"Come closer Gwyn." Aya ni Ascen na nasa harapan ng computer. "You too Rune."
"Yes sir." Agad namang sabi ni Rune na ngayo'y kumakain ng kung ano ano.
Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo tsaka naglakad palapit kay Ascen at nanatili sa likod n'ya.
"We're going to dive." Ascen said.
Kinilabutan naman ako sa sinabi n'ya. Tsaka ako napahinga ng malalim. Heto na. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, lalo't alam ko sa pagtapak dito ay malalagay sa panganib buhay ko. Pero okay lang, kaya kong mag take risk para mabalik lahat ng nawala sa akin. Tsaka isa pa, kampante naman akong hindi ako pababayaan nitong dalawa. Sana nga.
"Focus guys, lalo ka na Gwyn." Ascen said.
"Yes." Nanginginig kong sabi.
Natatakot parin ako, sobra. Naghahalo 'yung mga nararamdaman ko ngayon, takot at determinasyon. Hindi ko alam na sa simpleng pagkawala ng mga nilalaman ng phone ko e kinakailangan kong malagay sa sitwasyon na 'to.
Tahimik lang naming pinagmamasdang si Ascen na mabilis na tinitipa 'yung mga keyboard. I can't help but be amazed because of that. Sobrang bilis talaga ng mga daliri n'ya na halos hindi n'ya na tignan, naka-fix lang talaga 'yung mga mata n'ya sa screen. Napaka alerto rin n'ya sa bawat pag pasok n'ya sa mga site at sa mga kung ano anong nag ppop up sa screen n'ya.
"Aight Gwyn, we're about to enter the dark web."
I heaved a very deep sigh.
"Kailangan nating i-access 'yung site na may mga illegal informations." Ascen added.
"Is that the Codex or the other one?" Asked Rune.
"Codex." Ascen answered.
Halatang sanay na silang dalawa, samantalang ako kinakabahan dito, kanina pa ako nanginginig at anytime pweding pagpawisan ng malamig.
Tahimik parin akong nanonood sa kan'ya. Hanggang sa biglang nag flicker 'yung buong puting screen at tanging 'yung cursur lang 'yung naiwan na nagbblink din, pero hindi naman s'ya nabahala dahil do'n na parang normal lang.
"Welcome to the Codex." Ascen calmly said, halos pabulong na at hindi marinig. "Nakapasok na tayo." Dagdag n'ya na mas lalong nakapagbigay ng takot sa akin.
Pero hindi pa ro'n nagtatapos, biglang may mga nagpakita pang strange symbols na nagkakalat sa screen na parang 'yung nangyari sa phone ko nu'ng na-hack. Parang may glitch at kung ano ano pang effects 'yung mga symbols dahilan para hindi na makilala.
"This is what we call an encryption." Rune said. "Normal nalang 'yan na nagpapakita kapag may pinasok kang illegal site." Sabi pa n'ya.
Napatango naman ako sa sinabi n'ya, hindi inaalis ang mga mata ko sa screen. Hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko.
"Codex: Revealing the Unknown." Pabulong kong basa habang nanliliit ang aking mga mata.
"We need and access to this." Ascen said. "Or decrypt the file."
Kinakabahan akong nanonood kay Ascen na mabilis na nagtatype. Kung ano ano ring combination ng letters and numbers 'yung nakikita kong nilalagay n'ya sa blank space para mabuksan 'yung file.
"Damn it, there's an encryption inside an encryption." Ascen cursed.
"There's a link beside it tho." Rune said, pointing the link. "Maybe that's a trap or something we shouldn't click." He added.
"Who knows." Ascen said.
Imbes na i-click 'yung link na naka highlight sa tabi ng lock icon ay may pinindot si Ascen na kung ano sa ibang parte ng screen at may nagpakitang invisible link.
"Smart ass." Napangisi si Rune.
Hindi nagdadalawang isip na pinindot ni Ascen 'yung link at bigla ulit nag transform 'yung screen. This time hindi lang strange distorted symbols 'yung nalitaw kung hindi pati na rin weird icons, encrypted files, at kung ano ano pang bago lang sa paningin ko.
"That's a cringe looking logo. They should hire professional graphic designer for that." Pansin ni Rune. "Making a skull logo is very overrated, plus ang pangit pa ng color combinations lalo sa text."
Grabe rin talaga 'tong taong 'to, lahat nalang napapansin e.
Hindi naman umimik si Ascen tsaka pinindot 'yung tinutukoy ni Rune na logo. Nag iba ulit 'yung mga nagpakita sa screen pagkatapos ng mabilis na pag flicker nito.
"Nakakainis talaga 'yang flicker effect na 'yan, nakakasira ng mata." Reklamo ulit ni Rune.
Sobrang natatakot na ako rito tapos s'ya nagagawa pang pumansin ng kung ano ano para itama e.
"It's their chatroom."
Napatingin ako sa screen. Para s'yang group chat sa messenger pero ang kaibahan dito ay hindi mo mababasa 'yung mga shared chats nila, lahat encrypted. Pati mga usernames at profiles, anonymous din lahat.
"You should decrypt their messages one by one." Rune said.
"Nope, that is already too much work. We need to focus more on the core of Codex." Sabi naman ni Ascen.
"Malay mo, they're talking about it, and we can get more informations." Rune.
"They're not dumb to discuss that in such chatrooms. Surface palang 'to page nila Rune." Ascen.
"Okay boss sabi mo 'yan e." Pasukong sabi ni Rune.
Palalim na nang palalim 'yung pagpasok namin sa page ng Codex. Parang paikot ikot at paulit ulit lang kami sa mga ginagawa namin.
Napatakip naman ako bigla sa mga mata ko at napatalikod.
"Gross." Rune said. "Hindi ko parin talaga maimagine na kaya nilang gawin 'yan sa kapwa nila tao."
Tama s'ya. May mga pictures kasi na nalutang sa screen mula sa file na binuksan ni Ascen. Mga pictures ng mga tao na hindi na makilala sa dami ng sugat, hindi lang 'yon, nakabukas na rin 'yung katawan nila at nakalabas 'yung mga organs. May mga pictures din ng mga hubad na babae na pinapalibutan ng mga lalaking naka mask at may hawak na kung ano anong klase ng patalim, 'yung iba nakasaksak pa mismo sa katawan ng victim nila.
Nakakatakot.
"You okay Gwyn?" Tanong ni Rune. "It's gone by the way."
Dahan dahan kong binaba 'yung mga kamay ko tsaka bumalik sa panonood kay Ascen.
Plain white nanaman 'yung screen at may lock icon nanaman sa tabi nu'ng logo ng Codex at kailangan ulit i-type 'yung password para mabuksan 'yon.
"Great, we only have 1 attempt in typing the password." Rune said. "We can't just decrypt this, there's nothing we can do except guessing the correct password." He added.
"X." Biglang sabi ni Ascen.
"Huh?" Takang tanong ni Rune.
"X is the only one who have the key to this." Ascen answered. "S'ya lang may alam kung anong clue ng password nito."
"Edi sana s'ya nalang mag lure sa Codex." Rune said.
"He said it's not part of his work."
"Sus ang sabihin n'ya takot lang s'yang mapatay nu'ng namumuno ng organization na 'yon."
"Just stop making assumptions Rune, alam mong he can't spread fake news about himself." Patuloy lang sa pag pindot si Ascen. "Susubukan kong ilagay 'yung password sa naunang encryption."
Makailang tipa pa sa keyboard ay biglang nag flicker ulit 'yung screen pero this time may kasama nang logo. Ilang minutes na nanatiling gano'n 'yung screen ni Ascen hanggang sa kusa itong nag cancel na napunta sa desktop home.
"Damn it."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Misterio / Suspenso"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
