Hindi kami makapaniwalang tatlo sa mga narinig namin mula kay sir Xen. Hindi namin inakala na 'yung akala naming takot at hindi pa kailanman pumapasok sa madilim na bahagi ng web ay s'ya palang dating leader ng sikat na illegal organization do'n. Ang nakakapagtaka pa ay kung bakit alam n'ya nang mamamatay s'ya. Hindi kaya nu'ng mga nakaraang araw na hindi nagpapakita si sir Lenard ay may pinaplano na talaga s'ya kay sir Xen? O hindi naman kaya'y kaya alam na agad ni sir Xen e kasi may napag usapan sila.
"I think the reason why that prof killed Xen is because Xen already knew he's the current leader of Codex and he's afraid Xen might lure him." Rune said.
"That's possible." Sang ayon naman ni Ascen.
Tama nga. Pero kung talagang leader nga s'ya, ba't s'ya natatakot? Hindi ba dapat ihack n'ya nalang lahat ng device ni sir Xen para wala s'yang maging proof? Bakit pinatay n'ya agad?
"That prof don't have skills in hacking like Xen, I'm sure of that. Kaya lang s'ya nakakagawa ng crimes sa dark web e kasi alam n'yang secured 'yung organization nila. Kung sakali mang makagawa 'yon ng kung ano, either nagpahelp nalang s'ya sa mga kamember n'ya o humingi ng tulong sa mas professional."
Parang nabasa naman ni Rune 'yung utak ko sa sinabi n'ya.
Nakatutok parin kaming tatlo sa video.
"'Yung sinabi ko pala sayo sa rooftop Ascen, totoo 'yon.. At para matulungan ko kayong ilure 'yung Codex, gusto kong hanapin mo 'yung encryption na ginawa ko tapos 'yung password e 'yung napagusapan din natin do'n." Tumawa ng marahan si sir Xen. "Wala sa phone ko o laptop ko 'yung encryption kaya wag na kayong magsayang ng oras para ihack 'yon. And it's somewhere, basta, kayo na bahala maghanap."
Napakunot 'yung noo namin. Bakit kailangan pang pahirapan kami? Hindi ba dapat mas maigi kung sabihin n'ya na agad para malure na 'yung Codex?
"Why did he have to do that." Rune said. "Papahirapan pa tayo." Dagdag n'ya.
That's what I'm talking about.
"There's a purpose why." Ascen answered. "Sa akin n'ya lang sinabi."
"Well that's unfair."
"You wouldn't understand." Ascen said seriously. "Kung ayaw mong mahirapan ako nalang mag isa ang gagawa."
I never heard him sound like this before. It's quite scary.
"I didn't mean to say that, I'm sorry." Rune apologized. "And I'll help of course." He added.
Hindi na sumagot si Ascen.
"Marami pa sana akong gustong ibilin sa inyong dalawa ni Rune. Pero hindi ko masabi lahat, gusto kong mag thank you actually. For being there for me since then. Pasensya na hindi ko nasuklian lahat 'yon at parang dinagdagan ko pa pagpapahirap sa inyo. Pero for the last time, gusto kong humingi ng favor sa inyo." He paused. "Gusto kong ilure n'yo ang Codex na s'yang ginawa ko. Hindi ko kayang magtagal pa 'yon. Alam kong delikado para sa inyo pero, please, malaki ang tiwala ko sa inyo. Kayo na tumapos sa inumpisahan ko."
Naaawa ako sa kan'ya. Halatang pinagsisisihan n'ya lahat. Parang pinag isipan n'ya talaga ng malalim lahat ng mga mangyayari, lahat ng sasabihin n'ya. Nakakalungkot lang na ngayon e nagtatapos na ro'n lahat.
"I want to see you with each other until the end, Ascen and Rune. Gusto ko ring tuluyan mo nang makilala 'yung sarili mo Ascen." Sabi ni sir Xen. "And Gwyn.."
Napasinghap ako.
"Gusto kong wag kang lalayo sa kanilang dalawa, lalo kay Ascen. Gusto kong nand'yan ka lang sa tabi n'ya hanggang sa mag grow kayo pareho." Ngumiti s'ya. "Thankful ako na dumating ka, hindi ko rin matatantsa 'yung saya ko with you around. Hindi pa rito nagtatapos actually, marami pa akong iniwang message sayo pero ikaw na rin bahala maghanap kung nasaan.
Ayon, sana magtagumpay kayong tatlo. Umaasa ako sa inyo. Good luck."
Pagkatapos no'n ay biglang nag black 'yung screen.
Naglakad kaming tatlo pabalik sa sofa at pare parehong naupo.
"Ang duga n'ya." Rinig naming sabi ni Rune. "Hindi man lang n'ya tayo hinintay." Dagdag n'ya.
"So that's what he meant...."
Napatingin kami kay Ascen.
"Which one?" Rune asked.
"Nu'ng tinawag n'ya ako sa rooftop nu'ng nakaraan, nagtaka ako kung bakit bigla bigla n'ya nalang tinanong kung paano kapag nawala na s'ya. Naweirduhan ako sa kan'ya pero sinagot ko nalang din." Sagot n'ya.
"Damn it." Rune cursed. "Napaka unfair n'ya, hinintay n'ya pang umabot sa ganito bago n'ya sinabi lahat. Kung sinabi n'ya na sana no'n pa na s'ya si X edi sana hindi pa s'ya patay ngayon at matagal na nating nalure 'yung current members." He frustratedly complained.
"He's afraid we might hate him, the fact that our purpose in diving is luring the organization he made." Ascen said.
Inirest ni Ascen 'yung ulo n'ya sa sandalan ng sofa.
"Fvck that prof." We heard him cursed. "I'll make him suffer before he die." He added.
Bakas na talaga sa kan'ya 'yung pagkagalit. Nahihirapan na rin akong tignan silang dalawa ni Rune. Kahit ako, sobrang bigat ng dibdib sa nangyari kay sir Xen. Paano na kaya sila? Tsaka, ngayong nalaman na nila lahat ng katotohanan. Hindi ko alam kung paano nila ihahandle 'yon ng sabay sabay.
"So saan natin hahanapin 'yung encryption." Rune said.
"I don't know either. I'm still thinking where." Ascen said.
Wala rin naman akong idea sa kung saan, lalo't wala akong masyadong alam sa gan'yan. Pero sana naman kung mahanap na namin e mabuksan din namin agad. Hindi ko maiimagine kung gaano namin katagal bubuksan 'yon kung sakaling mahirap na encryption 'yung ginawa ni sir Xen.
Pero sana naman hindi. Baka dumating kasi sa point na masiraan na silang dalawa ng bait at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko iniexpect na mangyayari lahat 'to. Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin lahat. Pero, wala parin akong pinagsisisihan. Kung sakaling pati buhay ko kailangan ding mawala matulungan lang sila, gagawin ko. Marami na silang nagawa para sa akin, do'n palang sa pagdating nila thankful na ako, kaya ngayon, hanggang dulo hindi ako aalis sa tabi nila.

BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistero / ThrillerThis story revolves around a woman who, like many others, is invested in the world of gadgets, particularly computers. She cannot let a day pass without surfing the internet or playing online games. Consequently, this has caused her to distance hers...