Chapter 95

1.2K 65 11
                                    

Viana's Point Of View

Inis namang gumanti ang tatlo sakanya at Bogsh!
Para na itong basang sisiw.
Napailing-iling nalang ako sa kakulitan nito.

Nag iwas na ako ng tingin at
Hinayaan silang maglaro.
Sakto naman at dumating narin sila Asval kasama sila Kenzo at Zyran.
Sabay sabay ang mga itong bumaba sa kani-kanilang mga kabayo at mabilis na lumapit kay Kalias.

Nag-usap ang apat sandali at yumuko bago nila talikuran ang prinsipe.

"Hmm- Mukang dito kami magpapalipas ng gabi." mahinang bulong ko sa hangin.

Mabilis nagsikilos ang mga kawal at nagtayo ng mga tent kasama ang mga guild.

Nilibot ko ang aking paningin at naghanap ng magandang pwesto na pagtatayuan ng aming sariling tent.

"Magandang magtayo ng tent sa malaming bato na 'yun." mabilis akong napalingon kay Visha na bigla nalang sumulpot sa aking tabi.

'Ni hindi ko 'man lang naramdaman ang presensya nito.
Gumagaling na itong magtago ng Presensya nya.

"Bakit?" tanong nito ng mapansing nakatitig ako sakanya.

Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin.
Tiningnan ko ang tinuro nya.
Hmmm? Mukang maganda nga magtayo doon.

Sa likod ng malalaking bato na 'yun ang pagtatayuan namin ng tent.
At mukang pwede 'rin kami maligo dahil natatakpan naman ng malalaking bato sa pwesto na 'yun ang tubig.

Tinawag namin sila Zehra at talia.
Nagpaalam muna kami kila kalias bago umalis upang magtayo ng sarili naming tent.

Habang papalapit ay namangha kami dahil sa lapad at kinis ng bato.
Doble ang laki nito sa malapitan na halos 'kaya nitong takpan ang isang malaking bahay.

"Ang kinis naman ng bato 'nato."usal ni talia habang hinihimas ang bato.
Ako naman ay kinuha na ang tent sa  dimensional space at nagpatulong kila Visha na itayo ito.

Nang maitayo nilagay nila Zehra at Visha ang mga bag namin sa loob.
Sila narin ang nag presenta na mag ayos ng mahihigaan namin.
Kaya naisip ko na kami namang dalawa ni Talia ang manguha ng kahoy pangsiga at magluto habang sila ay maiiwan sa tent.

Tahimik kaming dalawa ni Talia habang binabagtas ang kakahuyan.
Nagumpisa na rin kaming mamulot ng mga patay na kahoy.

Tinipon namin ang mga napulot namin sa tabi ng punong kahoy.
Marami-rami na din ang nakuha namin.

"Tama na siguro 'yan?" sambit ni Talia habang nangangamot ng mga braso.

Kanina ko pa napapansin na kamot sya ng kamot.
Namumula na rin ang balat nito.

Nilapitan ko ito at inangat ang kanyang braso para matingnan itong maigi.

Ang dami n'yang pantal.

Tiningnan ko naman ang palad nito.
Pulang-pula ang mga 'iyon.

Anak ng tokwa! Wala pa naman akong alam sa mga ganitong bagay!

"Kailangan mo na 'yatang maligo talia?" kamot ulong sambit ko rito.
Pasimpleng inamoy nya ang kanyang sarili sabay tinaasan ng kilay at agad na binawi ang kanyang kamay.

"Wala naman akong amoy ah?!"

"Baka kako 'kaya ka nangangati ay dahil ilang araw na 'rin tayong hindi naliligo."

"Ahh hindi, Sa kahoy 'to.
May napulot akong maling kahoy kaya nagkakaganito ang balat ko.
Mawawala 'rin 'to kapag nailigo." aniya habang hinihimas ang mga pantal sa katawan.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon