CHAPTER 51: SUSPICIONS

87 10 0
                                        

"How's your sleep?" Tanong ni Ascen.

Kakarating lang namin sa dining room nila. Hinintay n'ya akong magising tsaka inaya rito. 10 am na rin, sabado ngayon. Tsaka sobrang late na naming natulog.

"It's fine." Sagot ko habang kinukusot kusot 'yung mga mata kong pungay pa.

Tulad kina Rune ay nakatulog ako agad dito. Dahil na rin siguro sa sobrang antok at pagod. Hindi ko na natiis.

Pero,

Walang makakatumbas sa nangyari kagabi. Sobrang sarap sa pakiramdam. Kahit unsure pa ako sa nararamdaman ko. Nakalimutan ko rin lahat ng problemang dala ko dahil don. Nakakatuwa rin.

"Where's your mom? And dad?" Takang tanong ko.

Dadalawa lang kami ngayon sa hapag kainan ni Ascen tapos nagseserve 'yung mga katulong nila.

"They left at 6 am. Need nilang asikasuhin 'yung company abroad." He answered.

Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o ano dahil sa sinabi n'ya. Pero on the second thought, alam kong iniisip parin s'ya ng parents n'ya kasi kahit busy sila e nagawa pa nilang umuwi sa mismong birthday n'ya. Iniyakan pa nga ng mama n'ya kagabi.

"Sanay na ako sa gano'n by the way." Sabi ni Ascen. "Lagi naman akong mag isa rito at hindi na bago sa akin 'yon." Dagdag n'ya pa.

"Akala ko ba nandito grandparents mo?" Tanong ko ulit.

"Oo, pero nasa silid lang nila at minsan lang ilabas ng mga katulong namin. May mga katandaan na rin kasi at hindi na pareho makatayo." Sagot n'ya.

Napa 'ahh' naman ako.

"Balak din nila akong kunin sa ibang bansa pagka graduate ko." Patuloy lang s'ya sa pagkain at hindi nag aabalang balingan ako ng tingin. "Actually gusto ko rin."

Nag umpisa na kaming kumain.

"Ba't hindi mo ituloy." Sabi ko.

"Nagbago isip ko." Nakatingin sa aking sabi n'ya.

Nailang naman akong kumakain dahil do'n. Bakit kailangan pang tumingin.

"Eh si Rune?" Tanong ko para hindi ako mailang.

"Baka s'ya ang matuloy since marami s'yang pangarap. Pero hindi ko lang alam kung itutuloy n'ya pa ba." Sagot n'ya. "Either way, okay lang sa akin. Iniexpect ko na 'yung worst-case scenario kung sakaling magkahiwalay kami ni Rune." Sabi n'ya.

"Like magkapamilya?" Tumango s'ya. "Wala ka ba talagang balak?"

He chuckled awkwardly. "Mula no'n oo wala. Hindi ko alam kung paano papasok sa gano'n lalo't wala pa akong experience at hindi ko pa nararamdaman." Napatingin s'ya sa akin. "Ewan."

Napabaling naman ako agad ng tingin sa kinakain ko. Nananadya ba talaga s'ya.

"By the way Gwyn."

"Hmm?"

"Good job for decrypting the file." He said.

Habang subo subo ang kutsara ay takang napatingin ako sa kan'ya. Tsaka ko rin agad narealize kung anong gusto n'yang sabihin.

"How did you managed to finish that algorithm? It's very hard." He asked.

Binaba ko 'yung kutsara. "Nabigo ako nu'ng unang mga attempt lalo wala naman akong alam do'n. Sinubukan ko 'yung mga unang steps sa internet kaso hindi gumana." Sabi ko. "But I learned that I should use specialized methods and techniques, like that Chinese thingy one. Tapos ayon, kahit halos mamatay na ako sa numbers nakaya ko naman."

Napatawa s'ya ng marahan. "'Yon isa kong ipinagtaka, kahit wala kang alam e nagawa mong tapusin 'yung pagkarami raming numbers. Hindi ko maimagine ilang oras ginugol mo sa pag distribute palang. Paano pa kaya sa pag iterate ng bits?"

Biglang nag rewind sa utak ko 'yung pikon at inis na naramdaman ko habang ginagawa 'yon.

"Actually 'yan dahilan bakit hinimatay ako nu'ng nakaraan." Sabi ko. "Sa kagustuhan kong makita ka ulit-oh."

Narealize ko kung anong sinabi ko at dahan dahang nag angat ng tingin para tignan s'ya. Napatitig ako.

Parang hindi s'ya makapaniwalang nakatitig sa akin ngayon.

Ayan nanaman, bumibilis nanaman 'yung tibok ng puso ko. Pag 'to di tumigil sasaksakin ko 'to.

"Gusto mo akong makita?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

Naiilang akong ibinalik sa pinggan ko 'yung tingin ko. Tsaka tumango.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kan'ya. "Akala ko ako lang." Napaangat ulit ako ng tingin. "Nag aalala rin ako kasi baka may nangyari nang masama sayo habang wala ako, knowing na sinto sinto 'yung pinag iwanan ko sayo."

Sama rin pala talaga ng ugali nito.

"Safe naman ako kay Rune." Sabi ko.

Pero ano na ulit 'yon? Gusto n'ya rin akong makita? Tsaka, nag aalala rin s'ya sa akin. Gano'n lang ba talaga s'ya kabait?

"Not all the time tho." Ascen said.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pansin ko ring komportale na talaga akong kausapin s'ya. I mean nakakapag initiate na ako ng conversation nang hindi napipilitan o naiilang. Ang tanging nagiging dahilan nalang ng pagkailang ko e 'yung mga sinasabi n'ya sa akin na nagdudulot ng hindi ko maintindihan na pakiramdam.

May bigla namang pumasok sa utak ko.

"I don't know your full name." I said out of nowhere.

Kasi hindi naman pweding first name n'ya lang kilala ko, ngayong nagiging malapit na ako sa kan'ya.

Napatawa ulit s'ya ng marahan. "It's Ascen Lucian Fuentes." He said.

Ang expensive pakinggan pati pangalan.

"I don't bother you calling me anything." Pinagpatuloy n'ya 'yung pagkain. "Gwyneth sayo diba?" He asked.

Tumango naman ako. "I prefer Gwyn." Sabi ko naman.

Parang ang hirap kasi banggitin pag ang haba haba. Okay na ako sa Gwyn na parang pinatigas na Gwen lang.

"I see." Bigla rin naman s'yang tumigil sa pagkain. "I remembered something." Pang aagaw n'ya ng atensyon ko.

"What is it?" I asked.

"'Yung comfort room crime." Panimula n'ya. "Nu'ng time na idadala na sa stasyon ng pulis 'yung suspect e may ibinulong s'ya sa akin pagkadaan n'ya sa gilid ko."

"Ano?" Takang tanong ko. Tsaka bakit naman ibinulong kay Ascen? Hindi nga sila magkakilala.

"Codex." Napahinto rin ako. "I think there's a possibility na sangkot 'yung Codex sa crime." He answered.

Nilunok ko 'yung nginunguya ko. "Sa tingin mo 'yung nagsulsol sa kan'ya para gawin 'yon e isa sa mga member ng Codex?" Tanong ko ulit.

Tumango s'ya. "Tsaka may possibility ding baka binantaan s'ya para hindi n'ya sabihin sa mga pulis." Sagot n'ya. "Pero ang mas ikinababahala ko, e baka naro'n mismo 'yung miyembro ng Codex sa university."

HACKED: CODE XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon