Chapter 35

3.4K 118 15
                                    

Viana POV

Nang medyo nakalayo-layo na kami sa arena.
Tinanggal ko narin ang barrier na nakapalibot sa dalawa.

Nakasimangot ang mga ito nang pakawalan ko sila.
"Bakit mo kami pinigilan sana na tusta ko na yun!"gigil na sambit ni zehra.

"Hayaan nyo na.
Nabasag narin naman yung gitnang bahagi 'nun."

"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong ni talia.

Tinuro ko ang gitnang bahagi ng mga hita nya.
Nanlaki ang mga mata nila at biglang napahawak doon at napangiwi.

"Pa-paano?"parang nasasaktan na tanong ni zehra.

"Sinipa ko.
Ayun namilipit sya sa sakit."sagot ko sa mga 'to.

"Bakit ganyan reaksyon nyo?"

"Hindi na'yun makakabuo."ngiwing sabi ni talia

"Ang sakit nun!"dagdag pa ni zehra.

"Makakabuo pa yun.
Hindi ko naman nilakasan ang pagkakasipa ko sakanya."

"Hahahha kami ba pinagloloko mo?
Ikaw na mismo nag sabi na namilipit yun sa sakit.
Tapos sasabihin mo mahina lang."nakangiwing sabi ni talia sa akin.

"Ahh heheh."kamot ulong tawa ko nalang.

"Sana lang makabuo pa'yun Haha."zehra.

"Nga pala, Babalik ba tayo sa inn?"tanong muli ni talia sakin.

"Huwag na lipat naman tayo ng bagong lugar."

"Saan naman?"zehra

"Ginger hinto ka muna saglit."huminto naman ito habang lumilipad.

"Sumakay tayo sa mga 'yun."turo ko sa nakita kong mga bagon at  mga karwahe na nakahilera sa baba."

"Mag babyahe ata ang mga yan papunta sa ibang lugar."sambit ko habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga xetherian sa baba.

May mga nilalagay ang mga kalalakihan sa kani-kanilang mga bagon na mga Gulay at prutas na nakalagay sa kahoy na pa box.

"Mukhang pupunta ang mga 'yan sa ibang lugar para ibenta ang mga ititinda nila."

"Paano mo nasabi?"takang tanong ni talia.

"Malamang nakita nya."sabat ni zehra dito.

"Hahah oo nga pala kakayahan mo palang makakita sa malayo."sagot nito at napasapo sa noo.

"Tara puntahan natin."yaya ko sa dalawa.

Lumipad ako paalis sa katawan ni ginger.
Nagtaka naman ang dalawa habang nakatingin sa akin.

"Lipad nalang tayo."sagot ko sa kanila.

"Nakakalipad naman kayo bakit nakasakay parin kayong dalawa sa dragon?"biglang tanong ni talia sa amin.
Sinagot naman sya ni zehra.

"Nakakapagod kasing lumipad."aniya at lumipad narin papunta sa aking tabi.

Pinalutang narin nito si talia gamit ang hangin.
Ako naman ay Binalik si ginger sa aking dimensional space kasama si azura.

NAKASUNOD ang dalawa sa aking likuran palipad patungo sa baba.

Pasimple kaming tatlo lumapag sa likod ng malaking puno na malapit sa mga nakaparada na mga sasakyang panglupa.

"Ayos lang ba itong suot natin?"naiilang na sambit ni talia habang naka tingin sa suot nya.

Kinuha ko sa aking dimensional space ang aming mga kapa.
Inabutan ko ang mga ito isa-isa.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon