakaing tatlo ng may naisip ako bigla.

"Nga pala pagkatapos nyo kumain samahan nyo akong pumunta sa isang kwarto."basag ko sa katahimikan.

Sabay nag angat ng ulo ang dalawa at nagtatanong ang mga matang nakatingin sakin.

"Papipiliin ko kayo ng mga sandata nyo."sambit ko matapos kumain at tumayo.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon