Zehra POV
Kailangan na nating bilisan."dagdag nya pa.
Naglagay kami ulit ng invisible barrier sa aming paligid at mabilis na lumipad para mapabilis ang dating namin sa wallux.
Ilang saglit lang ay nakarating narin kami rito.
"Ang daming xetherian!"Halos pahiyaw na sambit ni talia sa aking gilid habang patuloy kaming lumilipad sa ibabaw ng mga tao.
"Wag ka maingay baka may makapansin satin!
Hindi pa naman ako nakapag lagay ng sound barrier!"mahinang saway ko dito"Ay hehe pasensya na."hinging pasensya na nito sakin at muling tumingin sa ibaba.
"Zehra,talia,doon tayo bandang eskinita bumaba para walang makapansin saatin."sambit ni viana saamin ng makalapit sya sa aming gawi.
Nakasunod kaming dalawa ni talia sa likod nya patungo sa makipot na eskinita.
Bumaba kaming tatlo sa semento at tinanggal narin namin ang barrier na nakapaligid saamin.
Madilim dito kaya sa tingin ko ay walang makakapansin saamin.Viana POV
Sumilip muna ako para tingnan kung wala bang nakakita sa aming sumulput nalang bigla dito sa madilim na eskinita.
Nang mapansin kong wala naman.
Sinenyasan ko sila talia at zehra sa aking likuran na lumapit saakin.Bago kami lumabas sa eskinita inayos muna namin ang mga kapa na 'nakatakip sa aming ulo.
"Kumapit kayo sakin,kung ayaw nyo mahiwalay."sabi ko sa dalawa.
Kumapit naman sila sa magkabilaan kong braso.Teka mukhang ako ata mahihirapang gumalaw sa dalawa na'to.
"Teka wag sa braso ko,ako nahihirapang gumalaw sa inyo eh."sabi ko sa kanila kaya napabitaw naman sila saakin.
"Sabi mo kasi kapit kami sayo."sambit ni talia sakin.
"Oo nga."sinangayunan naman sya ni zehra.
"Sabi ko kumapit lang,wala pa nga akong sinasabi kung saan banda eh."sagot ko sa mga ito.
Napatahimik naman silang dalawa."Sa kamay ko kayo kumapit."sambit kong muli sa dalawa.
"Sa kamay naman pala talia eh."reklamo ni zehra kay talia.
"Gumaya kadin naman sakin ah."sagot naman ni talia sa kanya.
"Wag na kayo maingay,akin na kamay nyo."nilahad naman nila ang kanilang kamay saakin,
Bali pinag-gigitnaan nila akong dalawa.Naglakad na kami palabas ng eskinita at pasimple kaming nakihalo sa mga xetherian na dumadaan.
"Ang sikip!"sigaw ko sa aking isip.
Hirap na hirap kaming tatlo makipag siksikan sa mga xetherian na nandidito.
"Bakit ang dami paring xetherian sa ganitong oras!?Hindi ba dapat ay natutulog na sila!?"sambit ni zehra na nasa aking gilid.
lumingon ito sa kanyang katabi at kinalabit ito upang magtanong."Ginoo,anong meron at bakit dagsa ata ng mga xetherian ngayon rito?"tanong nito sa ginoo.
Samantalang kami ni talia ay tahimik lamang at nakikinig sa kanilang usapan."Dagsa talaga ng mga xetherian ngayon,dahil ipinagdiriwang nila ang pagka-panalo ng duke sa pagpatay nito sa iba't ibang klase ng halimaw na nag-tangkang pumasok at sumira ng harang na pumoprotekta dito sa wallux."mahabang paliwanag nito at lumingon din kay zehra.
Nagtaka ito ng makita nya kaming may mga tabon na kapa sa aming ulo,ngunit ipinagsawalang bahala nya nalang yun at nagsalitang muli.