NAGPATULOY muli kami sa aming paglalakbay.
Pababa kami ngayon ng bundok.
Mahamog ang paligid at malakas parin ang bugso ng ulan, kasabay nito ang Malakas 'rin na ihip ng hangin.Hirap na hirap kami dahil para kaming tatangayin ng hangin 'kaya todo kapit kami ngayon sa mga punong nadadaanan namin.
Hindi kami nakasakay sa likod ng mga kabayo dahil matirik ang daan at baka gumulong lang kami paibaba.
"Parang walang katapusang Ulan 'to ah."sambit ng katabi kong si Zehra. Maingat itong nakakapit sa mga sanga ng puno na malapit sa kanya.
"Mukhang ganito na talaga ang klima sa lugar na 'to....
'Salungat sa Klima ng Eredor na talaga 'nga namang Disyerto.
Sa lugar na ito naman ay Tig-bagyo kaya laging umuulan."sagot ko rito.Napasangayon naman ito sa aking sinabi.
Napatingin ako sa baba.
Halos wala akong nakikitang mga kabahayan na nakatayo rito.Oo nga pala Yung bagon pala 'na dala-dala nila ay iniwan.
Tanging mga kabayo at laman nalang ng bagon ang dala-dala ng mga kawal ngayon.Hinati-hati nila ito para dalhin at itinali sa likuran ng kabayo nila.
ILANG oras na 'rin kaming walang tigil sa paglalakad.
Hindi kami pwedeng huminto dahil wala kaming masisilungan at masyadong 'rin madulas ang lupang tinatapakan namin.Mabuti nalang at malapit na kami.
Naririnig na namin mula rito ang malakas na agos ng tubig na nagmumula sa baba.Hindi na ako makapag-antay na makababa ng bundok na ito at makapag pahinga.
Basang-basa kami at nanginginig na 'rin sa lamig.Nilingon ko sila Talia.
Namumutla na 'rin ang mga 'to sa lamig kahit nakasuot kami ng mga kapa.SA WAKAS at nakababa na 'rin kami.
Sumilong kaming lahat sa tabi ng malaking puno at umupo."Mag pahinga muna tayong lahat 'rito. Ang iba naman ay manguha ng mga kahoy para ipang-siga.
Ako na ang bahala mag-patuyo ng mga 'yun."rinig kong utos ni Asval sa mga kawal.Nagsi-kilos naman ang iba upang manguha ng panggatong na kahoy.
Kaming apat naman ay umupo sa sulok ng magkakatabi.
"Ang lamig!"nanginginig na labing sabi ni Visha habang nakayakap sa mga braso ni talia."G-gusto ko ng magpalit ng tuyong damit."nanginginig 'rin na sambit ni Talia at niyakap ang sarili.
Kaming dalawa naman ni Zehra ay tahimik lang habang nakatingin sa harapan.
Malakas ang agos ng tubig sa 'sapa.
Mukhang maraming isdang tabang nasa ilalim nyan.Nilibot ko ng tingin ang paligid.
Hindi na gaanong mapuno rito ngunit mabato naman.
Malaki 'rin ang sapa at mukhang kailangan pa naming tumawid papunta sa kabila.Napatingin ako kila Zehra dahil nangangatog na ang mga 'to sa lamig.
Kunwaring dumukot ako sa aking bag.
Inimagine ko ang makapal na kumot para sa amin.
Inilabas ko ito isa-isa sa bag para hindi magtaka ang mga kasamahan namin rito.Inabutan ko silang tatlo at agad naman nila itong itinabon sa kanilang katawan.
Ganun 'rin ang ginawa ko.Habang nagpapahinga sa gilid. Pinapanood namin sila Kalias at tatlong kaibigan nito na nag-uusap habang nakatingin sa sapa.
Napatingin rin ako sa tinitingnan nila at biglang nagkaroon ng ideya kung ano ang pinag-uusapan ng apat.
Napatingin ako kay Talia.
May kakayahan itong magpalabas ng matitibay na mga Ugat gamit ang kapangyarihan nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/336590679-288-k931533.jpg)