Chapter 97

2.1K 100 29
                                    

Zehra's Point Of View

Nagising ako ng makarinig ng huni ng mga ibon sa labas.
Agad akong umupo at nag inat-inat bago tumayo.

Ano kayang pagkain? Paniguradong nagluluto na si Viana ng umagahan namin ngayon!

Mabilis akong bumangon at Lumabas ng tent.

"Vianaaaa! Magandang Umaga--- Viana?" lumingon-lingon ako sa buong paligid ngunit hindi ko makita ang anino nito.

Sumilip naman ako sa gawi ng Prinsipe.
Mukang kagigising lang 'rin nila kaya paniguradong hindi 'rin nila nakita si Viana.

"Nasaan na kaya 'yun?" Naglakad ako pabalik sa loob ng tent.

Nakapagtatakang umalis si Viana ng hindi nagsasabi sa amin?

"Babalik 'rin siguro 'yun. Antayin ko nalang?" sambit ko at umupo katabi ng natutulog na si Talia.

Viana's Point Of View

Habang papalapit sila ay doon mas naging malinaw ang mga boses ng mga 'to.

"NASASAAN ANG SINASABI N'YONG MAHIWAGANG BULAKLAK!" dumagundong ang sigaw ng lalaki kaya't napatakip ako ng tenga.

Hayup na 'yan! Nabingi yata ako ah.

"D-dito namin iyon nakita pinuno!
Maniwala ka!  Nandirito lamang iyon sa puwestong 'to--" rinig kong kabadong sambit ng lalaki.

"Ako ba ay pinagloloko n'yo! Nasasaan ang mahiwagang bulaklak d'yan? Eh puro lantang bulaklak nalang ang mga 'yan! Mga Inutil!"

Sumilip ako ng kaunti. Ang dami nila at ang lalaki pa ng katawan!
Feeling ko mababali ang buto ko kapag nakipag bakbakan ako sa mga 'yan.
May dala-dalang naglalakihang armas ang mga 'to na nakasabit sakanilang likuran.
Mukang ang bibigat 'nun.

Napadako naman ang tingin ko sa mga bulaklak.
'Lanta na nga talaga ang mga 'to at nawalan na 'rin ng kinang.

"Hinda na 'bale! Hanapin nyo na lamang ang Pusa.
Paniguradong malaki 'rin ang kikitain natin 'don."

Napatingin ako sa hawak ko.
Ito ata ang tinutukoy nila?

"Pinuno, Espeon ang tawag sa nilalang na nagbabantay ng kweba na 'to at isa pa hindi ito basta-basta nahuhuli." pagtatama ng lalaki sa kanyang pinuno.

"SIRAULO ALAM KO!"galit na sigaw ng pinuno nila sabay hampas sa likod na batok ng lalaki.

Napailing nalang ako at muling tumingin sa Kuting.
Espeon pala ang tawag sa kuting na 'to.
Sa liit ng kuting na 'to tagabantay ng kweba? Aba hanep!

Hindi naman siguro ito nagbabantay 'rito kung hindi ito malakas.

"ANO PA ANG INAANTAY N'YO! HANAPIN N'YO NA ANG ESPEON NGAYON 'DIN!"Paktay

Mabilis akong umupo at siniksik ang katawan sa ilalim ng malaking bato.
Mahirap na hindi ko pa naman magamit ang kapangyarihan ko sa loob ng kweba na 'to at baka madeds pa ako ng wala sa oras. 'At isa pa
nakapagtataka. Bakit kaya ayaw gumana ng kapangyarihan ko rito?

Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong kuting.
Maingat ko itong niyakap at isiniksik pa ang sarili sa ilalim.

Sana hindi nila kami makita.

HINDI ko alam kung ilang minuto na akong nagtatago sa ilalim.
Hindi na 'rin ako komportable sa sitwasyon ko ngayon dahil ngalay na ngalay na ang buong katawan ko.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang buong paligid.
Hindi ko na masyado naririnig ang mga yapak ng mga 'to.

"Mukang nakalayo na sila."
Dahan dahan akong lumabas habang bitbit pa 'rin ang kuting na mukang nakatulog na sa braso ko.
Pinagpagan ko ang aking sarili at umayos ng tayo.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon