MATAPOS KONG Putulin at itabi ang mga nakakalasong puno.
Sunod kong ginawa ay pinutol naman ang mga puno na walang mga lason dahil gagamitin ko ito para sa gagawin namin na bahay.Yung mga may lason naman na puno ay gagawin kong pang harang.
"Viana pwede naba kami kumilos?"napalingon ako kila Zehra.
Muntik ko na makalimutan may mga kasama pala ako.
Tinanggal ko na ang barrier sa kanilang katawan.
"Akala ko nakalimutan muna kami dahil sa sobrang tutok mo dyan sa ginagawa mo."sabi ni Visha.
"hehe muntik na" bulong ko sa hangin sabay napakamot sa batok.
"Ha?"lumapit si Visha saakin dahil hindi nito narinig ang aking sinabi.
"Wala. Sabi ko ang ganda mo."sagot ko dito sabay ngiti.
"Ahh yun lang pala...Akala ko naman kung ano."
"Ano pala ang gagawin namin?"tanong ni Talia.
Nag isip naman ako ng pwede nilang maitulong sa akin.
Tumingin muna ako sa paligid."Pwede bang maglibot kayo dito tas balik nalang kayo kapag may nakita kayong kakaiba."
"Yun lang pala, napakadali."Sabi ni talia.
Hindi ko na sila papatulungin dito dahil kaya ko naman mag isa.
Saka ko nalang sila papatulungin kapag kinakailangan ko na.Umalis na silang tatlo para maglibot.
Nilagyan ko sila ng barrier dahil mapuno ang kanilang dadaanan.
At baka bigla nalang silang malaglagan ng mga nakakalason na dahon.Ako naman ay nag umpisa muli hanggang sa hindi ko na namalayan na umabot na ako ng dalawang oras kakaputol ng mga puno.
Napatingin ako sa harapan at hindi kona napansin na ang layo ko na pala.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
May napansin akong napakalaking puno.
Dalawa ito at pwedeng-pwede gawan ng malaking tree house.
Ngunit bukas ko na lang gagawin iyon.
Magpuputol muna ako ng puno para naman lumuwag sa lupain na 'to.Makalipas muli ang ilang oras.
"Tama na siguro muna ang mga kahoy na 'to?"umupo ako sa lupa at tumingala upang mag pahinga saglit."VIANA!" Rinig kong Sigaw ni Zehra.
Mabuti naman at nakabalik na sila.
Teka bakit ganyan ang mga itsura nila?Patakbong lumapit sila Zehra, Talia at Visha sa akin habang hinihingal.
"Anong nangyari sainyo?
Bakit Parang sumabak naman kayo sa gyera?"takang tanong ko sa kanila.Paano ba naman kasi gulo-gulo ang mga buhok.
May mga sugat sa katawan.
Punit ang mga damit at ang dudumi pa nila!"Akala ko ba walang nakatira dito?!"mangiyak-ngiyak na tanong ni talia sa akin habang napa upo sa lupa.
"Kaya nga!"sabi naman ni Zehra habang tinitingnan ang sugat sa katawan.
"May maliliit na nilalang ang sumugod sa amin sa dulo ng kakahuyan na 'to.
Hindi kami nakapalag agad dahil pinag babato kami ng mga patalim nila.
Ang iba naman ay lumipad papunta sa aming ulo at pinaghihila ang buhok namin."kwento ni Visha."Maliliit na nilalang?
Ano ang itsura ng nilalang na sinasabi mo?"tanong ko rito."Matutulis ang mga tainga nila at may mga pakpak sa likod.
Maliit na mga katawan at matinis ang mga boses.
Ang iba naman ay walang pakpak ngunit medyo malaki ang katawan na sa tingin ko ay hanggang bewang ko lang ang laki nila."paliwanag nito.