Viana's POV
"Kakaiba ang kulay ng iyong buhok ngunit napakaganda nitong tingnan."dagdag na sabi pa nito.
Napahawak naman ako sa aking buhok.
Masyadong matingkad ang kulay nito at agaw pansin.
Tumingin ako sa paligid at halos lahat ay tao rito ay itim rin ang buhok kagaya nila zehra at talia ngunit, Ang pinagkaiba lang nilang dalawa sa mga mamamayan dito ay ang kanilang kulay ng mata.Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Halos lahat ng mga tao rito ay nakatingin sa amin.
Ang iba naman ay nakanganga habang may lamang pagkain ang bibig.
Napabuntong hininga ako at nag iwas ng tingin sakanila.
Binalik ko na rin ang takip sa aking ulo."Tara't sumunod kayo sa akin."nakangiting aya sa amin ng babae.
Sumunod naman kaming tatlo sakanya papuntang kusina sa likuran.
Pagkapasok namin tinuro naman nito lahat kung saan nakalagay ang mga gamit na kakailanganin namin.
May malaking bintana pala rito na halos kita ang buong hardin nila sa likod ng kanilang tahanan.
Tutal mausok ang lulutuin ko,
Dito nalang ako sa may bintana mag luluto para yung usok ay palirin ng hangin sa kung saan."Nandoon ang tubig kung may huhugasan kayo."rinig kong sambit niyo at tinuro kung nasaan ang lababo.
"Mauuna na ako."paalam nya saamin bago lumabas.
Pagkalabas nito tinali ko ang aking buhok at hinubad ko ang kapa na nakapatong sa aking katawan.
Pinahawak ko ito kay zehra at pumunta akong lababo para mag hugas ng kamay.
Yung dalawang kasama ko naman ay pinapanood ang ginagawa ko habang naka upo sa silya.
Pumuwesto ako sa mahabang lamesa at naglagay roon ng mga malinis na lalagyan ko ng karne.
Kinuha ko ang piraso ng karne ng orcon at urlux sa aking dimensional space.
Ginamit ko ang aking creation magic para makalikha ng mga ipanghahalo ko rito.
Gumawa rin ako ng paglulutuan ng barbeque gamit ang aking creation magic.
At dito nalang ako makikihingi ng mga uling na gagamitin sa pagluluto.Hinugasan ko muna ang mga karne bago hiwain sa maliliit.
Matapos kong mahugasan at mahiwa, Pinag sama-sama ko ang mga ito sa malalim at malaking lalagyan para lahat ay malagyan ng pang palasa.Minarinate ko lang ito saglit bago ako bumalik sa aking paglulutuan ng mga karne.
Nilagyan ko ang mga ito ng uling at muling bumalik sa lamesa para gumawa ng pangpahid ko sa mga ito habang niluluto.
Habang nag aantay mag marinate.
Tinawag ko sila Zehra at talia para tulungan akong mag hiwa ng mga pangpalasa sa sawsawan na gagawin ko.Matapos nilang mag hiwa, Gumawa narin ang ng sawsawan at tinikman ito kung ayos lang ba ang pagkakatimpla ng suka.
Masarap naman kaya bumalik na akong muli sa mga nakamarinate na mga karne.
Nagpatulong din ako sa kanila para matuhog ang mga ito sa manipis na kahoy para mapabilis ang aming gagawin.Madami dami rin ang nagawa namin kaya umabot kami ng ilang oras sa pagtutusok ng mga ito sa mga kahoy.
Matapos naming magtuhog lumipat na kami sa paglulutuan ng mga ito para maluto.
Pero bago ang lahat nag hugas muna kami ng kamay para makapag simula sa pagluluto.