Init nakakapikon.
"You okay?"
Napatingin ako kay sir Xen. Pareho kaming nakaupo sa pinto ng tent namin at kakatapos lang naming mag lunch lahat at 'yung iba'y nagpapahinga na.
May mga sumama rin sa ibang profs at nangahoy.
"Okay lang sir." Sagot ko.
He chuckled again. "Don't call me sir. Ang awkward, tsaka ituring mo nalang din akong parang kina Rune, kaibigan ba." Sabi n'ya.
"Nakakailang po kasi, ba't kasi nag prof ka." Napatawa s'ya lalo. "Biro lang po."
"Actually wala sa balak ko mag prof, pero no choice naman ako." Sabi n'ya. "Kaya bare with it, tsaka wala namang problema kahit tawagin mo lang ako sa pangalan ko, o kahit kuya Xen nalang."
Mukhang mas okay nga ata 'yon, kesa sa Xen lang. At least may respect parin natitira. Tsaka sa kabilang banda, s'ya naman mismo nagsasabi na okay lang kahit hindi ko na s'ya tawaging sir. Sarili ko lang talaga pumipigil sa akin.
"Okay kuya Xen."
Napangiti s'ya dahil do'n. "'Yan, mas maganda." Sabi n'ya naman.
Maghahapon na. Buti natakpan na rin ng mga ulap 'yung araw na napakasakit sa balat. Tsaka mas maigi na rin 'yung maraming puno para sa hangin.
"Mukhang may improvements na si Ascen." Napalingon ako kay sir Xen. "Nagawa n'ya nang mapalapit sa iba hindi lang sa amin ni Rune." Sabi n'ya.
"Actually narinig ko na rin 'yan kina Rune at sa mama mismo ni Ascen." Sabi ko naman.
Hindi makapaniwalang tumingin din s'ya sa akin. "Oh? Kelan?" Takang tanong n'ya.
"Nu'ng birthday n'ya. Inaya ako e." Sagot ko. "Ikaw bakit wala ka pala ro'n?" Tanong ko pabalik.
"Inaya ako, pero ang dami ko kasing ginagawa at hindi na maharap pa 'yung pagpunta."
Napatango naman ako tsaka ibinaling sa mga ibang nandito 'yung tingin ko. "Iniyakan ako ng mama ni Ascen, kasi sa wakas daw dumating ako at unti unti s'yang nababago." Pagkukwento ko. "Hindi ko nga alam na gano'n 'yung mangyayari e wala naman akong masyadong ginawa sa buhay ni Ascen, lalo't bilang palang din 'yung mga araw na nakakasama ko sila."
"Hindi basehan 'yung bilang ng naging pagsasama Gwyn, 'yung pagsasama n'yo 'yan mismo o kung paano ka nakaapekto sa kan'ya." Sabi ni sir Xen. "Maaaring hindi mo malaman kung bakit, o parehong hindi n'yo alam kung anong dahilan. Pero sure ako, darating din 'yung araw na pareho n'yo 'yang matutuklasan." Dagdag n'ya.
Nag sink in naman 'yung mga sinabi n'ya sa utak ko. At tama s'ya ro'n. May dahilan ang lahat, at hindi agad agad nayayari. Hindi rin kasi tama kapag minamadali ang mga bagay. Maaaring maging masaya ka sa una pero habang natagal mawawalan ka rin ng gana. Kaya mas maigi kung magtitiwala ka sa proseso at sasabayan ito.
Kung sa case namin ni Ascen, sa ngayon hindi ko pa talaga maintindihan kung ano, kasi nga kakaumpisa palang namin. Pero gano'n na epekto n'ya sa akin.
"Ikaw po ba? Bukod po ba kina Ascen may iba ka pa pong kaibigan? Girlfriend?" Tanong ko.
Pogi rin kasi si sir Xen, at hindi malabong marami ring nagkakagusto sa kan'ya.
Umiling s'ya. "I only have Ascen and Rune. Wala rin akong girlfriend, may balak ako pero sarili ko rin nagpipigil sa akin." Sabi n'ya.
"Bakit naman?"
Napatingin s'ya sa malayo. "Personal na rason." Napatango naman ako. "Na baka malalaman mo rin."
Napatingin ulit ako sa kan'ya. "Paano? At bakit?" Nagtatakang tanong ko.
Naiilang s'yang napatawa. "Hindi ko alam, pero may kutob lang ako." Sagot n'ya. "Actually, dapat kasama ko ngayon sina mama, tapos 'yung dalawa kong nakababatang kapatid sa stepdad ko, pero ayon nga, pinagkait sa akin ng tadhana."
Nalungkot naman ako bigla dahil do'n. Kumpara kay Ascen mas mahirap 'yung lagay ni sir Xen kung sakali. Kasi aware din naman ako na hindi s'ya gano'n kayaman kagaya ni Ascen at kung sakaling tumanda na s'ya, wala nang titingin sa kan'ya kung hindi sarili n'ya nalang.
"Okay lang ako ro'n, tsaka nakakausap ko pa naman si mama. Gusto n'ya nga akong umuwi kaso ayoko namang laging may away sa bahay kaya mas okay na nasa city nalang ako." Sabi n'ya pa.
"Intindi ko."
Hindi talaga ako kailanman magiging magandang kausap lalo pag ganito ang topic.
Nasira naman 'yung emosyon ko sa biglang paglapit ng kung sino. Si sir Lenard.
"Mukhang napapasarap kwentuhan n'yo d'yang dalawa ha." Sabi n'ya habang nakatayo sa harapan namin.
"Ah opo sir, nagpapahinga na rin." Sabi naman ni sir Xen.
"Pasensya na pala du'n sa nangyari nu'ng nakaraan, pinagdiinan kong sangkot kayo."
Sus. Mukha mo. Halos mag evolve ka nga nu'ng pinagbibintangan mo sila Ascen. Tapos ngayon kinakausap mo si sir Xen na parang walang nangyari.
"Nako sir okay lang po." Sabi naman ni sir Xen.
"Salamat naman kung gano'n." Sabi ni sir Lenard. "Malapit ba kayo netong estudyante ko?"
Nakalimutan ko pa atang s'ya adviser ko.
"Ah hindi pa po gano'n kaclose pero ibinilin po s'ya sa akin ng kaibigan namin pareho." Sagot ni sir Xen.
"Ah 'yung napagbintangan din bang suspect?" Tumango si sir Xen. "Kung gano'n hindi ko na kailangang tutukan si ms. Gonzales dito at 'yung dalawa ko nalang na kaklase n'ya. Wala ka namang binabantayan sir Xen diba?"
As if naman gusto kong pabantay sayo. Baka nga kahit wala si sir Xen dito na s'yang magbabantay sa akin e hindi ako sasama sa prof na 'to. Dahil du'n sa nangyari ang uncomfortable na ng pakiramdam ko sa kan'ya.
"Opo sir, ako na pong bahala sa kan'ya." Sagot naman ni sir Xen.
"Oh sya, salamat ulit kung gano'n. Babalik na ako sa pag tulong sa kanila." Paalam n'ya.
"Sige sir, susunod nalang ako." Sabi naman ni sir Xen tsaka tumayo.
Tuluyan na ring nakalayo si sir Lenard at kasama na 'yung ibang professors na naghahanda sa pag dilim.
"Dito ka lang, tutulong ako sa kanila." Sabi ni sir Xen habang sinasara 'yung zipper ng tent n'ya. "Kung may need ka lapitan mo lang ako ro'n." Bilin n'ya.
"Sige lang po, okay lang ako rito." Sabi ko naman.
Nginitian n'ya ako. "Sige, maiwan muna kita d'yan."
BINABASA MO ANG
HACKED: CODE X
Mistério / Suspense"She lived through screens and silence, until one call, one message, turned her world into chaos, forcing her to feel, trust, and face the darkness she'd long ignored." Story Title: HACKED Genre: Mystery - Thriller Status: COMPLETED Chapters: 100
