Chapter 92

1.4K 91 23
                                    

Viana's Point Of View

Pagkabalik sa tent agad akong nahiga sa kama at nagpahinga.
Sila Zehra naman ay pinabalik ko na rin sa kanilang tent.

Todo ngisi pa ang mga 'yun sakin at talagang inaasar ako sa nangyari.

"Ano ba kasing naisipan ko at hinalikan ko sya?!"galit na sambit ko sa aking sarili.

Biglang pumasok sa aking isip ang itsura ni Hunter na ikabilis ng tibok ng puso ko.

"Nababaliw na ata ako."mahinang usal ko sa aking sarili.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang sumulpot sa aking harapan si Hunter.

Walang buhay ang mukha nitong nakatingin sa akin.
Nagmukha itong suplado dahil sa makapal nitong kilay at pilikmata.

Mapungay ang walang buhay nitong matang nakatitig sa akin.

Napalunok ako ng wala sa oras.
"A-anong tinitingin tingin mo dyan!"pagalit kong tanong sa kanya.

Napailing-iling lang ito at humiga sa aking tabi.
Mukha itong pagod na pagod na ikinataka ko.
Ngayon ko lang napansin ang ilalim ng mata nitong medyo nangingitim.

Mukhanh ilaw araw na itong puyat.

Hindi ko maiwasang hindi magtanong.
"Bakit mukhang pagod na pagod ka?"

Ginawa nitong unan ang kanyang dalawang bisig at taimtim na tumitig sa akin bago sumagot.

"Tinutugis ko ang tatlong kriminal."

"I-ilang araw na?"muli kong tanong sakanya.

"Simula nung nakita kitang nalaglag sa bangin. Sila ang misyon ko kaya ako naparito." titig na titig na sagot nito sakin.

"Ibig sabihin ilang araw ka 'rin walang pahinga.
Natutulog kapa ba?"

Bigla itong natawa sa aking tanong.
Kaya't kinunutan ko lang sya ng noo.

"Hindi mahalaga 'yun."Nanlaki ang mata ko at sinapok sya.

"Anong hindi mahalaga! Mahalaga yun!
Paano mo mahuhuli ang kriminal kung bangag ka!" Tumawa ito ng malakas na ikatulala ko.

"Hirap akong makatulog."maikling sabi lang nito kaya't di na ako muling nagtanong.

Napatitig lang ako sa kanya.
Ganun rin s'ya sakin.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Tila ba payapa ang paligid ko kapag kasama ko s'ya.
Baliw na nga siguro ako.

Hindi ko pa nararasan yung ganitong pakiramdam kahit nabubuhay ako sa dati kong mundo.

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin pahiga sa tabi nya.
Magrereklamo sana ako ngunit bigla syang nagsalita.

"Kahit sandali lang.
Gusto ko lang magpahinga."Pagod na pagod na sambit nito habang nakapikit.

Hindi na ako nagreklamo at hinayaan sya.
Umayos ako ng higa paharap sakanya.
Nakaunan ako sa bisig nya.

Nakapikit ito ngunit alam kong gising pa s'ya.
Hinarap ko ang mukha nya sakin gamit ang aking kamay.

Napadilat ito at takang napatingin sakin.
Nanatiling nakalagay sa kanyang pisnge ang aking palad.

Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko.
Ngunit nanatiling nakatitig ako sa bughaw nyang mga mata.

Gumalaw ang palad ko at hinimas ang pisnge nito.
"Matulog kana babantayan kita."mahinang sambit ko habang nakatitig sakanya.

Humarap din ito sakin kaya't halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Nagulat ako iusog ako nito papalapit sa kanyang katawan at niyakap.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon