CHAPTER 84: COMPANY

73 12 0
                                        

"There's a note." Pansin ni Rune.

Pinindot ko naman 'yung note para mag fit sa screen.

This note was not here before
-Xen to Gwyn

"What does he meant by that?" Takang tanong ni Rune.

"Who knows." I said.

Pinagpatuloy naming binasa ng tahimik 'yung mga sumunod na nakasulat.

Pasensya ka na Gwyn kung cellphone mo pa napili ng device ko na ihack. And yes, hindi talaga ako aware na sayo 'tong phone, and even tho, hindi parin naman ako mag aabalang tanggalin kasi hindi pa naman kita kilala dati. Not until when you reached out to me sa faculty room para magpagawa ng student email. At nu'ng malaman ko buong name mo, hindi ako agad nabahala kasi nga hindi naman kita close. Pero nu'ng nalaman kong kaibigan ka nila Ascen, kinonsensya ako. Naisip kong ibahin 'yung phone na ihahack ko kaso naisip ko ring advantage na 'yon para gumawa ng move since nakita kong napalapit na sayo 'yung dalawa at gusto ko ring tulungan silang burahin ang Codex. Hindi ko na sasabihin kung ano 'yon, basta sorry. And thank you sa pagtitiis hanggang sa mabuksan n'yo 'to. Hindi na bale, kapag nakita n'yo na 'yung nilalaman ng file, mababalik na rin lahat ng nilalaman ng phone mo. Pero sorry parin Gwyn.

"Hindi na dapat s'ya humingi ng tawad." Biglang sabi ni Gwyn dahilan para mabasag 'yung katahimikan. "Kung tutuusin, s'ya rin naging dahilan kung bakit nakilala ko kayong dalawa."

Biglang nag sink in sa akin 'yung sinabi n'ya. Oo nga. Kung hindi n'ya hinack 'yung phone ni Gwyn e hindi ko s'ya makikilala. Wala sana kami rito ngayon. Hindi ko sana nararamdaman 'to.

"Nakakamangha 'yung tadhana nating apat. Parang simula palang konektado na tayo sa isa't isa." Sabi naman ni Rune.

Gusto kong tignan 'yung reaksyon ni Gwyn ngayon. Pero alam kong baka bumilis nanaman 'yung tibok ng puso ko, lalo at ang lapit n'ya lang sa akin.

Huminga akong malalim, tsaka iniscroll up 'yung note, at sa hindi ko inaasahan ay mero'n pang kasunod. And it's for me.

Ascen, dahil nabuksan mo 'to, sure ako na alam mo na rin kung anong nararamdaman mo. At alam mo na rin kung sino 'yung tinutukoy ko.

Gusto kong kahit anong mangyari wag na wag mong susukuan 'yan. Gusto kong hanggang dulo e makita ko parin kayong magkasama.

Kung nagbabasa ka rin ngayon Rune, wag ka nang magtanong kung anong ibig kong sabihin, bahala ka na kung paano mo malalaman kay Ascen. Tsaka dapat may idea ka na rin kung anong tinutukoy ko e.

"Aba gagong Xen 'yon ah. Lakas ng loob sabihin na dapat may idea na ako e hindi ko nga alam ano pinagsasasabi n'ya d'yan. Tingin n'ya ba pareho kami ng utak?" Reklamo ni Rune. "Gara naman mamatay n'yan, imbes na malungkot 'yung mga taong maiiwan n'ya e pasasakitin n'ya pa 'yung ulo."

"Pwede ba Rune manahimik ka nalang, pati sa patay nagrereklamo ka." Paninita naman ni Gwyn.

"Biro lang e." Bawi naman agad ni Rune.

Now that you guys already opened this, be sure to remember everything. And oh, hindi pa nagtatapos lahat ng sasabihin ko. Nu'ng una password lang nakalagay rito sa encrypted file na 'to, pero ngayon hindi na. May idinagdag akong iba na alam kong makakatulong sa inyo.

Kaya ako pinatay ni Lenard kasi nalaman n'yang natuklasan ko 'yung binabalak n'ya.

Ascen, Rune, at Gwyn. You guys should ready. Hindi ko alam kung anong binabalak n'ya pero sinabi n'ya sa akin na may gagawin s'yang hindi maganda at alam kong puntirya kayong tatlo. Natatakot akong mangyari 'yon kaya 5 days ago nu'ng nalaman ko, sinubukan kong pasukin 'yung organization. At marami akong codes and encryption na nakuha, pero hindi ko alam kung para saan. Ilalagay ko nalang lahat ng 'yon dito sa file kaya dapat kabisaduhin n'yo. Kapag nakuha n'yo naman na 'yung key dito, pasukin n'yo na agad 'yung organization at kumuha ng mga copies ng mga illegal doings nila na s'ya n'yong isusuko sa mga pulis. Even their identities. At para hindi kayo mahuli, you should put all of that inside an empty file na kasama ng file na 'to, so that they'll see that it's mine.

Ayokong may mangyaring masama sa inyong tatlo. Pasensya na hindi ko s'ya nagawang pigilan kahit sobrang nababahala ako. Pero sana, hanggang dulo e magkakasama parin kayong tatlo, at walang mawawala.

Umaasa ako, kaya please, gawin n'yo lahat ng makakaya n'yo.

Welcome to X's File

Continue                Exit

"Now what the hell." Rune cursed. "Is that some apocalypse he's planning to do?"

Bumalik 'yung kaba at galit sa dibdib ko. "Kailangan nating mag ingat." Sabi ko. "Kung alam n'ya nang may alam si Xen, paniguradong tayo na isusunod n'ya." Dagdag ko pa.

Naccurious na ako ngayon kung anong binabalak nu'ng prof na 'yon. Hindi na rin ako siguradong secured parin kami ngayon. Hindi na computer ang kaaway namin kaya kahit anong galing ko sa pagtatago rito, wala nang saysay kasi kaharap na namin 'yung kaaway at anytime pwede kaming sugurin.

"Okay ka lang Gwyn?"

Agad naman akong nabahala kaya napatingin ako sa kan'ya. Bumilis 'yung tibok ng puso ko. Nakatingin lang s'ya sa screen.

"Ah, oo." Simpleng tugon n'ya.

"Sorry." Napatingin s'ya sa akin. "Sorry napunta ka sa ganitong sitwasyon." Sabi ko.

"Lahat may purpose Ascen." Inangat ko ulit 'yung tingin ko sa kan'ya. "Hindi ako natatakot, alam kong safe ako sa inyo." Dagdag n'ya.

Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap papasukin sa tenga nu'ng mga sinabi n'ya.

"Kung sakaling may takot ka, tanggalin mo na. Kasi papanindigan namin ni Ascen 'yung sinabi namin sayo nu'ng unang araw nating magkakasama na gagawin namin lahat mapanatili lang 'yung kaligtasan mo." Sabi ni Rune.

Binalik ko sa screen 'yung tingin ko. "He's right, at kahit hindi ka namin close e proprotektahan ka parin namin kasi simula't sapul, si Xen na kaibigan namin ang may kagagawan nito." Dagdag ko pa.

Tumahimik s'ya saglit.

"Kahit hindi ko rin kayo close sasama parin ako sa inyo, kahit dumating sa point na ipagtabuyan n'yo na ako, sasama parin ako sa inyo."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon