Chapter 10

4.3K 168 4
                                    

Habang papalayo kami ng papalayo.
Ang daming nag lalakihang puno sa bawat madadaanan namin.

Nilibot ko din ang aking paningin sa buong paligid.
May mga naglalaking 'ring bato sa bawat sulok ng puno.

Napakagandang tingnan ng mga ito-
Ngunit hindi tumatagos ang sinag ng araw mula dito sa ibaba, dahil sa mga naglalakihang dahon na tumatabon sa buong paligid.

Ilang oras na ang nakalipas at patuloy parin kaming naglalakad dalawa ni viana.
Hindi ko nga alam dito kung saan ba talaga sya pupunta.

Maya maya lang ay huminto narin ito sa aking harapan kaya't napahinto rin ako sa paglalakad at takang napatingin sa kanya.

Dahan-dahan akong lumingon sa aming paligid.

Hindi ko 'man lang naramdaman ang presenya ng mga nilalang na 'to.

Kung hindi pa huminto si Viana ay hindi ko mapapansin ang mga
matang nakamasid sa amin na parang handa na kaming lapain at gawing hapunan.

Madilim ngunit nakikita parin namin ang buong paligid dahil may night vision kaming dalawa.

May naglalakihang magic beast ang nakapalibot sa amin
Ang iba naman dito ay hindi magic beast kundi mga mythical beast at legendary beast.

Viana's POV

HINDI KO MAIWASANG hindi mapangiti dahil ito ang unang beses na makakita ako ng mga nilalang na sa libro ko lang nababasa.

Sila rin ang kanina ko pang nararamdaman na malakas kaya ako nainganyong pumunta rito.

Hindi ko naman ini-expect na ganito sila karami at mukhang hindi lang mga magic beast ang nandidito.
Gusto ko sana makipag laban kaso nawalan na ako ng gana.
Kaya nag palabas nalang ako ng malakas na aura sa aking katawan kaya napadako ang tingin ng mga mythical beast at legendary beast sa aming gawi.
Inaantay ko silang umatake saamin pero wala.
Tahimik na lumapit saamin ang mga malalakas.
Samatalang ang mga mahihina naman ay nahimatay bago pa man makatakas.
Pero may mga malalakas din na gusto kaming atakihin.
Mabilis ang mga takbo ng mga ito papunta sa amin at handa ng umatake.

Pero hindi ko sila papayagan atakihin kami kaya nilakasan ko pa ang aking aura.
Namuti ang mga mata ng a-atake sana saamin at bumagsak ang katawan ng mga ito sa lupa.

Ang iba naman ay tatakas na sana kaso naabutan sila ng aura ko kaya nahimatay rin ang mga ito bago pa man makatakas.

Ang mga mythical beast naman at legendary beast ay nasa aming harapan na nakaupo.
Nilingon ko naman si zehra na nababalutan ng Barrier.

"Ayos kalang ba?"tanong ko sakanya kaso mukhang mainit ang ulo.

"Bakit hindi ka man lang nag warning saakin na mag papalabas ka ng aura mo!
Kung hindi pa ako nakapag lagay ng barrier ay baka mahimatay narin ako!"hiyaw nito saakin at akmang kukurutin.

Pero bago pa man mangyari yun nag pacute ako dito at nanghingi ng tawad.
Napatigil naman ang kanyang kamay sa ere matapos kong manghingi ng tawad sa kanya.
Alam kong patatawarin agad ako ni zehra kasi parehas kaming maganda hahahah.

Napabuntong hininga nalang ito at sinuri ang mga nakapalibot na mga nilalang sa amin.
Naalala ko manghang-mangha pa ako nun habang binabasa ko ang bawat pahina ng libro tungkol sa mga nilalang na 'to.
Hindi ko akalain na makakasagupa ako sa personal.
Akala ko sa mga movies at anime lang ako makakakita ng mga ganito.
Kaya sobrang saya ko ng makakita ako ng hindi lang isa, kundi madami!

Nakakapagtaka lang.
Bakit nandidito ang mga nilalang na 'to dito?
Sa pagkaka alam ko.
Sa Vanora ang tirahan ng mga Nilalang na 'to.

Nabasa ko rin sa libro na Dalawa ang tirahan ng mga iba't-ibang magical beast.
Nakalimutan ko lang ang pangalan ng lugar na 'yun.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon