Chapter 9

4.3K 149 5
                                    

Viana's POV

NAGKUKUSOT ako ng mata habang bumangon sa aking higaan at nag inat ng katawan.
Lumapit ako sa bintana at binuksan ito.
Napayakap nalang ako sa aking sarili ng biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

Medyo madilim pa sa labas kaya naisipan kong maligo na muna.

Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos narin akong maligo at magbihis.

Muli akong lumingon sa bintana.
Pasikat na ang haring araw kaya agad kong pinunasan ang aking buhok ng tuyong tuwalya at nag suklay bago lumabas ng aking kwarto upang gisingin si Zehra.

Kakatukin ko palang sana ang pintuan nito ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha ni zehra na ngayo'y gising at mukhang kakatapos lang rin maligo.

Nagulat pa ito ng makita akong nasa labas ng silid nya.

"Anong ginagawa mo 'riyan?"
takang tanong nito sa akin at lumabas ng silid at isinirado ang pinto.

"Akala ko kasi tulog kapa.
Gi-gisingin sana kita kaso-
Gising kana pala Hahaha.
Tara na sa labas."ani ko at niyaya s'yang lumabas.

Isa't halahating taonw na pala kaming naninirahan ngayon rito sa bundok.

Kakatapos lang 'rin ng kaarawan ko.
Bente na ako ngayon habang si Zehra naman ay bente-uno.

"Siguro naman at matatalo na kita ngayon."ngising sambit ni Zehra sakin.

Napangisi nalang ako sa sinabi nito.
"Tingnan natin."sambit ko at nagteleport ako kasama si zehra malayo sa aming tahanan.

Umayos ako ng tayo at inayos ang aking suot bago humarap kay zehra na ngayo'y nasa aking harapan na.

Hindi parin ito tumitigil makipag duel sa akin kahit ilang beses ko na syang natalo sa pakikipaglaban.

Hindi kami gumagamit ng kapangyarihan dahil gusto nyang malaman kung gaano sya ka alisto at kagaling sa pakikipag laban.

Akala ko isang beses lang ako nito aayain.
Pero inaraw-araw ako nitong makipag combat sakanya.
Kung tutuusin ay magaling sya makipag laban at mabilis kumilos.
Kung hindi lang ako alisto ay baka natalo na ako.

Kakaisip muntik na ako nitong masuntok sa mukha.
Mabuti nalang ay mabilis ko itong nailagan at gumanti ng sipa sa kanya pero naiwasan din nya agad.

Hahablutin nya sana ang kaliwang paa ko na ipangsisipa sa kanya pero mabilis ko itong ibinaba at inikot ang aking katawan kaya nasipa sya ng kanan kong paa na mabilis na tumama sa tagiliran nya.
Napa urong ito ng kaunti habang naka hawak sa kanyang tagiliran.
Sumugod itong muli saakin para gumanti pero hindi man lang ako nito matama-tamaan.

Masyadong mabilis ang kamay namin sa isa't isa na halos hindi na ito masabayan ng mga mata ng tao kung manonood ng laban namin.

Ilang minuto rin kaming nagpapalitan ng atake at
Mukhang pagod na ito.

Sinabihan ko ito na magpahinga muna.
Sumang ayon naman ito saakin kaya tinalikuran ko na sya.

Maglalakad na sana ako pabalik ng maramdaman ko ang presensya nya sa likuran ko.

hahaha aatakihen mo 'pa ako patalikod ah humanda ka ngayon.

Mabilis akong nag teleport paalis sa pwesto ko at nagteleport sa kanyang likuran.

"Kala mo maiisahan mo ako"bulong ko dito at hinampas ang kanyang batok gamit ang aking kamay.
Bumagsak ang katawan nito sa lupa matapos kong gawin yun.

"Hahah tulog."pinalutang ko ang katawan nito sa hangin at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa bahay kasama si zehra na walang malay.

Zehra POV

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon