GWYNETH'S POV
TAHIMIK akong naglalakad papunta sa university na pinapasukan ko. Walking distance lang 'yung layo no'n sa bahay namin kaya nakakatipid ako. Mag isa lang ako ngayon kasi walang pasok si kuya na s'yang lagi kong kasama na pumapasok sa uni.
I am currently in my second year of college, taking the course on cryptography and network security. Sa totoo lang, wala talaga akong particular interest sa computers before, but when the pandemic hit and I relied heavily on gadgets for over two years, I became interested in this field.
I often play open-world games and interact with other players. Due to my love for gaming, I also became interested in game development. I watched several YouTube tutorials, pero nag fail ako sa mga naging attempts ko kasi it wasn't as easy as it seemed.
That's why I decided to pursue computer science when I entered college. Pero, nagbago 'yung course ko pagdating ko sa second year, shifting from programming to cryptography and network security. My Facebook accounts have been locked several times, and I can't afford to lose them because all my memories and social media friends are there. Fortunately, I quickly recover them because I've learned techniques on how to do so.
Pero gusto ko paring palawakin 'yung kaalaman ko sa kung paano ko mas mase-secure 'yung social media accounts ko.
Sa totoo lang ang dami kong kaklase nu'ng first year na nagshift sa ibang department kasi hindi talaga nila makaya 'yung courses sa computer science. Actually totoo 'yun, kahit ako sobrang nahirapan kasi first year ka palang tuturuan ka na mag code at mag present sa harap. Hindi rin kasi gano'n kadali, sobrang hirap hanapin kung nasaan 'yung mali sa ginawa mo, kasi pweding kung anong napaka simpleng symbol 'yung wala.
First year palang ako umiiyak na ako sa programming no'n, kaya hindi ko alam kung hanggang saan aabutin ng pasensya ko 'yung course na 'to. Pero kahit na gano'n, ipu-pursue ko parin 'to hanggang sa makapagtapos ako.
Ilang minuto pang paglalakad ay nakarating na ako sa gate ng university namin. 7:30 palang ng umaga. 8 start ng klase ko at mag i-end ng 11. Tapos pasok uli ng 2 at end ng 3. Pangit nga ng schedule namin e. Minsan hindi pa kami mini-meet ng profs namin, kaya nakakatamad pumasok.
Tahimik parin akong naglalakad sa hallway ng department building namin. Hanggang sa makarating na ako sa ikaapat na palapag at sa room ng section ko. Agad kong tinungo 'yung upuan ko tsaka agad ding naupo. Kaunti palang din 'yung mga kaklase kong nandito na sa loob.
Actually kakaumpisa palang ng klase ngayong school year. Bale second week palang ng September kaya hindi ko pa masyadong kilala mga kaklase ko. 'Yung kaibigan ko kasi nu'ng first year e nag shift sa education kasi mas madali raw do'n sabi ng kakilala n'ya. Wala rin naman akong kaklase dati na nagti-take ng course na 'to. Pero nasa 37 'yung bilang naming lahat sa section na 'to kasi nasa city ako nakatira.
Napatingin ako sa relo ko.
Malapit na mag 8.
Huminga akong malalim tsaka bumaling sa bintanang nasa tabi ko lang para tanawin 'yung malawak na soccer field na may ilang mga estudyante.
Computer Networks 'yung first subject namin. Hindi ko masyado trip. Lalo na 'yung prof namin sa subject na 'yon. First day na first day prinessure agad kami sa mga mapag aaralan namin sa subject na 'yon. Samantalang 'yung iba naman naming subjects ngayon palang mag uumpisa kasi hindi kami na-meet agad. May subject pa kaming Discrete Mathematics, pero mabait 'yung prof kaya carry ko pa. Pero sa subject na Introduction to Cryptography ako interesado, doon talaga ako naka focus. Overall, susubukan kong sabayan lahat.
Napatingin ulit ako sa relo ko. 8:05 na, wala pa 'yung prof. Pero hindi aabsent 'yon. Babae s'ya tsaka napaka pormal ng dating. Strict din kasi kaya mas lalong nakaka-pressure.
Maya maya pa'y dumating na s'ya. Kaya naman lahat ng mga kaklase ko ay naupo na sa mga kan'ya kan'ya nilang proper seat.
"Good morning Class." Bati nito.
"Good morning ma'am." Sabay sabay naming bati pabalik.
"Last week, we started tackling the first lesson of this subject which is the Introduction to Computer Networks." Umpisa n'ya habang naglalakad lakad sa harapan. "We also discussed about its definition, and their importance." Tumigil s'ya tsaka tumingin sa aming lahat.
Bahagya kaming nakikinig lahat.
"Can someone give me the definition of Computer Networks? Kung may nakinig ba sa discussion last week?" She asked.
At ayan na nga. Nag umpisa na s'yang magpasagot.
Great. It's only 8:10 in the morning . Unang subject pressure agad.
Well hindi naman mahirap sagutin 'yung pinapasagot n'ya, ang mahirap para sa akin e 'yung tumayo at magsalita. Kahit alam kong tama 'yung sagot ko e pakiramdam ko mali parin. Tsaka isa pa wala pa akong kilala rito. Kilala ko sila sa mga mukha nila pero hindi ko alam kung anong mga pangalan nila.
"Anyone? Without looking at the internet or in your notes?" She asked again.
Napatingin kami sa kaklase naming nagtaas ng kanang kamay.
"Mr?.. What's your name again?" Our prof asked.
"Zion ma'am." He said.
"Okay Mr. Zion, can you explain what's Computer Networks?"
Tumango 'yung Zion. "A computer network refers to a collection of interconnected devices, such as computers, servers, routers, switches, and other network-enabled devices, that are linked together to facilitate communication, resource sharing, and data exchange." He exhaled. "It enables the sharing of information and resources among multiple devices, allowing users to communicate, access shared data and services, and collaborate effectively." Nag pause s'ya saglit. "Ayon lang po ma'am." Tsaka naupo.
Nginitian s'ya ng prof namin. "Very good Zion."
Sinulat ni ma'am 'yung simplest definition ng Computer Networks sa whiteboard tsaka humarap ulit sa amin.
"Ngayon na alam na ulit natin 'yung meaning ng Computer Networks, sino namang makapagbibigay ng importance nito? Can you give me one from what you've learned last week?"
Gara naman ng guro na 'to, 'di nauubusan ng ipaparecite e.
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mystery / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...