CHAPTER 62: FOREST CRIME

70 10 0
                                        

XEN'S POV

Naagaw ng isang babae 'yung mga atensyon naming naiwan dito sa camp site. Halatang pagod s'ya dahil sa pagtakbo.

"Oh anong nangyari? Magsisix palang ha, bakit bumalik ka na agad?" Tanong sa kan'ya ng co prof ko rito.

"S-sir...may ano po..." Nanginginig at nauutal n'yan sabi.

Nag umpisa naman kaming mabahala sa kan'ya.

"Ano 'yon iho? Sabihin mo." Lumapit na rin 'yung iba pang nandito sa kan'ya kasama ako.

"May p-patay po."

Napalunok ako.

"Seryoso ka ba? Hindi magandang biro o prank yan kung sakali." Sabi nung isang prof.

Agad namang umiling 'yung estudyante. "Hindi po sir, nagsasabi po ako ng totoo. Marami na po kaming nakakita at nando'n po sila sa bangkay."

Nagkatinginan kaming lahat tsaka mabilis na kumilos. Lumapit din ako sa prof na nag ooperate ng locations ng students hanggang sa loob ng forest na naabot lang ng range.

Ilang mga red dots 'yung nasa iisang lugar lang, at 'yung mga iba pa ay pakalat kalat parin sa loob ng gubat.

"Let's move."

Pagkasabi no'n ng isang prof ay dali dali kaming pumasok sa gubat para puntahan 'yung pinangyarihan ng pagpatay.

Now what the hell is happening? Mukhang puro mamamatay tao na nag aaral sa pinagtuturuan kong uni? Akala ko matatapos na sa comfort room 'yung mga ganitong crime, pero hindi pala. Hindi ko iniexpect na aabot pati rito.

Lalo ring nakakabahala kasi malayo kami sa syudad kung saan pweding humingi ng tulong. Wala ring maayos na signal dito kasi nga gubat. Talagang mahihirapan ka tumawag sa iba.

Ilang minuto pa ng mabilis na pagtakbo at paglakad ay natatanaw na namin 'yung mga magkakasamang estudyante sa iisang lugar.

At sa isang alam kong dahilan, kinakabahan na rin talaga ako.

"What happened?" Agad na tanong ng isa naming kasama pagkalapit namin sa crime scene.

Wala nang malay. Babae at may dugo na nanggagaling sa ulo nito. Based sa posisyon n'ya ngayon na nakasandal sa puno ay maaaring bago s'ya iniwan nung pumatay sa kan'ya e inayos muna s'ya. Kung gano'n nga, may possibility na madali lang matutukoy kung sino 'yung suspek kasi may maiiwang bahid ng dugo sa kan'ya. Not if nagpalit s'ya ng damit o hindi naman kaya'y naghugas.

"Sino unang nakakita?"

Nagtaas ng kamay 'yung isang babae. "Ako po, pero pagdating ko po rito wala na po talaga s'yang buhay." Sagot n'ya.

"Sumunod na rin po kaming nakakita tapos hindi na po umalis dito." Sabi naman ng isa pa.

"Sir she's my student." Sabi ng isang prof na kasama namin. I don't really know who they are.

"What do we do sir? Malayo tayo sa city." Nababahalang tanong ng isa pang prof.

"Gather all the students!" Sagot nung prof na namatay. "All the students that are here will stay, maghahanap kaming mga prof n'yo!" Sigaw n'ya pa. "But sir Xen will stay to check on you."

Hindi na ako tumutol pa.

Tsaka n'ya ako nilapitan. "Tignan mo kung may aalis sa kanila, suspiciously. At wag mong hahayaan." Pabulong n'yang bilin sa akin.

"Yes sir." Sagot ko.

Tinanguan n'ya ako. "Let's move."

Pagkasabi n'ya no'n ay naghiwa hiwalay na 'yung mga professors. 'Yung mga kasama ko namang naiwan dito ay mababakasan na ng takot at kaba. 'Yung iba ay nakatitig lang sa walang buhay na estudyante samantalang 'yung iba ay nakaupo lang sa paanan ng mga puno. Nakabukas na rin 'yung mga flashlights ng phones nila since 6 pm na.

Kung malakas tama sa ulo 'yung dahilan kung bakit namatay 'to, pweding inuntog s'ya sa maling bato o malakas na pinukpok mismo ng bato sa ulo.

Naagaw naman ng atensyon ko 'yung nasa tabi ng bangkay. It's a box. Bukas na rin ito pero hindi pa nakukuha 'yung charm.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo malapit sa bangkay. Wala na rin akong makitang ibang clue para masolve 'tong case. Hindi ko rin makita 'yung bato na ginamit sa pagpatay kung sakaling bato nga. Kung puno naman, wala kong nakikitang bakas dito sa pinagsandalan sa kan'ya. At kung sa mga punong nandito, mahihirapan pa kaming i-check isa isa.

Bigla naman akong may naalala. Shit si Gwyn.

Agad kong inilibot 'yung paningin ko sa mga nandito para hanapin s'ya pero wala akong nakita. Naman. Sana mahanap s'ya at makabalik na rito. Hindi ko gugustuhing mawala s'ya kung sakali. Sana isa s'ya sa mga red dots na nakita naming pakalat kalat sa screen kanina. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya.

Tsaka sinong tanga rin magpapa activity hanggang gabi? Tsaka wala ring silang nilagay na trace pabalik sa site bukod sa string na kinabit namin, na malabo ring maisip pa ng ibang mga estudyante na gawing track 'yon para makabalik. Sobrang lawak ng gubat, kahit hindi ka lumagpas sa limit na nilagay e maliligaw ka parin dito. Sobrang kampante ng mga professors na makakabalik ang lahat, kahit sabihin na nating iniisip nga nila 'yung lagay ng mga estudyante, e hindi naman sila gumawa ng paraan para mas masigurado 'yung safety ng lahat.

Pero Gwyn, sana okay ka lang. Ayokong may mangyaring masama sayo lalo't nagsisilibi kang dahilan sa pagbabago ni Ascen. Kung sakali, mayayari ako. Pero hindi ko sinasabing dapat hindi nila s'ya sa akin ibinilin, kasi kahit hindi s'ya ibilin sa akin e gagawin ko parin lahat para mabantayan s'ya rito at sisisihin ko parin sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya. Bilang professor at kaibigan.

Kaya please lang, sana safe s'ya at maibalik din dito.

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako naglalakad at hindi matigil. Pabalik balik sa iisnag direksyon habang nag iisip ng malalim.

Sa ngayon hindi 'yung crime nasa isip ko, si Gwyn lang talaga. Gusto kong masigurong maayos lagay n'ya ngayon at wala sa panganib. Gabi na. Maraming possible chances na pweding mangyari sa kan'ya sa loob ng gubat lalo't madilim na at bahagya na makita 'yung paligid. Tsaka knowing na may namatay na isa sa kanila. At kung sakaling wala pa rito 'yung suspek, mas lalong madadagdagan 'yung possible chances na 'yon na mapahamak si Gwyn.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon