Chapter 87

1.5K 88 4
                                    

'ITURING na normal pala 'ha.
Baka pagsisihan mong sinabi mo 'yan.

"Viana paano mo naisipan na gumawa tulay gamit ang kapangyarihan ng kaibigan mo?" tanong ni kenzo.

"Naisip ko lang."bored na sagot ko.

"Narinig mo ba ang usapan namin kanina?"seryoso namang tanong ni asval.

"Hindi ako Chismosa."nangunot ang noo nito sa aking sagot.

"Nababasa mo ba ang naiisip namin?"dugtong naman ni Zyran.

"Hindi at wala akong pakealam sa iniisip 'nyo."

Natahimik silang tatlo samantalang humagalpak naman ng tawa si Kalias.

"Ayan, magsisi kayong pinag-utos n'yong ituring kayo ng normal."mahinang bulong ko sa hangin.

"Aalis pa tayo diba? Huwag na kayong tumunganga riyan."sambit ko at tinalikuran sila.

Sakto namang pagtalikod ko ay naglalakad narin palapit sa 'akin sila Talia At Visha habang nasa likuran naman nila si Zehra nakasunod.

Kinawayan nila ako, kaya kinawayan ko 'rin sila pabalik at napangiti.
Hinakbang ko ang aking mga paa upang salubungin ang sila.

"ANG Tagal nyo namang mag-usap."Ani Visha sa akin.

"Kaya nga nainip tuloy kami kakaantay sayo. 'Tsaka ang lamig kaya."sambat naman ni talia at napayakap sa kanyang sarili at tumabi sa aking gilid.

Pinaggigitnaan nila akong dalawa.
Sumunod naman si Zehra na tumabi naman sa gilid ni talia.

"Nagugutom na ako."sabi nito pagkalapit at napahawak sa kanyang tiyan ng tumunog ito. Natawa tuloy kaming apat.

BUMALIK kaming apat kung saan kami umupo kanina at Tahimik na kumakain.
Matapos naming kumain, nagpalit naman kami ng tuyong damit.

'Gamit ang mga Vines ni talia.
Malaya kaming nakapagbihis apat.
Pinalitan ko rin ang mga suot naming kapa.

Gamit ang Creation magic nakagawa ako ng kapa.
Parang raincoat din 'ito dahil hindi kami mababasa kapag suot namin ito.

Ganun rin sa suot naming boots.
Hindi ito nababasa at komportable rin itong suotin dahil mainit ito sa paa.

Hindi narin kami masyado nilalamig dahil nakasuot kami ng mga jacket sa loob.

Pagkatapos naming mag-ayos.
Sakto ay nag-aya na rin sila kalias na umalis.

Sumakay na kami sa mga kabayo namin at naunang tumawid sa tulay na gawa ni Talia.

May kahabaan ito at medyo malawak rin ang espasyo.

"Ang ganda at ang tibay ng pagkakagawa ni talia ng tulay."puri ni zehra.

"Salamat."ngiti tugon ni Talia sakanya.

Nang makatawid kaming apat.
Inantay naman 'naming makatawid sila kalias.
Pinauna namin silang lahat habang kami nama'y nakasunod lang sa likuran nila.

FAST FORWARD

DALAWANG buwan na ang nakalipas simula 'nung makatawid kami sa tulay na gawa ni Talia.

Hindi ko akalaing aabutin kami ng buwan paalis sa lugar.
Hindi ko makakalimutan ang karanasan namin sa maulan na lugar na 'yun.

Sa dalawang buwan rin na nakasama namin sila kalias.
Naging malapit 'rin silang kaibigan sa amin.

Mababait naman ang mga ginoo at magaling 'rin makisama.
Kaya wala kaming naging problema sa paglalakbay.

NAKA-UPO nga pala kami ngayon Para magpahinga, 'Dahil malayo-layo narin ang nilakad naming lahat kaya naisipan ni Kalias na dito muna kami magpahinga lahat.

"Nalampasan natin ang Tig-init at Tig-ulan ngayon naman Tig-lamig!
Hindi ko na talaga alam sa lugar na pinupuntahan natin Viana.
Paiba-iba ang klima."reklamo ni Zehra sa aking gilid habang balot na balot ng makapal na jacket ang kanyang buong katawan.

Ganun 'rin naman kaming lahat dahil umuulan ng nyebe sa lugar na 'to.
Walang nakalagay na pangalan ng mga lugar ang mapa na dala nila kalias.
Kaya't hindi namin alam kung anong tawag sa lugar na kinatatayuan namin ngayon.

Inabutan ko rin pala ng mga jacket ang mga kasamahan namin ngayon dahil wala silang mga dala.

Hindi rin namin inaasahan na mapupunta kami sa malamig na lugar kagaya nito.

Alam na rin pala nila kalias na Creation magic ang kakayahan ko.
Maliban doon ay wala na akong binanggit.

'Kaya ayun nagpagawa silang lahat sakin ng makapal na jacket.
Malaking tulong 'rin sakanila ang kapangyarihan ko dahil kaya kong magawa ang mga bagay na gusto nila.

'Ngunit walang libre sa mundo at lahat ng bagay ay may kapalit---
Ayokong maging mabait at mapagbigay dahil ayaw kong dumating sa punto na mamihasa sila at maisipan na saktan ako para lang makuha ang kanilang gusto.

Kailangan nila akong bayaran dahil pinaghirapan ko 'rin namang gawin ang bagay na pinapagawa nila.

"Viana?" napalingon ako kay Visha.

"Nakaraan ko pa napapansin.
Kakaiba ang kinikilos ng tatlong kawal na 'yun."mahinang sambit nito habang nakatingin sa kung saan.

Nangunot ang noo ko at pasimpleng sinulyapan ng tingin ang tinutukoy nya.

Nakatalikod ang mga 'to kaya hindi ko makita ang mga itsura nila.
'At isa pa may kalayuan ang pwesto namin sa kanila.

Hindi parin naaalis ang tingin ko sa tatlo hanggang sa humarap ang isa nilang kasamahan at pasimpleng tumingin kay kalias.

Naramdaman siguro nitong may nakatingin sa kanya 'kaya nilibot nya ang paningin sa buong paligid.
Bago pa magtama ang aming paningin agad na akong umiwas.
Ganun rin ang ginawa ni Visha.

Muli akong sumulyap at nakita kong
Pasimple itong may binulong sa kasamahan.
Pagkatapos ay sabay-sabay silang naglakad papaalis

Sinundan ko lamang sila ng tingin.
Mas lalong nangunot ang noo ko ng mapansing papasok sila sa masukal na gubat na puno ng nyebe.

"Masama kutob ko sa tatlong kawal na 'yun." biglang sambit ni Zehra sa aking tabi.

Napalingon ako bigla sakanya.
"Napansin mo 'rin?"tumango ito sa akin.

"Nung nakaraan ko lang napansin na kakaiba ang kilos nila.
'Ito na ata ang pangatlong beses na   namamataan ko silang pumupunta sa gubat ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon dahil akala ko'y nanghuhuli lang sila ng mga hayup sa gubat."kwento nito.

"Akala 'ko ako lang nakapansin.
Kayo 'rin pala."sambit naman ni talia.

Ibig sabihin ako lang pala ang hindi nakapansin?

Ano 'bang pinaggagawa ko nitong mga nakaraan at hindi ko iyon napansin?

"Anong plano?" Visha

Nakatingin silang tatlo sa akin at mukhang inaantay ang aking sagot.

"Huwag tayong pahalata na may napansin tayo sa kanila.
Patago natin silang i-imbestigahan, Kung tama 'nga ba ang hinala natin"sambit ko.

KINAGABIHAN naisipan ni Kalias na dito muna kami magpapalibas ng gabi dahil masyadong malakas ang pag-ulan ng mga nyebe.

Delekado 'rin ang dadaanan namin dahil puno ng nyebe ang lupa.
Nasa loob kami ngayon ng tent at nanginginig sa lamig kahit ang kakapal na ng mga nakatabon sa katawan namin.

Yung tent naman namin ay medyo bumababa yung bubong dahil sa mga nyebe.

Ginawan ito ng paraan ni Talia.
Gamit ang mga vines sinuportahan nya ang tent para hindi ito bumagsak sa amin.

Si Zehra naman ay pinapainit ang paligid.
Habang kami naman ni Visha ay nakaupo habang nanginginig parin sa lamig.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon