CHAPTER 20: COMFORT ROOM CRIME

43 9 0
                                    

Monday, June 19, 2023
10:12 am

KASALUKUYAN kaming nasa loob ng room namin ngayon. May iniwan sa aming activity kasi hindi pumasok 'yung prof namin ng 10-11. Ewan kung may natututunan pa iba kong kaklase e, nagka-cut parin sila kahit college na kami. Utak nila parang pang junior high student parin.

"Pabantay, cr lang ako."

Tinanguan ko 'yung seatmate ko, si Kian. Tho hindi pa kami gano'n ka close. Actually last week lang ako nagkaro'n ng courage para itanong anong pangalan n'ya. Kasi ang weird naman kung magiging seatmate ko s'ya for the rest of the semester tapos hindi ko man lang alam kung anong pangalan n'ya.

Itinuloy ko lang 'yung pagsagot sa ginagawa kong activity pagkatapos kong patungan ng notebook ko 'yung papel n'ya para hindi liparin ng hangin.

fw

Kung ikukumpara ko s'ya sa iba kong mga kaklase e madali ko lang masasabi kung ano 'yung pinagkaiba n'ya sa kanila. Tahimik lang s'ya. Ayon lang. Tsaka hindi rin naman ako interested kilalanin s'ya, the fact na hindi naman s'ya umiimik kahit ilang weeks na kaming magkatabi, isa lang mean no'n, hindi rin s'ya interested sa akin.

Tinanggal ko na 'yung pinatong kong notebook nu'ng naramdaman kong dumating na s'ya. Halos 10 minutes na rin agad 'yung nakakalipas.

"G-gwyn."

My brows arched. "Bakit?" Mas lalong kumunot 'yung noo ko nu'ng binalingan ko s'ya ng tingin.

Pinagpapawisan na s'ya ngayon at parang natataranta.

"M-may ano sa cr." Nauutal na rin s'ya.

"Ano?" Naccurious na rin ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari at kung anong nakita n'ya bakit s'ya nagkaganito.

"A-ano."

Natataranta parin s'ya, parang hindi na alam kung ano 'yung gagawin. Mamaya baka mabaliw na 'to, pati ako hindi na mapakali.

"Ano nga 'yon Kian?" Napipikong tanong ko.

Bat kasi ayaw pa akong sagutin? Ano ba kasing mero'n?

Hindi ulit s'ya sumagot at napayuko habang tinatakpan 'yung dalawa n'yang tenga. At kaysa mapikon ulit ay kusa na akong tumayo tsaka naglakad palabas ng room. Naramdaman ko namang tumayo s'ya pero hindi ko na pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

Mabilis ko lang na nilakad 'yung hagdan pababa mula sa 4th floor. 'Yung mga cr kasi namin ay nasa 1st floor o 'di naman kaya'y pakalat kalat lang sa buong university. Kaya matatagalan ka talaga sa pagbaba at pag agyat makagamit lang ng banyo. At sa aming mga 2nd years, mas madalas naming gamitin 'yung nasa tabi ng building hindi gano'n kalayo sa building kung nasaan naroon 'yung room ng section namin. Kasi occupied na ng mga nasa first to third floor 'yung cr sa 1st floor.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa cr na nakahiwalay sa school building namin. Pero bago pa man ako makarating do'n ay may isang lalaki na lumabas mula sa men's comfort room. At nagtaka ako kung bakit kapareho ng reaksyon n'ya 'yung kay Kian.

Agad akong tumakbo palapit sa kan'ya na ngayo'y hindi na mapakali.

"Anong mero'n?" Takang tanong ko.

"May patay sa loob!" Pasigaw na sagot n'ya.

Patay?

Kahit na pinagbabawal na pumasok ang mga babae sa cr ng mga lalaki ay hindi ako nagdadalawang isip na pumasok do'n. At pagpasok na pagpasok palang ay nangilabot na ako sa nakita ko.

Agad akong lumayo sa crime scene palabas ng comfort room.

Saktong paglabas ko ay may mga professors at estudyante na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"STAY AWAY STUDENTS! YOU SHOULD GO BACK TO YOUR ROOMS NOW!" Sigaw nu'ng isang prof pagkakita ng bangkay sa loob.

Akmang aalis na ako at babalik sa silid namin pero bigla akong pinigilan nu'ng isang prof. "You must stay here, lahat ng mga nakakita sa bangkay bago kami dumating ay maiwan muna." Sabi n'ya.

Pinanatili kong kalmado sarili ko.

Pero sinong sira ulo naman ang gumawa no'n?

Anong rason n'ya? Tsaka pansin ko ring estudyante ng computer science 'yung bangkay based sa suot n'yang i.d lace. Pero hindi ko lang kilala kung sino, hindi ko rin alam kung anong year na.

Lahat ng mga kaklase nung namatay ay pinapunta na rin dito, pinatawag din si Kian na sinabi kong isa sa sa mga nakakita. Naiwan din 'yung lalaking nadatnan ko kanina, tsaka ako.

Sunod na dumating ay 'yung mga pulis at iba pang professors mula sa Computer Science.

Pinalibutan na ng barricade tape 'yung crime scene mula sa labas ng comfort room hanggang sa loob. May ilan na rin mga pulis do'n.

"The victim's name is Philip Martinez, 3rd year taking Web Development course." The police from inside said. "Maiwan lang dito 'yung mga huling nakasama n'ya bago s'ya namatay, the rest balik na sa mga rooms n'yo." He said, with authority.

Hindi parin ako kumibo sa kinatatayuan ko at pinagmasdang umalis 'yung iba. Tsaka may naiwang tatlong estudyante rito na kaklase nu'ng Philip.

"Iimbestigahan muna namin saglit 'yung crime scene, manatili lang kayo rito." Utos n'ya bago s'ya pumasok ulit sa loob.

Dahil kay Kian nasangkot ako rito, dapat tahimik lang akong nagawa ng activity sa taas e. Nakakainis. Mula nu'ng na-hack phone ko kung ano anong unusual na nangyayari sa akin. Unti unti na akong namumulat sa madilim na bahagi ng mundo. Hindi ko alam kung dapat nga ba akong matuwa kasi magiging mas aware ako o matakot kasi hindi ko naman 'to dapat nakikita.

"Gwyn!"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Rune.

"You okay? What happened?" Tanong n'ya. "Kaklase mo ba 'yung namatay?" Tanong n'ya ulit.

Wala sa sariling umiling ako.

"Kung gano'n bakit ka nandito?" He asked.

"Isa ako sa mga nadatnan nu'ng mga prof na galing sa loob ng crime scene bago pa nakarating sa kanila 'yung news." Sagot ko. "Naunang nanggaling dito 'yung seatmate ko, kaya nagtaka ako nu'ng bumalik s'yang natataranta kaya tinignan ko rin." Dagdag ko pa.

"Don't worry Gwyn, you're innocent." He said.

Tumango lang ako.

"Who's the victim?" Ascen asked.

"The police said he's Philip Martinez, a 3rd year from Web Development course." Sagot ko.

"He's a student of mine in Web Design and UX." Sir Xen said.

Napatingin naman ako sa kan'ya. Kasama kasi n'ya sina Rune na pumunta rito.

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon