Napanganga kaming apat ng makapasok kami sa loob.
Ang daming kawal ang nakakalat sa paligid.At halos lahat ng kababaihan dito ay kakaiba ang kasuotan.
May iba naman ay halos kita na talaga ang kaluluwa habang nakikipag landian sa mga kalalakihan.May nakikita rin akong nagpapalabas ng mga kapangyarihan na para bang nakikipag kitang gilas.
Ang iba naman ay nagpapatugtug ng instrumento habang may nakalagay na sombrero sa paahan nila.
Maingay at magulo sa lugar na 'ito ngunit masaya namang tingnan dahil buhay na buhay ang kapaligiran.
"Viana mag palit din kaya tayo ng masusuot?
Agaw pansin kasi itong suot natin ngayon."sabi ni zehra na nasa aking gilid.Napasangayon naman ang tatlo sa kanyang sinabi.
Kaya pumayag narin ako.
Naghanap kami ng tindahan na nagtitinda ng mga damit pangbabae."Ayun! May nakita akong magagandang kasuotan sa bandang iyon!
Tara sunod kayo sakin!"sabi ni Visha kaya sumunod kami sa kanya.NASA LABAS kami ng isang di gaano kalakihang gusali.
Dito kami dinala ni Visha.
May mga naka display na mga damit sa labas na magaganda at mukhang mamahalin rin.Nauna nang pumasok si Visha kaya sumunod kami sa kanya.
Nagulat ako dahil malamig dito sa loob at hindi mainit."Anong maipaglilingkod ko sainyo mga binibini?"May Sumulpot na lalaking nakasuot ng fitted na damit na hanggang puson at mahabang palda.
Bakla???
"Ahh pwede ba kami mamili ng mga damit na susuotin namin?"sambit ni Visha sa lalaki.
"Ayy oo teka sandali at kukunin ko ang mga pwede n'yong pagpilian."sagot nito habang nakataas ang kamay at pumipilaktik.
Bakla nga!! Sayang chupapi pa naman.
Umupo muna kami sa sofa habang inaantay ang mga damit na pagpipilian namin.
ILANG saglit lang ay may kasama na itong mga babae na halos kita narin ang kaluluwa habang may hila na mga kasuotan na nakasampay doon sa parang bakal.
Napadako ang tingin ko doon sa mga damit.
Nakakahilo ang dami nito!
Diko alam kung Ano yung pipiliin ko.Nakita kong tumayo na ang tatlo at masayang namimili habang kausap yung lalaking parang bakla.
Mukhang magkakasundo sila ha.
Iniwas ko na ang tingin doon at nilibot nalang ang aking paningin sa buong paligid.
Kung di ko nalang kaya palitan yung suot ko?
Napatingin ako sa aking suot.
ok naman."Alam ko yang nasa isip mo."napalundag ako sa aking kinauupan ng biglang magsalita si Zehra sa aking gilid.
Hindi ko man lang napansin ang paglapit nito sa akin dahil tutok ako sa aking suot at kakaisip.
"Grabe! Gulat na gulat ka naman ata!
Halika na at wag ka nang tumunganga 'dyan!"sabi nito sabay hila at para akong 'bagay na binigay sa bakla."Ophelia ang pangalan ko. At oo tama iyang nasa isip mo kaya tara na!"Napanganga ako.
Paano nya nalaman yung nasa isip ko?
Nakakabasa rin ba sya ng iniisip ng iba?!
Nagdududa akong napatingin sakanya"Hindi ko nababasa ang iniisip mo baklang to!
Halata sa mukha mo kaya."napangiwi nalang ako sa sinabi nito at nagpatangay nalang kung saan man nila ako dadalhin.Yung tatlo naman ay masayang masaya sa sinusukat nila.
HINDI KO alam kong anong pinag gagawa nila sakin.
Nahihilo narin ako sa dami nilang pinapasukat at hindi ko nagustuhan kasi nakikita na halos ang kaluluwa ko, habang sila naman ay tuwang tuwa.