CHAPTER 82: THE ENCRYPTION

40 10 0
                                        

ASCEN'S POV

I'm really sad and angry of what happened to Xen. Sana pala sa rooftop palang nagka idea na ako kung anong gusto n'yang ipahiwatig do'n. Akala ko may kung anong kagaguhan lang pumasok sa utak n'ya, kaya n'ya natanong 'yon. 'Yun pala 'yon na huli naming pag uusap.

Nakakainis.

Lalo ngayon na nalaman ko kung sino talaga s'ya. Hindi ko iniexpect lahat.

"Sa computer ng school n'ya kaya iniwan 'yung encryption?" Tanong ni Rune.

"Not sure about that." I said. "Baka nand'yan lang 'yan kung saan." Dagdag ko pa.

Pero wala talaga akong ideya kung saang device n'ya pweding iwan 'yon. Kung sa email ko sana ulit edi sana kanina pa ako may natanggap. Gano'n din kay Rune. Pero wala e. But wait—

"Gwyn." Pagtatawag ko ng pangalan n'ya.

"Bakit?" Tanong n'ya. Nakatingin na s'ya sa akin ngayon.

"Dala mo 'yung nahack mong phone?" I asked.

"Yes, all the time." She answered.

"Good." Agad akong tumayo papunta ulit sa harap ng computer tsaka binuksan 'yon.

I'll try hacking Xen's phone. Kahit sinabi n'yang wala kaming makukuha ro'n. Tsaka isa pa, hindi naman ako gano'n katanga e, kilala ko si Xen. Matalino s'ya.

I heaved a deep sigh before starting.

I embarked on the intricate process of exploiting vulnerabilities in the phone's security systems. I also utilized my expertise in programming, networking, and cybersecurity to identify weak points, such as outdated software, unsecured connections, or potential entry points through malicious apps or phishing techniques.

Tsaka ko ginawa pa 'yung ibang dapat gawin para magkaroon ng unauthorized access sa phone n'ya.

And after minutes of going through my computer, I now got access. The thing is, parang walang kung ano rito. It's all white, nothing unusual. Wala ring kahit anong apps, or everything, just nothing. That jerk. Does he even use his phone if it's like this? Or he deleted this before he dies—

"IT OPENED!"

Napatingin ako kay Gwyn.

"My phone opened!" She exclaimed. Masigla itong lumapit sa akin, tsaka iniabot 'yung phone n'ya.

Lumapit na rin si Rune.

"That g*ddamn Xen." I cursed. "So he's the one who hacked your phone." I said.

"Hah? Bakit? Tsaka paano?" Takang tanong ni Gwyn.

"Naaalala mo 'yung sinabi namin dati ni Ascen?" Umiling si Gwyn sa tanong ni Rune. "Kapag nahack namin 'yung phone ng nanghack sayo, mabubuksan 'yan." Sabi n'ya.

And he's right about that.

"Why would he do that?" Tanong ulit ni Gwyn.

"That's the thing that we don't know."

"I know." Sabi ko. "He just randomly hacked someone's phone and secured the encrypted file there that'll lure the Codex."

"So nasa phone ni Gwyn 'yung file na tinutukoy n'ya?" Tanong ni Rune.

"Yep, look." Tinaas ko 'yung phone ni Gwyn. "There's only one file in it. And we still need to open this bago maretrieve ni Gwyn lahat ng accounts and informations n'ya rito." Sabi ko.

"Is that a coincidence or mas nauna n'yang nakilala si Gwyn kesa sa atin?" Takang tanong ni Rune.

"Tsaka ko lang nakilala si sir Xen ilang araw matapos mahack 'yung phone ko." Sabi ni Gwyn.

"Malay mo kilala ka n'ya pero hindi mo s'ya kilala." Rune said.

"I doubt that." Gwyn.

"I think we'll know the answer if we opened it." I said.

"Pero paano bubuksan 'yan?"

I clicked it.

"There's no text document? Paano malalaman kung anong algorithm ang gagamitin or even the key? Ano namang idedecrypt d'yan? Hula hula nalang?" Nagtatakang tanong ni Rune.

Tama s'ya. Paano gagamitan ng algorithm—

"Wala kang kahit anong algorithm o pattern na gagamitin. Gusto kong isipin mo 'yung taong tingin mo'y nagugustuhan mo, at pag tumama 'yung sagot mo at nabuksan mo 'yung file, 'yung sinagot mo ro'n ay 'yung taong s'ya ring tinutukoy ko."

"Paano kapag wala akong nagugustuhan? Hindi ko alam 'yung pakiramdam nang nagkakagusto sa iba. At alam mong hindi ako interesado sa mga nakapaligid sa akin."

"Hindi ako sigurado d'yan Ascen. Sabihin na nating hindi mo pa alam, kasi nga hindi ka pamilyar sa nararamdaman mo. Pero sure ako na sa mga oras na 'to, may nilalaman na talaga 'yung puso mo and you can't argue with me about that. Mas may alam ako kaysa sayo. This time I want you to look through your heart Ascen."

Oo nga. I suddenly remembered what he said to me.

'Yung password ay pangalan ng kung sinong tao na gusto n'ya para sa akin. At 'yung taong tingin ko'y nagugustuhan ko rin. Kainis. Paano ko naman malalaman kung sino 'yon? Hindi naman pweding basta basta nalang akong manghula rito. Nakakabaliw isipin na sa akin nakasalalay 'yung susi para mabuksan 'to knowing na mababa 'yung chance na mabuksan ko.

Hindi pa ako nakakaramdam ng pagkahulog sa kahit kanino—hindi ko alam. Paano ko malalaman kung hindi naman ako pamilyar sa mga nararamdaman ko? Oo marami nang nagbago sa akin simula nu'ng pinapasok ko si Gwyn sa circle namin ni Rune. Pero hindi ko naman matukoy kung ano paring nararamdaman ko. Maraming bagong feelings na dumarating sa akin. Lahat ng 'yon hindi ko alam kung paano ihahandle at kung bakit ko sila nararamdaman. Lahat bago sa akin. Kaya paano?

"This time I want you to look through your heart."

What does he meant by that? Dahil ba puro utak ko nalang pinapagana ko? Eh 'yun naman 'yung tama. Without it I can't think well. Lahat ng desisyon ko pumapalya kapag hindi ako nakapag isip ng maayos. Kaya paano ko naman pagaganahin 'yung puso ko? I'm always numb. That's why I'm not familiar of feeling things.

Sumasakit na 'yung ulo ko kakaisip.

"It says only one attempt." Rune said. "That mf really likes one attempts." He complained.

'Yan 'yung isa pang problema ko, kapag nagkamali ako wala na. Hindi ko na mabubuksan.

Kailangan bang mag take time muna ako hanggang sa makilala ko na? Hindi. Kailangan ko nang mabigyan agad ng hustisya 'yung pagkamatay n'ya at para matigil na 'yung mga masasamang gawain ng Codex. Pero gago, paano nga? Sino ba kasi 'yung tinutukoy n'ya? Is it someone we both knew?—

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon