Hamir's Point Of View
Nanuot sa aking ilong ang nakakagutom na amoy ng pagkain na nakahain sa aking harapan.
Umuusok pa ito na parang ka-kaluto lang.Nakakamangha si viana, Hindi ko akalaing may itinatago pa itong kakayahan!
Panigurado kapag nalaman ito ni ama ay matutuwa iyon at mamamangha sa aking sasabihin.
"Huy tititigan mo lang ba 'yan?"kalabit sa akin ni zehra.
Napatitig ako 'rito at sa mga kaibigan nya.
Ngayon ko lang napagtanto.
May angking kagandahan pala ang mga binibini na 'ito."Alam naming magaganda kami, pero baka naman matunaw kami sa titig mo nayan?"napayuko ako sa hiya ng sabihin iyon ni Zehra.
Napatawa naman sila Viana habang magana parin kumakain.
"Kumain kana, lalamig na 'iyang pagkain mo."sabi ni talia sa akin.Ginalaw ko na ang pagkain at agad na sumubo.
Napatigil ako sa pag nguya ng malasahan ko ito."A-ang sarap!"nanlalaking mata na sabi ko at sunod-sunod na sumubo.
Ngayon lang ako nakatikim ng ganito ka sarap na pagkain!
Muntikan na ako mabilaukan dahil sunod sunod ang subo ko.
Mabuti nalang at inabutan ako ni Visha ng Maiinom at agad itong nilagok.Ano ito?! Bakit humahagod ang lamig sa aking lalamunan?
Matamis ito at mabango ang amoy.....
Kakaibang inumin!Sabi ko sa aking isip habang nakatingin sa laman ng baso."Anong masasabi mo?
Masarap ba?! Masarap ba ha?!"excited na tanong ni Zehra sakin.
Nakatingin pa rin ako sa basong iniinom ko.
Biglang Umakbay si Zehra sakin at inalog-alog ako ng mahina.Third Person's Point Of View
Nakaakbay si zehra sa balikat ni hamir at inaalog-alog ito ng mahina habang paulit-ulit na nagtatanong.
'Ano masarap ba masarap ba?!'Samantalang si hamir naman ay hindi pinagtuunan ng pansin ang dalaga.
Napansin iyon ni Zehra kaya lumayo sya dito at tiningnan ang itsura ng lalaki, maya-maya ay sinapok ito.
"Arayyy!"daing ni hamir ng matauhan ng sapukin ito ni Zehra.
"Ba-bakit mo naman ginawa iyon binibini?!"reklamo nito habang nakahawak sa nasaktang ulo.
"Paano ba naman kasi, kanina pa ako tanong ng tanong sayo, nakatulala kalang pala 'riyan."irap ni zehra dito sabay alis at umupo sa sofa.
Tapos na pala silang tatlo kumain habang kami naman ni hamir ay hindi pa.
"Ilang minuto ka 'rin kasing tulala dyan sa iniinom mo."sabi ko rito.
Napakamot nalang ito sa batok dahil sa hiya."Tapusin muna 'iyang kinakain mo.
Wag ka ng tumunganga, tumatakbo ang oras 'oh."sabi ko dito ng maubos ko na ang aking kinakain.
Inantay ko itong matapos at nang matapos ito ay hinatid ko na ito palabas ng pinto.
Hindi ko na ito pinagpahinga sa loob dahil anong oras narin."Maraming salamat pala sa pagpapakain nyo sa akin binibini---.
At pasensya na 'rin sa naging reaction ko kanina.
Ngayon lang kasi ako nakatikim ng ganun kasarap na pagkain at inumin."nahihiyang sabi nito sa akin."Hahaha Wala 'yun, O sya! Kung gusto mo pa makakain ng ganun pwede ka naman umakyat dito at saluhan kaming kumain."nagliwanag ang mukha nito sa aking sinabi.
"Maraming salamat talaga sainyo binibini!
Ahh--- sige, mauuna na ako."tinanguan ko lang ito at hinatid ng tingin hanggang sa mawala na sya sa aking paningin.
