MULING nagsibalikan ang mga fairyn kasama ng mga 'to ang mga dwarfyn.
Hindi na nag aksaya pa si viana ng oras at ipinaliwanag na nito ang plano nya para sa lugar nato sa mga dwarfyn.
Naunawaan naman ito agad ng mga manggagawang dwarfyn at nag umpida na silang mag trabaho.
Lumipas ang ilang linggo ay natapos narin nila ito.....Nasa terrace ang mga dalaga habang nakatingin sa buong paligid...
Hindi mapigilang hindi mamangha nila zehra talia at visha habang nakatanaw sa bawat gusaling nakatayo sa bawat sulok ng kanilang lupain.Ngayon lang sila naka kita ng kakaibang pagkakagawa ng mga gusali... kakaiba ang istraktura ng mga iyon..
Masyadong nakakamangha at bago sa kanilang paningin."Nakakamangha ang kaibigan nyo mga binibini."Napalingon ang tatlong magkakaibigan sa gilid ni Zehra ng may biglang nagsalita na maliit na boses.
"Ikaw pala yan celestine."Ngiting bati ni zehra sa reyna kaya binati din ito ng dalawa.
"Ngayon na ba ang araw ng alis nyo?" tanong ni talia sa reyna kaya't tumango ito sa kanya.
"Tama ka binibini kailangan na naming bumalik sa aming teritoryo.
Hindi ko man lang namalayan na lampas ilang linggo na pala ang pa- mamalagi namin rito sa teritoryo nyo."natatawang sambit ng reyna."Pwede naman kayong dumalaw dito kung gugustuhin nyo."biglang sulpot ni viana sa likod ng apat na binibini.
Bigla naman nagliwanag ang mukha ng reyna sa suggestion ni Viana.
"Tsaka gusto ko din sanang mag pagawa ng daan nyo papunta rito para hindi na kayo mahirapan dumaan sa mga kakahuyan."sobrang saya ng reyna sa sinabi ni viana kaya hindi ito nakapag pigil at niyakap nito ang pisngi ni viana sa sobrang saya.
"Mahal na reyna tayo na't bumalik sa ating kaharian."sumulpot naman ang isang fairyn sa tabi ng reyna kaya kumalas ang reyna sa pagkakayakap nito sa pisngi ni viana.
"Kailangan na pala naming bumalik."Sambit ng reyna sa apat na dalaga.
Nagpasalamat ang reyna sa binigay ni viana na sandamakmak na pagkain sa kanila at binayaran din ni viana ang mga mangagawa ng reyna.
Natuwa ang mga dwarfyn ng bigyan sila ni viana ng malaking pera kasama nito ang mga pagkain.Viana's Point Of View
Hinatid namin ng tingin ang mga fairyn at dwarfyn papaalis sa aming lupain.
Mukhang masayang-masaya ang mga ito sa kanilang dala-dalang salapi at mga pagkain.
Nang tuluyan na silang mawala sa aming paningin, tumingin naman ako sa napaka-gandang natawin na nasa aming harapan.
Kaya ko naisipan magpagawa ng mga gusali.
Nais ko sana na buksan ang lugar na to para sa mga Taong xetherian.
Gusto kong dayuhan ang lugar namin ng mga tao at maranasan nila ang mga hindi pa nila nararanasan kagaya ng maligo sa hot spring.
Or cold spring.
May relaxing area din akong pinagawa para sa mga gustong mag pa massage.
Mag tatayo din kami ng resto dito at Cafe para sa mga dessert..Para magawa yun kailangan muna namin ng mga tauhan.
kaya maghahanap kami ng mga tao na interesadong mag trabaho para sa amin.At magpapagawa rin kami ng mga tahanan para sa mga taong walang matirahan.
Ngunit may kapalit ang mga 'yun.
Kailangan ko ng serbisyo nila."Ang lalim naman ng iniisip mo."napalingon ako kay talia ng magsalita ito sa tabi ko.
Ngumiti ako dito at tinuro ko ang mga naglalakihang kahoy sa kanang bahagi ng teritoryo.
May mga naglalakihang kahoy parin ang nasa paligid namin ngunit malayo na ito kung saan kami nakatayo ngayon."Anong meron sa bandang yun?"takang tanong nito sa akin.
"Gusto kong magpagawa ng mga kabahayan sa bandang yun."sagot ko dito.
"Para kaynino naman?"
"Nakakalungkot naman kung tayo lang nakatira sa napaka laking teritoryo na to na halos kasing laki na ng isang bayan o mas doble pa nga 'ata doon."
napa-sangayon naman ito sa aking sinabi."Sabagay---Eh anong plano mo?"
Bago ko sabihin ang plano ko para sa lugar na to. Tinawag ko ang dalawa ko pang kaibigan na si Zehra at Visha na ngayon ay nag uusap hindi kalayuan sa amin.
Lumapit naman sila agad kaya sinabi ko sa kanila ang lahat ng plano ko.
Todo suporta naman silang tatlo sa aking plano at masayang-masaya."Teka paano naman tayo hahanap ng tauhan nyan?"tanong ni visha.
"Oo nga tsaka paano makakapunta ang mga ordinaryong tao sa lugar nato?
'Eh Delekado ang mga puno rito?"tanong naman ni zehra.Huminga muna ako ng malalim at nagpaliwanag sa kanila.
"Para malayang makapasok ang mga nilalang sa teritoryo natin.
Kailangan lang naman natin gumawa ng malawak na malawak na daan para sa mga taong gustong dumayo rito.
At lalagyan din natin ng mga barrier ang mga puno para hindi mapahamak ang kahit na sino---""Para magkaroon ng mga tao sa teritoryo natin.
Kailangan lang nating maghanap sa ibang lugar at hikayatin sila na tumira sa ating lupain."ngiting sagot ko sa kanilang katanungan." 'Eh Sinong maiiwan dito?"tanong naman ni visha na nakikinig lamang sa amin kanina pa.
Napaisip naman ako kung sino ang iiwan namin sa lugar na 'to.
"Ahhh alam ko na!"na curious naman silang tatlo kung sino ang maiiwan sa teritoryo namin...
"Sila Ginger at Azura."napanganga naman ang mga ito sa aking sinabi.
"Seryoso kaba?"di makapaniwalang tanong ni visha.
"Oo nga! Maiiwan sila dito kasama ang mga fairyn at dwarfyn. Pakikiusapan ko si Celestine."napatango nalang ang dalawa habang nakanguso naman si Zehra.
"Hahhaa wag kana ngumuso dyan magkikita pa naman kayo ng alaga mo. "
Wala naman itong nagawa kaya napasangayon nalang 'rin.
"Oo nga pala! Kailangan rin ng Magical Beast nila Talia at Visha ng makapag contract familiar na sila-- Kaya tutulungan natin silang maghanap"nagliwanag ang mukha ng dalawa sa aking sinabi.
Mukhang gusto narin nila ng familiar."Sige na nga, gusto ko rin makita yung magiging alaga nila."masayang sambit ni Zehra.
"Pero bago tayo umalis lagyan muna natin ng barrier ang buong teritoryo para walang asungot na makapasok.
Sumangayon naman silang lahat sa aking sinabi at bukas na bukas ay pupunta kami sa teritoryo ni celestine.
