Chapter 21

2.9K 141 3
                                    

Viana POV

Ginising ko ang dalawa sa mahimbing nilang pagkakatulog,
Naunang bumangon si talia kaya sya ang unang pumasok sa banyo para maligo.
Si zehra naman ay tulog parin kaya ginising kong muli ito pero hindi parin ito nagiging.

"Ayaw mong gumising ah."ngising sambit ko ng may maisip ako kalokohan.

Pinalutang ko ang katawan nya sa ere at nagpalabas ng bolang tubig na kasing laki nya at pinasok sya roon.

Napadilat ito ng mata at dali daling tumalon paalis sa bolang tubig.
Basang basa ang katawan nito at masamang tumingin sa akin.

"VIANAAAA!!!!"hiyaw nito saakin.

Napatawa ako ng malakas bago tumakbo palabas ng silid.

Zehra POV

Pinatuyo ko ang aking sarili gamit ang hangin pagkalabas ni viana sa silid na'to.

Ano kayang naisip nun at pinasok ako sa malaking bolang tubig.
Naku kung mahuli ko lang sya lagot sya sakin!
Napatingin ako sa pinto ng banyo nang lumabas si talia doon.

"O bakit ka nakatunganga dyan?
Tsaka bakit ang ingay mo?"takang tanong nito saakin.

"Si viana nakaisip ng kalokohan, Pinasok ba naman ako sa bolang tubig nya para gisingin!"sumbong ko dito.
Ang walangya tinawanan lang din ako!

"Paano ba naman kasi kanina kapa ginigising nun ang tagal mong magising.
Nainip na siguro kakagising sayo kaya nag isip nalang ng ibang paraan para magising ka."sambit nito habang tumatawa.
Naglakad ito palapit saakin habang nagpupunas ng buhok.

"O tutunganga ka na-naman.
Maligo kana at para maka alis na tayo,mukhang tinanghali na tayo ng gising oh.
Si viana mukhang maaga palang ay naligo nayun kaya hindi na natin sya kailangan pang antayin maligo."sambit nito kaya napanguso ako bago pumasok ng banyo para maligo.

Talia POV

Napalingon ako sa aking likuran nang sitsitan ako nang kung sino.
Pagtingin ko si viana pala ito.

"Oh saan ka galing?"tanong ko rito,umupo naman sya sa tabi ko at binigyan ako nito ng dala-dala nyang pagkain.

"Dyan lang sa tabi tabi.
Nga pala tikman mo yan,masarap yan!"masayang sambit nito habang kumakain ng ng parang karne na nakatuhog sa kahoy na manipis at maliit.

"Anong tawag dito?"tanong ko sakanya at tinikman ang pagkain.
Masarap naman pero nakulangan ako sa lasa.

"Hindi ko din alam e."sagot nya at napatunganga saglit sa kinakain nya.

"Talia! Kailangan natin gumawa ng barbeque!"malaking ngiti na sambit nito saakin at binitawan ang kanyang kinakakain na ngayon ay nakalutang na sa ere.

Taka naman akong napatingin sa kanya.
Hindi ko naman alam ang sinasabi nitong barbeque.

"Haha oo nga pala hindi mo pala alam yun!"napatampal ito sa kanyang noo bago muling tumingin saakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya.

" Isa itong pagkain na iniihaw sa uling, masarap yun at manamis namis ang lasa."paliwanag nito saakin.

"Gusto ko kumain nun!
Kaya kailangan natin mag hanap nang lugar na pwede ako makapagluto."desperadang sambit nito.

"Ah hehe kalma ka lang makakahanap tayo."naiilang na sambit ko sakanya.

Parang nag aalab ang mata nito habang nakatingin sa mga pagkain na nakalutang sa ere habang sinasabi ang mga katagang iyon..

Bumukas ang pinto hudyat na tapos nang maligo si Zehra.
Naka bihis na ito at tuyo narin ang kanyang buhok.

"Nangyari dyan?"tanong nito saakin habang nakatingin sa aking tabi.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon