Kakatapos lang ng last subject namin, pauwi na rin ako. Pero hanggang ngayon iniisip ko parin 'yung bagong teacher kanina sa faculty. Kung kausapin n'ya kasi ako parang magkaibigan lang kami, o hindi naman kaya'y magka-edad. And for some reason, habang natagal pag uusap namin e nagiging komportale ako.
Nalaman ko ring malayo s'ya sa lugar kung saan nakatira 'yung parents n'ya tapos tumutuloy lang s'ya sa apartment ngayon dito sa syudad. Pero hindi dahil sa trabaho ba't s'ya lumayo, pinalayas daw s'ya mismo nu'ng bagong asawa ng nanay n'ya at pinanindigan n'ya naman.
Hindi ko alam kung dapat nga ba akong malungkot o ano.
Patuloy lang ako sa paglalakad. May mga nakakasabay ding ibang estudyante na nauwi galing sa school.
Kinuha ko 'yung phone ko mula sa bag ko tsaka binuksan.
Kumunot naman 'yung noo ko. May message.
Enigma (1)
Oh it's Ascen.
Pinindot ko naman 'yung message.
Enigma 06/18/23
Xanthe.
Agad ko namang pinatay 'yon tsaka binalik sa bag ko.
Unang tingin palang sa message n'ya alam ko na agad ibig n'yan sabihin. Tsaka alas tres palang naman ng hapon. Wala rin naman si kuya.
Umiba ako ng direksyon ng daan papasok sa computer shop na pagmamay-ari nila Ascen. Nginitian ko lang 'yung bantay bago umakyat sa ikalawang palapag ng shop.
"Hi Gwyn!" Masiglang bungad ni Rune.
Nadatnan ko silang dalawa na nakaupo sa mga sofa rito sa taas.
Naupo na rin ako. "Hi." Bati ko pabalik. "Anong mero'n?" Tanong ko.
Tsaka akala ko bukas pa kami magkikita kitang tatlo e.
"Wala lang. Namiss ka ata ni Ascen-aray!" Hinagisan s'ya ng unan ni Ascen. "Nambabato agad e, ako kako namiss ko si Gwyn." Bawi n'ya tsaka umirap.
"Dumbass." Rinig naming bulong ni Ascen. "I just wanna ask if how's the phone I gave you." He then said.
"Oh, it's working well. Thanks." Sabi ko.
Ayon lang ba? Pwede na ba akong umuwi? Pwede n'ya namang i-text nalang kasi 'yon e.
"Good." Simpleng sabi n'ya.
Tumahimik kaming lahat. At parang pinapakiramdaman ang isa't isa. Nakakailang. Gusto ko na umuwi pero kararating ko lang naman. At parang hindi pa nila ako papauwiin, kasi kung oo, kanina pa ko sinabihan ni Ascen na umuwi na. Pero nasa utak ko rin na what if kaya ako pinapunta rito at hindi nalang minessage e kasi may iba pang sasabihin bukod do'n.
"Nakarating na rin ba pati sa section n'yo 'yung chismis na may inangkas akong babae Gwyn?"
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Rune. "Buong school nga ata alam 'yan." Sagot ko.
Napatawa s'ya. "Tama ka d'yan. Kaya nga ang hirap kong makahanap ng girlfriend kasi pag nalaman ng lahat e baka pagpiyestahan nila 'yung babae." Sabi n'ya. "Hirap talaga maging pogi."
Yabang din talaga ng taong 'to. Alam naman naming pogi s'ya, pero grabe na kasi 'yan. Gandang kutusan e.
"Big headed jerk." Ascen said.
"Ikaw Ascen namumuro ka na a, kahit naman ikaw hindi mo maikakailang pogi ako." Sabi naman ni Rune.
"Not as handsome as me though." Mahinang sabi ni Ascen pero sapat na para marinig namin.
Sumigla naman 'yung mukha ni Rune tsaka tumayo sa sofang inuupuan n'ya at lumipat sa tabi ni Ascen tsaka s'ya inakbayan.
"Ayan ang gusto ko Ascen, dapat ipagyabang mo rin kapogihan mo."
Marahas na inalis ni Ascen 'yung braso ni Rune na nakadantay sa balikat n'ya. "Don't wanna."
Nalukot naman buong mukha ni Rune tsaka bumalik sa inuupuan n'ya kanina. "Mean." He said. "Nga pala Gwyn, ano namang nafi-feel mo na usap usapan ka na ngayon?" Tanong n'ya.
"Wala lang, pero konti nalang mapipikon na." He pouted. "Joke lang." Bawi ko.
Okay lang naman sa akin, as long as hindi nila malaman na ako 'yon. Kasi una sa lahat ayokong makilala ng lahat, alam kong baka isipin ng iba e malandi ako, lalo't hindi naman kami pareho ni Rune ng estado sa buhay. Tsaka ayoko ring nagiging center of attention. Baka pag nakarating nga kay kuya na ako 'yon e sugurin n'ya bigla si Rune.
"What if ipagsabi ko na ikaw 'yon Gwyn?"
Napadaing s'ya sa biglang pagbato ulit ni Ascen sa kan'ya ng remote. "Don't get her in trouble." Ascen said. "I might kick your ass." Banta n'ya.
"Nagbibiro lang naman, tsaka kung maging kami nga ni Gwyn e ilolowkey ko lang s'ya kasi baka agawin sa akin, ang ganda e." Kinindatan n'ya pa ako.
Jusko po. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa taong 'to. Kung kikiligin nga ba, maiilang, o maiinis. Nakakailan na s'ya sa akin e. Hindi ko rin malaman kung nagbibiro lang ba o seryoso.
"Stop dreaming Rune. It's not like she's going to like you back." Sabi ni Ascen habang gumagamit ng phone.
"Sus baka naman nagseselos ka?"
Walang umimik.
Binato ni Rune ng unan si Ascen. "Gusto mo si Gwyn 'no?"
Tinitigan s'ya ng masama ni Ascen. "I only met her days ago, don't get the wrong idea." Ascen said.
Tama s'ya ro'n, tsaka 4th year na si Ascen. At narinig ko rin nu'ng nakaraan na hindi pa s'ya kailanman nagkakaroon ng girlfriend, allergic din sa babae. Kaya malabo 'yon.
Epal kasi 'tong Rune na 'to.
"E bakit ako gusto ko agad si Gwyn?" Tanong n'ya.
"Chick boy ka e, wag mo ko itulad sayo." Napipikon na sabi ni Ascen.
Kaya naman pala.
No wonder puro s'ya banat.
"Wag kang maniniwala sa kan'ya Gwyn, loyal ako." Pangungumbinsi ni Rune.
"Stop that Rune, go get some snacks and drinks before I kick you out of here." Banta nanaman ni Ascen.
Inis na tumayo si Rune. "Okay boss." Sabi nito tsaka naglakad pababa ng hagdan.
Mas lalo akong nailang ngayong dadalawa nalang kami rito ni Ascen. Gusto ko na talagang umuwi.
"Sorry about him." He said.
Inayos ko 'yung pagkakaupo ko. "Okay lang, nasasanay na rin ako." Sabi ko.
Tumango s'ya. "I also want to ask you something, okay lang wag mo sagutin kung hindi ka komportale."
"Sige lang."
Hindi ko magawang tumingin sa kan'ya ng diretso, hindi ko alam kung bakit.
"Gusto kong malaman kung okay ka lang bang nakakasama kami ni Rune."
Napatingin ako sa kan'ya, na ngayo'y nakatingin na rin sa akin.
Hindi ako nakaimik agad.
"Kung okay lang ba sayo na kinukuha namin oras mo habang kasama mo kami." Dagdag n'ya.
Nag iwas ako ng tingin. "Okay lang, hindi ako nabobored pag nandito ako, tsaka isa pa, tinutulungan n'yo akong mabawi phone ko." Sagot ko.
"Then.....that's good." He said. "And don't hesitate to ask help from me or Rune, sa acads mo, or even anything."
Tumingin ako sa kan'ya habang sinasabi n'ya 'yon pero s'ya naman ang nag iwas ng tingin.
"Sure. Thanks."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Bí ẩn / Giật gân"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
