Chapter 15

3.6K 142 9
                                    

Zehra POV

Ano pang inaantay nyo hulihin ang mga yan!!"madaming taong nanonood samin kaya kailangan kong mag-ingat sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko.

Tiningnan ko muna ang mga ito at binilang kung ilan sila.

Masyado silang madami para sa iisang babae.
Hindi ba nila mahuli-huli ang iisang binibi kaya kailangan madami silang tutugis?

Nilingon ko muli sila vianna at yung binibini na ngayon ay tinutulungan ni viana makabangon sa pagkakasalampak sa lupa.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila at humarap sa mga kalalakihang nasa harapan.
Naunang sumugod ang Lalaking nasa  harapan at akmang susuntukin ako nito pero masyado syang mabagal kaya inunahan ko syang suntukin.
Napalakas ko ata kaya ayun tulog.

Sumunod naman ang dalawa at sabay sumugod saakin.
Inantay ko lang silang makalapit saakin nang makalapit na sila sisipain sana ako sa tiyan ng ng isa kaso naiwasan ko ito.

"Masyado kayong mabagal."nainis naman ang mga ito saakin kaya mabilis nila akong pinapatamaan ng suntok at sipa pero hindi padin sila nakakatama.

"Ano bang pinapatamaan nyo hangin?"asar ko sa mga ito.
Nahuli ko ang sisipa sana sa aking ulo kaso nasangga ko ito.
Hinawakan ko ito ng dalawang kamay at binalibag sa sahig ang katawan.
Para hindi na makalaban pa, pinunterya ko ang batok nito para makatulog.
Ganun din ang ginawa ko sa mga sumusugod saakin,pinapatulog ko para hindi na makalaban.
Hanggang sa isa nalang ang natirang nakatayo.

"O bakit parang naiihi kana sa takot dyan? wala pa nga akong ginagawa sayo natatakot kana agad?"sambit ko sa panget na leader nila.
Napaupo ito at gumapang sa mga kasamahan para gisingin.
Hinayaan ko nalang ito dahil alam kong wala na itong laban.
Tinalikuran ko na ang mga ito at lumapit kila viana.

"Akala ko gagamitin mo kapangyarihan mo."para itong nakahinga ng maluwag ng matapos nitong panoorin ang laban ko.

"Hahaha gagamitin ko na sana para madali ko silang matusta.
kaso wag nalang pala
Kuwawa naman."kunwaring naaawang sambit ko.

Napalingon kaming tatlo ng biglang sumigaw ang panget na leader ng mga lalaki saamin.

"Pagbabayaran nyo ginawa nyo saamin!!
Isusumbong ko kayo sa pinuno namin!"sigaw nito habang akay akay ang ibang kasamahan nya at tumalikod na saamin.

"Edi Magsumbong ka! Hanapin mo pake namin!"irap ko dito sabay tingin kila Viana.

"May pinuno pa pala sila?!"Pabulong na sigaw ko sa babae.

"P-paumanhin mga binibini-
Maari nyo na akong iwan rito.
Delekado para sainyo ang madamay sa gulo ko.
Nakakatakot na tao ang pinuno nila."hindi mapakaling sambit ng babae at panay ang tingin sa paligid.

"Bahala na- wag ka mag alala.
Si viana na ang bahala sa pinuno ng mga yan."

Napaawang naman ang bibig ni Viana at hindi makapaniwala sa aking sinabi.
Kalaunay napabuntong hininga ito at wala ng nagawa.

"Kailangan na natin umalis." Viana

"Salamat sa tulong nyo mga binibini ngunit kailangan ko ng mauna sa inyo."akmang tatalikod na ito saamin ngunit pinigilan naman sya ni viana.

"Teka saan ka naman pupunta?"alalang tanong nya sa babaeq

"Hindi ko 'rin alam.
Bahala na kung saan ako mapunta.
Kung mahuli man nila ako baka yun na talaga ang kapalaran ko."malungkot na sambit nito.
Ngunit ang lungkot sa kanyang mukha ay napalitan ng takot at pangamba ng may bago na namang paparating.

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon