Chapter 37

2.4K 121 5
                                    

Talia POV

PINAUPO kami ni lolo ador sa putol na puno ng kahoy.

"Sandali at kukuha ako ng pagkain natin."
Tatanggihan sana ito ni Zehra 'kaso pinigilan ito ni Viana.

Sinenyasan nya kami na hayaan nalang ito.
'Sabagay nakakahiya naman tanggihan si lolo ador.

Pagkabalik ay agad kami nitong inabutan isa-isa ng maliit na mangkok na naglalaman ng pagkain na hindi ko mawari kung ano ang laman.

"Salamat po." ngiting pasasalamat ko.

Nagpasalamat rin si Viana sa matanda at malugod na tinanggap ang pagkain.

Nagpasalamat rin si Zehra ng matanggap ang pagkain at sinilip ang laman nito sabay nanliit ang mata habang sinusuri ang laman ng mangkok.

"Walang anuman 'hija... 'O s'ya at kumain na tayo ng makapag pahinga."anito at umupo rin sa malapad na batong kaharap namin.

Nagsimula na itong kumain kaya't
Sumubo na 'rin kaming tatlo.

Bigla akong napatigil sa pag nguya ng malasahan ko ang pagkain.

Napatingin din ako sa dalawa kong kasama na ngayon ay pilit nilunok ang pagkain.

"Mga iha pasensya na sa pagkain ah.
Yan lang kasi nakayanan ng grupo naming lutuin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lolo ador.

"Naku ayos lang po! Ngayon lang din po kasi kami nakatikim ng ganito kaya naninibago kami sa lasa pasensya na po!"hinging paumanhin ni Viana.

Nakakahiya naman kung magrereklamo kami 'diba?
Eh nakikisabay na nga lang kami tapos binigyan pa kami ng pagkain tas mag iinarte pa kami.

"Ganun ba?
Kamusta naman ang lasa ng pagkain
Ayos lang ba?"sasabat sana si Zehra ngunit pinigilan ito ni viana kaya ako nalang ang sumagot.

"Ayos naman hehe."ngiting sagot ko dito at muling sumubo.

"Hahaha pwede naman kayo mag sabi ng totoo.
Kahit ako ay hindi rin naman nasarapan sa pagkain.
Pero ayos nadin 'to kesa magutom tayo."

"Lahat po ba ng mga sumama ay may ambag sa pagkain?"tanong ko.

"Oo ngunit may makukulit talaga na sumama sa atin na hindi namin alam."sambit nito habang nakatingin sa magpapamilyang kumakain habang masayang nag uusap.

Napabuntong hininga nalang tuloy si lolo ador at iniwas na ang tingin doon.

"Nakakahiya naman sa mga kasamahan mo lolo ador, wala naman kaming ambag sa pagkain at nakikisabay lamang kami sainyo ngunit pinakain nyo parin kami."nahihiya kong sabi rito.

"Ayos lang naman yun, Madami naman aking naiambag ha ha ha."tatawa-tawang sagot nito.

Napalingon kami sa ginang na tumatakbo papunta sa aming gawi habang sinisigaw ang pangalan ni lolo ador.

"Manong ador nakulangan tayo ng pagkain.
Madami pa ang hindi nakakain."problemadong sabi nito ng makarating habang hinigingal.

Paktay.

Viana's Point of View

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh....
Hayaan muna magluto nalang ulit ng panibangong pagkain."sagot nito sa ginang.

"Pero sasakto lang ang pagkain na dala natin sa byahe.
Papaano ang kakainin natin kinabukasan?"problemadong sambit ng ginang.

"Bukas nalang din natin problemahin yun.
Ang mahalaga ay makakain ang hindi pa nakakakain."sagot ni lolo ador sa ginang.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon