Chapter 74

1.7K 109 21
                                    

MABILIS itong bumangon at gulat na napatingin sa akin habang pinagpagan ang sarili.
Napatingin ito sa paligid ng maramdaman n'yang may mga matang nakatingin sa kanya.

Mabilis naman nagbaba ng paningin ang mga kalalakihan ng isa-isang nya itong tingnan ng matalim.

Gamit ang kanyang diliri.
Sinuklay nya ang kanyang itim na buhok at naglakad papalapit sa akin at inayos ang upuan at muling umupo sa aking harapan.

"Paano mo nagawang hulihin ang paa ko ng ganun kabilis?"seryosong tanong nito sa akin.

"Bakit mo naman na tanong?"

"Tinatanong kita ng maayos babae kaya sagutin mo ako ng maayos."

"Nagpapatawa kaba?!
Kanina tinatanong 'rin kita ng maayos pero ang ginawa mo 'sinipa mo ako 'diba?"
Sabi ko dito habang naka-cross leg at nakahalukipkip.

Baliw ba sya?! Ayos-ayos ng tanong ko sakanya tas bigla nalang akong sisipain.
Siraulong 'to!

"Sagutin mo nalang ako binibini!"naiinip na sabi nito.

"Sana ay sinagot mo 'rin ng matino ang tanong ko kanina." irap ko dito sabay iwas ng tingin at binaling ang paningin sa labas ng bintana.

May Bintana rito na kitang-kita ang mga tao sa labas.
Mabuti nalang at may bintana sa puwesto nya.

Nakita ko sila Zehra na mukhang hinahanap na ako.
Muli akong humarap sa lalaki.
"Sasagutin ko ang tanong mo pero sagutin mo muna ang itatanong ko sayo."sabi ko rito.

Syempre joke lang yun, asa 'sya.

Sumangayon naman ito sa akin.
"Nandoon sa likod ng pintong iyon ang hinahanap mo."mabilis na sagot nito sa akin.

"Ngayon ako naman ang sagutin mo."yumukod ako sa lamesa para hindi nito makita at lihim kong pag-ngisi.

Muli akong nag-angat ng tingin at tumayo sa harapan ng lalaki sabay martsa paalis.

"Teka? Saan kana pupunta?!"

"Hoy! babae sagutin mo muna ang tanong ko!"rinig kong sigaw nito.

Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.

Narinig ko pa ang mga sigaw nito mula sa likuran kaya diko maiwasang hindi mapangisi.

Bayad mo yan sa pagsipa sa akin!

Pinihit ko ang saraduhan ng pinto at walang katok-katok na pumasok sa loob.
Nakita ko ang lalaking nakaupo habang nagtatakang nakatingin sa akin.

"I-rehistro mo ako at ang mga kaibigan ko sa guild nyo."walang paligoy ligoy na sabi ko rito pagkalapit ko sa kanyang mesa.

Nagmamadali na ako kasi hinahanap na ako ng tatlo.

Napatingin ito sa akin na parang nagtatanong na 'Seryoso kaba?'

"Ano irerehistro mo ba kami o hindi?
Sabihin mo lang kung ayaw mo kasi hahanap ako ng iba."prangkang sabi ko rito.

"Binibini pasensya na ngunit hindi kami tumatanggap ng mga babae sa guild na 'to."napa face-palm nalang ako.

Nakakainis naman ang guild na 'to!
Lumapit ako rito at pinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa habang tinitigan ito ng mariin.

"Bakit? Mahina ba kami sa paningin nyong mga lalaki?"hindi ito nakasagot ngunit basang-basa sa mukha ng lalaki ang sagot ng aking katanungan.

Napatawa nalang ako ng pagak at lumayo sa lalaki.
Umupo ako sa bakanteng upuan habang seryosong nakatingin rito.

Masyadong minamaliit ng guild na 'to ang kakayahan ng mga babae at nakakainis yun!
Masyadong mataas ang tingin ng mga kalalakihan sa sarili nila.
Ang sarap nilang ipatapon sa ibang planeta!

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon